Chapter 7

389 26 6
                                    

CHAPTER 7


[Kent's POV]



Sobrang daming nangyayari. Ano bang gulo tong kinahantungan naming tatlo nila Aliyah at Athena? Parang kanina lang nung pumasok kami sa loob ng school, maayos pa ang lahat, pero sa isang iglap bigla nalang gumulo ang lahat.




Hindi ko alam kung ano na ang dapat kong gawin, bukod sa damayan ang babaeng matagal ko ng tinitingnan sa malayo na kanina pa umiiyak dito sa tabi ko. Kulang nalang maubusan na sya ng tubig sa katawan dahil walang tigil sa pagpatak ang mga luha nya. Kanina ko pa siya pinapatahan, pero wala talaga. Ako na rin nagpupunas ng luha nya pero walang pagbabago dahil iiyak din naman siya ulit. Haaay.




Andito parin kami ni Athena sa may Park. Ayaw nya pang umuwi sa kanila. Niyaya ko na syang umuwi para makapagpahinga na siya pero tumanggi lang siya. Nagbabakasakali pa sya na baka makita nya ulit dito si Dave yung kamukha ng kapatid nyang si Carlo. Sobrang halaga talaga ng batang iyon para sa kanya para iyakan nya ng ganito. Pero tama si Aliyah, baka sobrang namimiss lang ni Athena yung kapatid nya kaya sya nagkakaganito.




I decided to believe Aliyah that this attitude of Athena towards that kid, Dave, is just brought up by her longing for her brother. Pero hindi ko naman masabi yun kay Athena dahil alam kong aawayin nya lang ako. Seeing how she got angry with Aliyah a while ago when they are battling with that thing, hindi ko ata kaya na pati sakin magalit sya ng ganun. So I better shut my mouth and comfort her instead.




Kahit na kasama ko si Athena ngayon at sobra akong nag-aalala sa kanya dahil walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa mga susunod pang oras na lilipas, hindi ko rin maiwasan na alalahanin si Aliyah. Muntik na siyang masagasaan kanina, alam kong marami syang natamong sugat pero mag-isa lang siyang umuwi. Medyo madilim narin kaya siguro nasa bahay na siya. Sana.




"Uhhm? K-kent?" Masyado ata akong napalalim sa iniisip ko, hindi ko namalayan na tumigil na pala si Athena sa pag-iyak.




"Okay ka na ba Athena? Gusto mo ng umuwi? Ihahatid na kita sa inyo." Pagyaya ko sa kanya.




"I'm not yet okay pero wala na akong luhang maiiyak kaya kahit anong pag-iyak ang gawin ko, papagurin ko lang ang sarili ko, hindi naman kasi nababawasan yung sakit." She smiled after saying that. A faint smile. Halatang she's really hurting inside.




"Halika na, sigurado akong pagod ka na. Masyadong maraming nangyari, mabuting makapagpahinga ka na sa inyo."

Breaking the FRIENDZONE (JulQuen)Where stories live. Discover now