CHAPTER LX. |HE SAYS|

Magsimula sa umpisa
                                    

Tiningnan naman nito si Butler Shin at may isinenyas dito. Siya namang ding pagbulong nito kay tita. 

“My son will be arriving soon. Let’s just wait?” Then Tita looked at me.

“How are you Lixien?” Nakangiti niyang tanong sakin. Ngiting kagaya ng dati, kagaya nuon walang halong galit o tampo. 

Bakit parang kinakain ako ng guilt. Somehow sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyayari ngayon. Kung bakit ba nangyayari ang mga ganitong bagay ngayon.

Mali ba ang mga naging desisyon ko? 

Makalipas rin naman ang ilang minuto ay medyo gumaan na din ang pakiramdam ni Lixien at pakikitungo nito kay Mrs. Kangnam.

“Ahm, Mrs. Kangnam if you don’t mind, is he really coming? Where’s your son?” Tanong ng ama ni Lixien na mukhang nababagot na.

May napakinig naman ang mga ito na pagkalampag.

“I think he's already here” Makahulugan itong nakangiti kay Lixien na nuo’y hindi na makuhang magsalita sa nerbiyos.

Lixien feel stiffened nang marahas na bumukas ang pinto.

At bumungad sa kanila ang dalawang maskuladong lalaki na pilit na pinapakalma ang hawak ng mga ito.

And there HE is struggling hard, wearing a white polo na medyo nakabukas na ang dalawang butones nito dahil mukhang naging mahirap ang pagsama nito sa kanila.

“FUCK. LET ME GO!” pasigaw na sabi nito. Hihingal-hingal itong tumigil sa pagpupumiglas. Sinubukan pa nitong iwaksi ang kamay pero wala itong nagawa.

Saka pa lang nito nagawang tingnan ang mga taong nasa mesang yun, matiim niyang tiningnan ang mga ito, then he see her. There she is, shocked written in her face also. 

Ibinuka niya ang bibig pero walang lumabas na salita dito. Natawa ito nang mapakla. 

“You can let go of him” Utos ni Mrs. Kangnam sa dalawang lalaki. Nginitian nito ng matamis ang anak. “Clyde sit here… “ sabay tap nito sa upuan sa tabi niya “And meet your fiancé” isa na namang ngiting napakatamis galing sa kanyang ina.

Clyde glare at his mother and then he look where Lixien is. Nakayuko lang ito. Ibinalik niya uli ang tingin sa ina na pagkakatamis ng ngiti. ‘Damn. His Mother is now interfering his life’. Na sa pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang pinanghihimasukan na lang basta ang buhay niya!

Ilang metro din ang tinakbo niya para matakasan ang mga tauhan ng ina. And Damn his Mother for not telling who she wants to setup the engagement with him. What a stubborn mother.

But Damn this. He doesn’t want someone to manipulate him AGAIN.

“I’m not going to cooperate with this” Clyde. Tiim bagang na sabi nito. Akmang tatalikod na ito, palabas ng pinto.

“Clyde, stop right there and stay here until were finish talking. And let me introduce you officially to your dear fiancé” Mrs. Kangnam sa makapangyarihang tono.

Nag-angat naman ng ulo si Lixien. She looks at his back. Ano ba ang dapat niyang maramdaman?. Dapat nagbubunyi siya ngayon dahil si Clyde naman talaga ang una palang gusto niyang makatuluyan hanggang huli pero bakit parang deep inside nalulungkut siya. Siguro dahil… he makes her feel so rejected right at this moment. Siya pa pala ang mare-reject ngayon.

Marahas naman ang ginawang paglingon ni Clyde sa ina. “What do you think you’re doing?!” pagalit na sabi nito.

“They are our soon to be business partner, don’t act like a stubborn child and sit here. Hindi ka rin naman makakalabas sa pintuan na yan” nagbabantang tono ni Tita.

Lixien confusedly looked at her Tita Belle who becomes more authorized and now can handle Clyde herself. Siguro nasanay na rin ito sa pag-uugali ni Clyde. Alam na nitong pakitunguhan ang anak.

Natigilan si Clyde sa sinabi ng ina. Ilang beses siyang humugot ng hininga upang kumalma ang sarili.

Nakatikom ang kamaong lumapit si Clyde sa mesa ng mga ito, na waring pinipigil ang galit. Pasalampak itong naupo sa upuan para dito.

Nang tingnan ni Lixien ang mukha nito, he’s already looking at her. May kung anong sinasabi ang ekspresyon ng mukha nito pero bago pa niya mabasa yun nag-iwas na ito ng tingin sa kanya.

Samantalang nakatingin naman ang mga magulang ni Lixien kay Clyde na bakas sa mga mukha nito ang pagkadisgusto.

Bulgar na bulgar namang ipinakita ni Clyde ang pagka-bored habang nag uusap ang kanilang mga magulang. Panaka-naka naman din ang ginawa nitong pagsulyap kay Lixien na nahuhulihan din niyang nakatingin sa kanya. He smirks. 

Mabilis lang naman natapos ang usapan ng gabing yun, walang narinig na pagtutul sa dalawang panig.

Naglalakad na sila palabas sa pasilyo ng restaurant, nauunang maglakad si Lixien kay Clyde habang ang mga magulang naman nila ay malayo nang nasa unahan nila.

Biglang tumaas ang balahibo ni Lixien when she feel his nearness at her back. So close to her. Dahilan para mapatigil siya mismo. Ramdam din naman niya ang pagtigil nito. "You'll regret this...  I’m sure of it, Ill make you regret it" sa malamig na tono ni Clyde sa likod niya. At mabilis siyang nilampasan nito.

Pero bago pa ito makalayo sa kanya. "Minsan na akong sumuko Clyde...  at hindi na mauulit yun..."  ngumiti si Lixien kahit hindi siya nakikita nito. " Nice meeting you again 'fiance'" 

Mukha namang wala lang narinig si Clyde at nagpatuloy sa paglakad.

Nang makalabas na sila ng Reastaurant pasakay na sana si Clyde ng sasakyan nito ng tawagin ito ng ina, tumigil naman ito pero hindi na ginawang lumingon.

“Bring Lixien home Clyde… act like a real fiancé” Mrs. Kangnam.

Umaasa naman si Lixien na papayag itong sumabay siya dito. 

“Samin na sasabay ang anak namin Mrs.Kangnam, we have to discuss some matters” Mr.Chua.

With that diretso nang pumasok ng sasakyan nito si Clyde. At agad din na pinaharurut ito.

Napatingin na lang si Lixien sa sasakyan nito hanggang mawala ito sa paningin niya. Isang buntong-hininga naman ang pinakawalan niya.

“Until we meet again Mr. Chua. Adios.” Paalam ni Mrs. Kangnam sa mga ito.

“Let’s go” Mr. Chua at sumakay na ito ng sasakyan nila.

‘Now they will talk’ sa isip-isip ni Lixien. 

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon