Chapter 1

11.8K 280 2
                                    

New POV

      Halos maghahating gabi na pero hindi pa rin tumitila ang malakas na pagbuhos ng ulan.Ilang oras na ako ritong naghihintay sa waiting shed pero wala pa ring dumaraang sasakyan.Iyong iba kong mga kasamahan,nagsialisan na dahil nawawalan na sila ng pag-asang may dadaan pang masasakyan.Wala na silang pakialam kung mabasa man sila basta ang importante sa kanila ay makauwi.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil pakiramdam ko wala na talagang dadaang sasakyan.Nakapagdesisyon na ako,lalakarin ko na lang mula rito hanggang doon sa kabilang sakayan baka sakaling may masasakyan pa doon.Sinimulan ko nang hubarin ang sapatos ko tsaka itinaas ang laylayan ng aking suot na slack.Baha na ang buong kalsada at hindi ko alam kung ano ang sakit na makukuha ko dito.Ayoko namang matulog dito.

Lumusong na ako sa baha tsaka dahan-dahang binagtas ang daan papunta doon sa kabilang sakayan.Mabuti na lamang at waterproof itong bag ko kaya ligtas ang mga gamit ko.Nandito pa naman iyong ginagawa naming thesis.

Makalipas ang ilang minutong paglusong sa baha,narating ko na ang sakayang tinutukoy ko.
   
" o hijo anong nangyari sayo? " tanong ng matandang lalaki.Mukhang siya ata iyong driver nitong jeep.
 
" papunta po ba ito sa Cagba? " tanong ko rito.Tumango lang naman ito bilang pagtugon.Pumanhik na ako sa itaas at naupo.Medyo kaunti lang iyong pasahero niya dahil maliban sa umuulan,mag-aalas 11 na rin kasi ng gabi.

Ilang saglit pa ay umalis na kami.Salamat naman dahil kanina pa ako giniginaw,ang mas malala pa pakiramdam ko ta-trangkasuhin ako nito.Hindi pwede may recitation kami bukas.Bakit ba kasi umulan pa,maayos naman kanina ang panahon.

Iniabot ko ang bayad ko at tuluyan nang bumaba sa jeep.Agad akong pumasok sa loob ng rinirentahang apartment at pagkalapag ng dalang bag sa mesa ay agad akong tumungo sa banyo para makapagbanlaw agad.

Paglabas ko ng banyo,hindi na ako nagluto ng makakain dahil pakiramdam ko ay babagsak na talaga ang katawan ko.Umakyat na lamang ako sa itaas at tuluyang ibinagsak ang katawan sa nakatihayang kama tsaka nilamon na ng kadiliman.

" hindi ko pinatay si Akke! " naluluhang paliwanag ko sa isang lalaking hindi ko maaninag ang mukha.Napakasilaw niya.
      
" paano mo nasasabi iyan kung kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano mo siya patayin gamit ang espada ng Ker!! " bulyaw nito.Hindi ako nakasagot sa narinig.Waring ang paligid ay napasailalim ng matinding katahimikan.Tumayo ako at hinarap ang taong kausap.

" paniwalaan mo naman ako kahit ngayon lang " mahinahon kong sabi rito habang ang mga luha ko'y sunod-sunod na nagsisibagsakan.Ang sakit-sakit sa dibdib dahil ni minsan hindi niya man lang ako pinagkatiwalaan.
      
" pano kita paniniwalaan?? " aniya.Mababanag sa tono ng boses nito ang galit at lungkot subalit hindi ko batid kung alin sa dalawa ang nangingibabaw.
  
" parusahan siya!!!! " narinig kong hatol ng isang lalaking ang boses wari'y pinunit na yero.Wala na akong nagawa kung hindi ang harapin ang kaparusahan sa kasalanang hindi ko namang ginawa.

      Nagising ako nang tumama sa mga mata ko ang sinag ng araw mula sa nakabukas na bintana.Napatingin ako sa kisame ng aking silid habang iniisip ang napanaginipan.Ilang taon ko nang napapanaginipan ang tagpong iyon.

Sino kaya ang lalaking iyon?.

Hindi ko alam kung ang panaginip na iyon ay makatotohanan o likha lamang ng aking malikot na imahinasyon sanhi ng aksidente noong ako'y bata pa.Sabi kasi nang umampon sa akin,naaksidente raw ako noong ako'y bata pa lamang,nalaglag daw sa bangin ang sinasakyang kotse ng pamilya ko at tanging ako lang ang nakaligtas.Pero bakit wala akong maalalang ganoong pangyayari?Ni mukha ng mga magulang ko ay hindi ko man lang napapanaginipan o nakikilala kahit sa larawan man lang.

Bumangon na ako sa hinihigaan ko at bumaba na.Nagsaing ako ng aking makakain para sa almusal at nang makapaghanda na papuntang unibersidad.Pagkatapos kong mag-almusal,naligo na ako.

Umalis na ako ng apartment at nag-abang na nang masasakyan papuntang unibersidad.Medyo may kalayuan ang aking apartment sa pinapasukan ko kaya minsan kailangan umalis ng maaga para hindi mahuli sa klase.Lalo pa't may mga istrikto na mga professor.

Pagdating ko ng university kaagad akong dumiretso sa departamento namin dahil nakatanggap ako ng text mula sa kay Anika na kanina pa raw nila ako hinihintay.Mga kaibigan ko sila simula noong freshmen palang kami at hanggang ngayon na graduating na kami sa kinuha naming kurso.

" ang tagal mo naman! " salubong sa akin ni Anika habang nakataas ang isang bahagi ng kanyang kilay.
    
" sorry naman " naisawika ko na lamang habang papalapit sa kanila.
 
" nakauwi ka ba nang maayos kagabi? " nag-aalalang bungad sa akin ni Clide.Nginitian ko lang ito bilang tugon.
  
" tara breakfast tayo " yaya ni Anika.Wala na kaming nagawa kung hindi ang sang-ayunan ito dahil si Anika na iyon.Siya iyong boss sa grupo namin.Kahit babae iyan jusko nakakatakot iyan kapag hindi ka nakinig.

Habang naglalakad papuntang cafeteria,nagku-kwentuhan kami tungkol sa mga kaganapan kahapon.
  
" nga pala panalo ang grupo nila Ken kahapon " pagbubukas ng usapan ni Anika.Si Ken,isa pa naming kaibigan,isa siya sa mga atleta ng unibersidad sa  larangan ng volleyball.
 
" so anong plano? " tanong ni Clide.
     
" hindi ko pa alam,hindi pa naman nagpaparamdam " kibit-balikat na tugon ni Anika.
   
" baka tulog pa " pagrarason ko.
 
" baka nga " pagsang-ayun na lang din ni Clide.

Nang makarating kami sa cafeteria,hinayaan na namin si Clide ang bumili ng aming makakain.Naiwan naman kami ni Anika naghanap nang mauupuan.
   
" nga pala New sleepover tayo doon sa apartment mo sa weekends " wika ni Anika.Napatingin lang ako sa kanya habang nakasabit ang pagtataka sa aking mukha.
  
" bakit naman? " nagtataka kong tanong rito.
     
" wala lang " nakangiting wika nito.
       
" gusto ko lang naman na makasama kayong lahat " dugtong pa nito habang nakatingin sa labas.Seryoso ang mukha nito at bihira ko lang siyang makitang ganito.
  
" hmm Anika may problema ba? " nag-aalala kong tanong sa kaniya.
     
" wala naman gusto ko lang talaga maranasan iyon,isa kasi iyon sa bucket list ko e " aniya.Sus may pa-bucket list pang nalalaman.
   
" oo na sige na lang,punta lang kayo doon,bukas naman lagi ang tinitirhan ko para sa inyo " pagsang-ayon ko na lamang rito.Lumiwanag naman ang mukha nito sa narinig mula sa akin.Dumating na rin si Clide bitbit ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain.

When A God Fall Inlove ( Editing )Where stories live. Discover now