Chapter 10: One bad move

Magsimula sa umpisa
                                    

And then out of the blue, Ken shouts.

“Tama na ‘yan Hero! Uulan na, o!” na sinamahan pa nang mapang-asar na tawa.

“Shut up dude!” Hero answers and flashes his middle finger. Saka siya muling nagpatuloy sa pagkanta. Talaga naman! Napailing nalang ako.

“Kakanta-kanta pa kasi, sintunado naman! Mag-drums ka nalang dude! Hahaha!” sigaw naman ni Mart. Isa pa ‘to! Hahaha!

“H’wag nga kayo! Mga panira! Mga insecure lang kayo! Ang ganda kaya ng boses ko, right ladies?” Hero says and winks at them. At ang mga malalandi, sabay-sabay namang nagsipag-oo! Hahaha!

“See? Ayan, tapos na tuloy ang kanta! Ayaw ko na nga,” pag-iinarte niya at saka inilapag ang microphone sabay lakad palayo. Dramatic walk-out his ass! Hahaha!

“Boo! Loser ka talaga! Hahaha!” natatawang sambit ni Ken at saka muling nakipaglandian sa mga kasama niya. Umiwas nalang ako nang tingin para mabawasan ang inis na nararamdaman ko.

Mukhang narinig ata ni Hero ang sinabi ni Ken kasi bigla siyang napatigil sa paglalakad, lumingon at sinabing, “a, gano’n pala ha?” saka dumampot ng throw pillow at ibinato kay Ken. Sapul sa mukha. Bull’s eye baby! Natigil tuloy ang pakikipaglandian ng loko. Buti nga sa kaniya!

Hindi nagpatalo si Ken; dumampot siya ng throw pillow at ibinato kay Hero. Malas niya lang at nailagan ng kaniyang target! At do’n nagsimula ang pillow fight ng dalawa hanggang sa nakisali na rin ang iba.

Crap! Ang mga decorations nga pala! Baka masira! Baka mabasag pa nila ang mga mamahaling figurine at vase nila Nica! Patay kami kapag nagkataon.

Aawatin ko na sana sila nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

I look at the screen that flashes words saying; 1 message received from Allen.

I instantly click open and read the message.

From: Allen

We will be there in five minutes so get ready guys.

Ang aga naman ata? Parating na agad sina?

Tumingin ako sa wall clock. Ilang minute nalang at mag-a-alas siyete na pala. Ang bilis naman ng oras! Ga’no katagal ba ‘kong naligo? Anyhow, I need to stop these people first from wrecking this place.

Huminga ako nang malalim at buong lakas na sumigaw.

“Stop it guys! Masisira ang decorations! And paparating na sina Allen kaya umayos na kayo! We need to get ready!”

Fuck! Hindi pa rin sila tumigil sa paghaharutan at pagbabatuhan ng unan kaya ang kinuha ko ang microphone na nakapatong sa mini table at saka nagsalita gamit ‘to.

“Tama na ‘yan guys! Parating na sina Nica kaya umayos na kayo!”

Saka lang nila ako napansin. Tumigil sila sa pagbabatuhan ng unan at ilang sandaling natahimik.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon