Chapter 1

3.3K 135 1
                                    

Hailee's POV

Tumatakbo, tumatakbo ako. Pawis na pawis at palingon lingon sa likuran, ang magulo kong buhok ay humaharang sa aking paningin.

"Sabelle! Akala mo makakaalis ka?!"

Isang putok ng baril na sinundan pa ng isa.

Nagsimula akong magdasal, pagod na pagod na akong takbuhan ang lahat.

"Pinahabol mo pa ako, walanghiya ka talaga."

Isang malakas na tadyak ang nagpatumba sa akin. Pagod na ako at wala ng lakas lumaban.

"Papatayin ka ng sarili mong katangahan."

Tila nabingi ako. Lumuwag ang pagkaka-kuyom ng kamao ko, bandang huli, hindi rin ako nagtagumpay.

Naramdaman ko ang malamig na labi ng baril sa noo ko, tapos na ako. Paalam at patawad.

BANG!

"Alee, sweetie."

Tagaktak ang pawis ko at humahangos nang magising, bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni mama.

"Are you alright?" Tanong nito habang pinupunasan ang pawis ko.

"Yes po, binangungot lang." Tanging nasagot ko.

"Malapit na tayo sweetie, freshen yourself up." Sabi nito at tinapik ako sa braso.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan at sa relo, sampung oras na kaming nasa byahe. Inilipat ako ng paaralan dahil sa mga kaguluhang nasangkutan sa dati kong pinapasukan.

It looks like they took it seriously this time. I've been into a lot of troubles and transferred into different schools at ito na yata ang pinaka malayo.

Maya-maya lang ay hininto ni papa ang sasakyan sa harap ng isang mataas na gate, hindi tanaw ang loob at hindi kayang akyatin ang pader; which I usually do in my previous schools.

"Is this the right place?" Takang tanong ko sa dalawa.

Nakangiti lang si mama habang tumatango. Lagi naman 'tong nakangiti, ngiting paniguradong mamimiss ko.

"Hindi na kami papasok sa loob at may sasalubong na sayo sa kabila ng gate, mag-iingat ka anak at kung gagawa ka ng kalokohan siguraduhin mong walang makakaalam at hindi makakarating sa amin ng mama mo."

Natawa naman ako sa sinabi ni papa, kahit minsan lang kami magkakasama alam ko namang mahal nila ako at importante ako sa kanila.

"Love you mom and dad. Mag-iingat kayo, lagi rin akong maga-update sa inyo, huwag kayong masyadong mag-alala sa akin dahil hindi na ako bata."

Nginitian ko sila. Boarding school kasi ang papasukan ko at nag-aalala ako na baka byumahe ng napakalayo si mama at papa linggo-linggo para lang dalawin ako.

"Hmm we'll decide whenever we want to visit you."

Napuno ng tawanan ang sasakyan pero sandali lang yun at bumaba na ako mag-isa dala-dala ang isang maleta at backpack.

Kumaway pa ako bago tuluyang pumasok sa gate.

Pinikit ko ang aking mga mata. Sana maging maayos ako dito. Hindi ko man sinasadya ay parang lagi akong hinahabol ng problema o gulo, wala naman akong balat sa pwet.

"Good morning miss! Welcome to the Academy, please follow me."

Isang babaeng mukhang estudyante rin ang sumalubong sa akin, lilang buhok na abot balikat at mala-anghel na mukha, mas matangkad ako sa kaniya ngunit nahumaling ako sa awra na dala niya at syempre sinundan ko siya.

Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon