Mr. Manhid

99K 269 12
                                    

"Michelle!"

Hi. Ako nga pala si Michelle Villafuerte. 17 years of existance. 2nd year college at nagaaral sa West University.

Sabi nila, mabait daw ako. Matalino, bestfriend-material, maganda, mayaman at magalang. Kumbaga nasa akin na daw ang lahat.

Yun ang tingin nila sa akin. Lahat nakukuha ko agad. Pero ang totoo niyan, hindi talaga.

Ako ang campus crush. Hindi ko alam kung bakit may ganun dito.

Araw araw na papasok ako sa paaralang ito ay pinagkakaguluhan ako.

"Hoy, aba naman, Mich! Kanina pa 'ko salita nang salita dito."

Napalingon ako sa bestfriend ko. "Ano kamo?"

"Ano kamo ka diyan, lutang ka teh!? Sabi ko, tara na't pumunta na tayong room. Baka nandun na si ma'am." Tumango ako. Siya nga pala si Jade Delos Santos. Ang bestfriend ko.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa hagdan. Hingal kami pareho ni Jade nang makarating sa room dahil 6th floor pa ito at walang elevator. Kainis!

Agad kaming pumuwesto sa likod. Magkatabi kami ni Jade. Di pa naman ito ang permanent seat namin.

Nagkwentuhan kami ng kung ano ano. Nagtatawanan lang na parang walang bukas.

Si Jade yung bestfriend na tatanggapin ka kahit ano ka pa. Kahit mahirap ka, kahit masama ugali mo. Hindi siya 'yung tipo ng taong babaguhin ka, badta't nagpapakatotoo ka, 'yun ang mahalaga.

Siya yung bestfriend na hinahangad ng kahit sino.

Mabait, magalang, maalaga, pala-kwento, masayahin, maingay, hindi KJ.

Maaaring hindi siya madalas magseryoso. Pero kapag alam niyang nasa gipit na sitwasyon na, asahan mong magiging seryoso yan.

Hindi siya madaling magalit. Pero pag nagalit yan, ibig sabihin mahalaga ka sa kanya.

Kapag alam niyang nasasaktan ka, kakausapin ka niya. I-cocomfort pero may kasamang sermon.

Kaya mahal ko yang bestfriend ko eh.

"Mich, absent daw si Lyca." Pag-iiba ni Jade ng usapan.

Bestfriend din namin si Lyca.

Masungit 'yan. Bully at maingay. Pero noon yun.

Transferee si Lyca, at halos walang makasundo kahit ilang linggo na sa school. Nagkataon namang nagkaroon ng group project at napasama siya sa amin ni Jade. Doon namin siya lubos na nakilala.

Doon namin nalaman na sa likod ng matapang niyang pagkatao ay ang kuwela't maunawain niyang side.

Simula noon ay hindi na kami napaghiwalay na tatlo. Hindi na rin bully si Lyca ngunit nanatili itong palaban at mataray.

Yung pagiging mataray niya naman, minsan biro biro na lang. Minsan naman kapag may dahilan talaga. Mabait talaga yan si Lyca, kung mabait ka sa kaniya.

"Bakit daw? Ano ba yan. Dalawa nanaman tayo. Sawa na 'ko sa mga kwento mo." Pagbibiro ko.

Natawa naman siya. "Baliw. Pupunta raw sila sa lolo niya. Bibisitahin daw nila. Alam mo naman si Lyca, family oriented. Mahal na mahal ang family."

Bukod pa doon, kasasabi nga lang ni Jade. Si Lyca ay family oriented. Mapagmahal. Hindi lang sa pamilya. Pati na rin sa mga kaibigan.

Malalaman mong kaibigan ka na niya kapag nagsimula na siyang pahalagahan ka. Kapag pinagtatanggol ka niya sa mga nangaaway sayo.

One Shot Compilations [COMPLETED]Where stories live. Discover now