"Nakinig ako. Oo na, tama na kayo, tss....akalain mo yun, magaling rin pala kayong mag advise" 

"Kasi naranasan na namin yang nararanasan mo ngayon. Tyaka impossibleng hindi mo pa yan nararanasan eh naka 23 ex girlfriends ka na" –Nathan

"Mahirap man paniwalaan pero kay Monica ko lang talaga yun naramdaman, kasi love na love ko siya" binatukan ako ni Nicolo

"korni korni mo pre"

Narinig namin bigla na bumukas yung pintuan

"wait lang ah"

Pagsilip ko wala naman....

Tuluyan na lang akong lumabas, pinuntahan ko si Lawson baka nagloloko na naman yun, pero hindi eh busy siya sa pagkocomputer niya, impossibleng makabalik siya agad

Aa baka si Lorenzo ... pinuntahan ko siya sa kwarto niya

Naabutan ko siya dun sa labas ng kwarto niya

Sabi na nga ba siya yun eh

"Kuya oh girlfriend ko ?" pinakita niya sa akin yung CP niya na may picture ng babae

Magagalit pa lang sana ako ng inunahan niya na ako

"gago !" at sinarhan ako ng pinto ng napakalakas

She* !

Gago yun ah..

Kinatok ko yung pintuan ng kwarto niya pero ayaw niyang buksan

Ano bang problema nun ? kabadtrip siya huh.

Pinuntahan ko ulit si Lawson

"Hoy anong ginawa mo dun kay Lorenzo ?" galit kong sabi

Kabadtrip talaga masabihan ng gago ng mas bata sayo, kapatid mo pa.

"wala, ni hindi pa nga kami nag uusap eh, tsk tsk" sabi niya ng hindi tumitingin sa akin

"sigurado ka ha, kapag nalaman kong nag away kayo lagot kayo sa akin"

Pinuntahan ko si kuya Lazaro

Kinuha yung susi sa kwarto ni Lorenzo

Nung nakuha ko na, pumasok ako sa kwarto ni bunso

"tangna mo, bat ka andito ha !?" at minura pa niya talaga ako

"Hoy tang ina mo aa, mas matanda pa rin ako sayo ! Bastos ka aa" sigaw ko sa kanya, bastos eh. Kailangang magtanda.

"Tss"

"Galit ka ba sa akin ?"

"Hindi pa ba halata ? tss, alam mo, dapat pala hindi na ako nakikinig sayo simula't sapul. Sinungaling !"

Binigyan niya ko ng isang suntok sa mukha

She* ! What the pak !

Tinulak ko siya

"Put*, kuya mo ko tapos susuntukin mo ko ? Kung sinuntok rin kaya kita ?"

Nagready na akong suntukin siya ng natigilan ako nung nakita kong pumatak luha niya

"tapos ngayon iiyak ka ? Sa susunod na gawin mo yun sa akin, masasaktan na talaga kita"

Badtrip kasi, buti napigilan ko sarili ko....

"ano yan huh ?  Ang laki laki niyo na nag aaway pa rin kayo"-kuya Liam

"pagsabihan mo yan kuya...nagiging bastos eh" lumabas ako sa kwarto niya

United LoveWhere stories live. Discover now