Chapter 49: Meeting the In-Laws

Magsimula sa umpisa
                                    

***

BRYAN'S POV

Pinagbuksan ko si Drea babe ng pintuan tska inalalayan makababa sa kotse. Sa araw-araw ko siyang nililigawan, nauubusan na ako ng mga styles kung paano ko siya mapapasagot na may tears of joy. Haha gusto ko siya umiyak dahil sakin, but don't get me wrong gusto ko ako lang makaka-pagbigay ng ligaya sakanya.

Naglakad kami sa may park habang hawak ko parin yung kamay niya. Ayoko siya pakawalan baka pag inalis ko yung kamay niya sa kamay ko umalis ulit siya. Ayoko na mangyari yun.

"Bry, ano maglalakad lang ba tayo dito? I'm tired." Napakareklamador talaga nitong babaeng to.

"Almost there. Relax." Hinalikan ko siya sa pisngi nang matahimik. Tumahimik nga sabay pamumula ng pisngi niya. Haha, kahit medyo madilim na, kitang-kita pa din.

Pagdating naming sa lugar, narinig ko siyang napasinghap ng mahina.

"Anong pakulo ‘to? What's the occasion?" Nakita ko yung excitement sa mata niya. Pinaupo ko muna siya sa upuan na nandito sa park na pinaayos ko talaga para sa aming dalawa. Pinalagyan ko ng decorations at Christmas lights yung parte samin.

"Wala naman. I just want our date to be more meaningful." Ngumiti ako sabay nilabas yung gitara mula sa likod.

"Marunong ka pala tumugtog ng instrument? Amazing~" Now, I can tell na good mood na siya. Another thing that I love about her. She’s so easy to please.

"Oo naman. Ikaw naman kasi wala kang bilib sakin." 

 

♫♪She's the type of girl you CAN take home

Don't wanna be alone, because you know that you'll go crazy yeah

She's on my mind for hours at a time. Yeah, Girl

It's you that I sing for

And I know, Everything we've been through you know that I'll be true

For sure, Coz baby I love you. ♫♪

Nakatitig lang sakin si Ondrea habang nakikinig siya sa kinakanta ko. Napapa-ngiti nalang ako kasi ang daming taong humadlang samin noon pero ngayon eto na na oh kukunin ko na yung sagot niya -- na kung pwede na ba kunin yung OO niya.

Nababakla na naman ako pagdating sa kanya. Nakakatuwa lang din isipin na hindi pa naman kami pero kung umasta kami parang kami na. Pero gusto ko kasi gawing official kaya ngayong gabi, tatanungin ko na siya kung pwede ko na ba siya maging girlfriend...

♫♪ She's my moonlight when I'm all alone at night

She's always on my mind and I can't believe that

She is here with me

She's my good bad and everything in Between.

The most hottest thing I've ever seen and I Can't believe that

The Casanova SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon