Chapter 53: Unfinished Deal

681 24 4
                                    

Chapter 53

BRYAN'S POV

Pagka-upo ko pa lang mula sa pagkakahiga, bigla nang sumakit ang ulo ko. Sht, napadami ang inom ko kagabi. Inikot ko ang tingin ko sa paligid at na-realize na nandito ako sa condo ko. Teka, pano ako nakarating dito? Si Annie.. napanaginipan kong nakausap ko siya kagabi. Panaganip lang ba talaga 'yon?

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ondrea dala-dala ang tray na may lamang baso ng tubig at puting tablet. 

"Gising ka na din. How are you feeling?" Tanong nya. 

"Headache." Sinundan ko sya ng tingin nang nilapitan nya ko at inabot ang tubig at tablet. 

Pagkainom ko nito, agad nyang nilapag ang tray at baso sa may side table at umupo  sa kama. "Why did you have to drink that much? Tignan mo tuloy."

"Ikaw ang nag-uwi sa'kin?" 

Tumango sya. 

"D-Drea," hinawakan ko ang kamay nya. "I'm sorry."

Umiling sya. "Ako dapat ang mag-sorry. Alam ko mali ang ginawa ko. Natakot lang ako kay Annie and I don't know why. I'm sorry, wala akong karapatang makialam sa kung ano man ang meron kayo."

"I love you."

"I know, and I love you too." She smiled. "Ah, si Annie nga pala ang tumawag sa'kin kaya alam kong nasa Lapiz ka kagabi." 

So hindi lang pala panaginip na nakita ko sya kagabi. It was her after all. 

"Bryan, she told me na susuko na sya sayo. May pagbabago nga sya compared sa Annie way back then, pero hindi pa din nawawala ang pagiging selfless nya and no offence but that still irritates me." She rolled her eyes. "Anyway, Hon, you have to talk to her properly. I feel sorry sa mga nasabi ko sa kanya so apologise to her for me?"

Ngumiti ako sa kanya at tumago, "I will."

Magtatanghali na nang umalis si Ondrea sa condo. Kailangan nya pa daw kasi ihanda si Sky para sa Day Care. Nag-ayos na ako agad at plano kong makipagkita ulit kay Annie. Kailangan ko syang maka-usap ulit. This time, nang maayos. Kakasakay ko lang ng kotse ko at papaandarin na sana ito nang biglang mag-ring ang phone ko.

Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Annie ang caller.

"Hi," sabi agad ni Annie sa kabilang linya.

"Hey." 

"I bet you just had a killer headache this morning." Natatawang sabi nya. 

First time ko na lang ulit marinig ang tawa nya na ganito at naging lively ulit ang tono ng boses nya. I missed it. "Sure did."

"Haha, ikaw naman kasi super dami ng mga ininom mo. Grabe! Oh, how are you and Ondrea na? You guys already patched everything up?"

"Hm."

"Good to know."

"Thank you, Annie."

Silence. 

"Nasaan ka? Can we meet?" Tanong ko.

"I--" Nahalata ko ang pagpigil ng hininga nya. "I'm going home."

"Home?" Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung ano ang ibig nyang sabihin. "Uuwi ka na ng Australia?!"

"Yup. Nasa airport na ako ngayon."

"W-Wait for me, pupuntahan kita dyan." I was about to turn the ignition nang magsalita muli sya.

The Casanova SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon