Chapter 52.2

1K 21 2
                                    

[a/n:] Hi! I am terribly sorry for the long delay. Medyo na-writer's block ako srsly. But anyway, here's the next chapter. Thanks so much for patiently waiting :)

 -------------------------------------------------------------------

ANNIE's POV

 Hila-hila pa din ako ni Martin. Hindi siya nagsasalita pero medyo mahigpit ang pagkakahawak niya sakin. Hindi ko alam kung bakit tahimik din ako ngayon; siguro dahil sa hindi ako sanay na ganito siya. I've never seen him so serious and angry like this before.

 I couldn't help but worry for Bryan. I didn't hear what Martin had told him and that was a very hard punch. Nahulog pa si Bryan sa upuan niya. Ayos lang kaya siya?

 Napatingin ulit ako sa likuran ni Martin. "Martin, what was that? Bakit kailangan mong suntukin si Bryan? Diba magkaibigan kayo?"

Hindi niya ako pinansin, kaya nagsalita ulit ako. "Siguradong nasaktan yun! Balikan natin siya."

And because of that, he suddenly turned to me; irritation was evident on his face. "Annie, ikaw ang sinaktan niya. Umiiyak ka pa lang kanina diba?" Sabi niya.

Umiwas ako ng tingin. "P-Pero.."

"Bakit kailangan mo pa ding magpakatanga para sa kanya? Hindi ka ba napapagod?"

 Hindi ako nakasagot.

"Kung hindi ka napapagod sa pagpapaka-martyr mo, isipin mo naman ang mga taong nasa paligid mo na laging nag-aalala sayo." Tahimik na sabi nito na dahilan para bumalik ang tingin ko sa kanya. He somehow looked so sad and defeated. "Bakit hindi mo ba makita? Kung hindi ka nagsasawang masaktan, ako sawa na nang nakikita kang nagkakaganyan dahil, Annie, ayokong nakikitang nahihirapan ka. I'm still your friend and I'm sick of seeing you like this. Masyado ka nang nasaktan. Tama na oh." 

He was pleading. It was as if inaako niya ang sakit na nararamdaman ko at siya ang naghihirap ngayon. 

"Please." Again, he pleaded.

Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sakin, pero ng dahil dito parang nawala kahit konti ang bigat na nararamdaman ko. I felt like being saved at this very moment and I didn't understand why. Basta ang alam ko, may isang tao pa din ang nandiyan sa tabi ko na kaya akong saluhin pagkatapos kong mahulog.

I fought the urge to cry and genuinely smiled at him.

"Hindi ko alam kung bakit ka nandito or maybe you're really just a stalker," I grinned. "Pero dahil nandito ka na din, kailangan mo akong ilibre ng ice cream!"

Tama siya, tama na ang pagpapakatanga ko. I did everything to change myself, hoping na mawala ang sakit pero sa huli, ako din ang lalong nasaktan. It's hopeless. 

Ngumiti na din siya at ginulo ang buhok ko. "Yan ang Annie na kilala ko. Dahil gwapo at mabait ako, tara sa ice cream parlour."

Natawa ako at ako naman ang nanghila sa kanya. "Walang bawian ah. Grabe nag-crave ako bigla ng mga sweets~"

///

MARTIN'S POV 

Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang excited habang hinihila ako. Alam kong nabigla ko siya kanina sa inasal ko. Maski naman ako ay nagulat dahil hindi ko alam na kaya ko pa lang gawin yun. First time kong magalit ng ganon, at kay pinunong Bryan pa.

 Oo, sinundan ko siya kaya nalaman ko kung saan sila magkikita. Hindi ko kasi mapigilan ang mag-alala. Pero aaminin ko na hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, lalo na kung bakit ko 'yun nasabi kay Bryan.

The Casanova SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon