HIS SIDE

4.7K 154 16
                                    

Taehyung's POV

Nakita ko....Narinig ko lahat. Di ko akalain na ganito pala kasakit. Napa upo na lang ako sa damuhan at kasabay nun ay ang pag takip ko ng aking tenga at saka tahimik na lumuha. Panaginip lang ba to? Kung oo....gusto ko nang magising.

Isa itong bangungot na kahit anong takbo ko ay patuloy pa rin akong hinahabol.

Nagulat ako ng biglang may humila sakin at kinaladkad ako sa malayong parte ng garden.

*slap *slap

"Ano ka ba?! Masochista ka ba ha? You're enjoying the view eh? My God Kim Taehyung what happened to you? Alam mong nag hahalikan na sila ay ikaw tong si tanga ay pinanuod mo pa."

"S-sunny.." she's my middle school classmate. Isa sa mga pinaka matalik kong kaibigan. Prangka, sadista at kasing hot ng araw ang temper.

"What?!"

"It hurts."

"I know stupid! Nakaka stress kayong mag pinsan, noong pumunta sa Jin ng Japan at umiiyak tinawagan ako ni Zeelana para patahanin at damayan siya....at ngayon naman pinauwi talaga ako ng Pilipinas dahil ikaw naman tong umiiyak. My God! Mukha na ba akong babysitter?!"

"I'm sorry.."

"Kakarating ko lang ng Pinas ito na agad yung sumalubong sakin. Bakit kasi siya pa Taehyung?! Kelan mo ba matatanggap ang katotohanang HINDI NA IKAW ANG MAHAL NIYA...SI JIN NA!"

"Alam ko naman yun e. Pero ano bang magagawa ko kung sa bawat pag tibok ng puso ko...pangalan niya ang isinisigaw nito?"

"Babalik ako ng Japan the day after tomorrow. Sumama ka sakin. It's time to move on Kim Taehyung, she's not yours anymore. Pag mamay-ari na siya ng iba kaya 'wag mo nang isiksik pa ang sarili mo sa kanya."

"A-ayokong sumama...dito lang ako."

"Stop being stubborn will you?! Sabihin mo nga kung mag papaiwan ka anong gagawin mo dito aber? Papanuorin kung pano sila mag halikan at mag lampungan? Kung gusto mo ng mala dramang scene marami akong korean movies sa laptop ko. Hindi ka na masasaktan...kikiligin ka pa. Kaya sa ayaw mo at sa hindi...babalik tayo ng Japan."

"I'll think about it."

"You should. Dahil nag effort talaga ako dito para puntahan ka lang. Ayokong nakikita kang miserable. Masakit alam mo yun?"

"I'm fine. Just don;t mind me.."

"You're fine?!----then she laughed. A sarcasric one.------Yes you are fine. Very fine. Ni hindi ka nga umiiyak e."

"Stop being sarcastic will you?"

"Stop being so stubborn will you?"

"I love her....."

"Let her go.."

"I can't"

"Yes you can..."

"But how?"

"Move on. Two words. Six letters. Move.On. I know it's not that easy as one two three...pero 'yan lang ang makakatulong sa kalagayan mo."

"A-ang hirap..."

"Kelan ba naging madali ang pag momove on ha Kim Taehyung? Will you stop being so stupid? You're getting into my nerves. Stubborn dickhead."

"Sinabing hindi ako stubborn! Darn it!"

"So stop acting like one! I'm outta here. Pag isipan mong mabuti ang magiging decision mo Taehyung. Or else baka hindi ko mapigilan at masampal ko ang babaeng mahal mo."

Then she left.

/face palm/ bakit ko ba naging kaibigan ang sadistang 'yun?

Ano nga ba ang dapat kong gawin? Leaving Maica is the hardest thing for me to do. I love her so much. But then again....she loves someone. Ang sakit lang tanggapin yung katotohanan na kailangan ko na siyang pakawalan. Tatlong taon ko tong pinag handaan, tatlong taon kong inihinada ang sarili ko sa maaring resulta ng lahat. Pero heto ako ngayon tahimik na lumuluha habang tinititigan ang taong mahal ko na masaya sa piling ng taong mahal niya.

------------------------------------------88

Maica's POV

"Pasok lang ako babe, kukuha lang ako ng juice."

"Okay."

Haaaaay! Ang gaan talaga ng pakiramdam ko para akong lumulutang sa cloud 9.

"Ehermmm, excuse me."

Napalingon naman ako sa nag salita. Isang sopistikadang babae ang tumambad sakin.

"Uhh? Sino ka?"

"I'm Sunny, Zeelana's cousin at matalik na kaibigan ni Jin at Taehyung. Maica right?"

Tumango naman ako.

"Hindi na ako mag papaliguy ligoy pa."

*slap *slap

Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin.

"That first slap is for hurting Jin and that second one is for hurting Taehyung. So masaya ka na ngayon dahil mag kasama na kayo ni Jin pero si Taehyung naman ang nasasaktan? Nakita mo lang si Jin nalimutan mo naagad si Taehyung. Sino ba ang sumalo ng responsibilidad sana ni Jin sayo? Si Taehyung diba? Pero nung bumalik si Jin at binalewala mo na siya. Ang swerte mo nga e kasi ang daming nag mamahal sayo pero sana naman maging considerate ka sa feelings ng iba. Taehyung will be leaving the day after tomorrow, it's up to you kung paano mo siya kakausapin o kung ano man ang mga dapat mong sabihin sa kanya ay sabihin mo na. It is clear that you chose Jin over Taehyung but it is inappropriate na i take for grannted mo na lang siya ngayon. Don't get me wrong hindi sa hindi kita gusto pero pinaparealize ko lang sayo ang mga bagay na hindi mo na naman nauunawaan. Gusto kita para kay Jin pero wag mong balewalain ang taong walang ibang ginawa kundi ang pasayahin ka at mahalin ka. That's all. I'm outta here."

Then she left me dumbfounded. Tama nga siya. Nung bumalik si Jin ay hindi ko na naka usap pa si Tae Tae, nawala rin nga sa isip ko na possibleng masaktan siya dahil bumalik na si Jin.

Tapos....aalis na rin si Tae Tae? Napa iyak ako sa ideyang 'yun. Dati...si Jin ang umalis tapos ngayon naman si Tae Tae... Alam kong dapat talagang may umalis sa kanilang dalawa..dahil kung hindi...sa ayaw man namin o sa gusto....ay may masasaktan talaga ng todo.

KIm Taehyung...I'm sorry sa lahat. Jungmal Mianhe.

She's Mine (BTS Jin- Fan Fiction) - (UNDER REVISION) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora