6 - Kung Kaya Mo Akong Limutin

351 13 3
                                    

Umuwi na si Angelo at iniwan si Michael upang alagaan ang Ina niyang may sakit.

Pagdating ni Angelo sa kanilang maliit na tahanan ay isang surpresa ang ibinalita sa kanya ng kanyang Ina dahil isa siya sa mga napili ng kanilang unibersidad na siyang makakapag-aral ng libre sa Amerika.

Nagpanggap lamang na may nararamdaman ang kanyang Mama upang makauwi lamang ang binata sa kanila at dala na rin sa labis na excitement sa magandang balita nitong ihahatid sa anak.

"Anak bukas darating dito ang inyong principal. Narito sila kanina ngunit wala ka anak. Angelo isa itong napakagandang oportunidad para sa iyo. Anak kapag nakapag-aral ka sa Amerika ay giginhawa na ang ating buhay at hindi na tayo mangingisda pa. Anak mahina na ang iyong Itay kaya pagbubutihin mo anak ha?"

"Ma hindi ko kayang iwan si Michael..." diretso nitong sagot sa Ina.

"Anak intindihin mo naman kami. Anak para sa ikabubuti mo naman ito."

"Ma si Michael ang buhay ko't hindi ko siya kayang iwanang nagdurusa. Alam ko na hanggang ngayon ay hindi niyo parin tanggap ang relasyon naming dalawa."

"Anak alam kong babawian din ng buhay si Michael. Anak maski si Michael ay papayagan kang makapag-aral sa Amerika dahil alam niyang makakabuti ito para sayo."

"Ma huwag mong sasabihin 'yan dahil hindi ko kakayanin kapag mawawala si Michael sa aking buhay..."

"Michael Angelo Ignacio, makinig ka sa akin!" nagtaas ang boses ni Aling Erwina na siyang nakaapekto sa kanyang blood pressure kaya napahawak ito sa kanyang dibdib.... "Walang magagawa si Michael sa buhay mo....sa buhay nating lahat! Anak, sa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng ating pamilya....por dios por santo, makinig ka sa akin Angelo!"

Hindi nakinig ang binata sa Ina, lumabas ito ng pinto at tumakbo papunta sa dalampasigan, "Aaaaaaaarrrrggggggghhhhh!!!!" napasigaw sa bigat ng damdamin si Angelo, pinagsusuntok niya ang buhangin habang nakaluhod at nakatango sa buwang unti-unti nang binabalot ng maiitim na ulap...at ilang sandali lang ay bumuhos na ang malakas na ulan.

Gustong sumampa ni Angelo sa bangka upang bumalik sa minamahal niyang si Michael.....ngunit dinala siya ng kanyang mga paa pabalik sa kanilang tahanan.

Kung Kaya Mo Akong LimutinWhere stories live. Discover now