4 - Kung Kaya Mo Akong Limutin

460 12 24
                                    

Isang masaganang hapunan ang hinanda para kay Michael ng kanyang mga magulang at ni Angelo sa may dalampasigan... Ito na ang pinakamaagang Notche Buena dahil gusto ng mga magulang ni Michael na maaga itong makapagpahinga dahil kinabukasan ay maagang darating ang oncologist nitong susuri sa kanyang kalagayan.. At nang matapos na ang kanilang pagsasalo-salo'y ihinatid na ni Angelo at ng kanyang Mama si Michael sa kwarto nito upang makapagpahinga na ang binata.

"Michael inumin mo itong gamot mo at bukas darating ang iyong doctor..." sambit ng Ina ni Michael habang inaabot ang gamot sa kanya.

"Sige Mama."

"Oh maiwan ko muna kayo ni Angelo dito. Good night anak."

"Good night din Ma." 

Lumabas na ng kwarto ang Mama ni Michael at silang dalawa na lang ang naiwan sa loob.

"Michael mangako kang hihintayin mo ako hanggang bukas?"

"Angelo ano ka ba huwag kang mag-alala malakas pa ako."

Iba na kasi ang nararamdaman ni Angelo dahil simula kaninang manghina sa dalampasigan ang kanyang mahal ay hindi na mapawi ang sobrang pagkabahala sa kanyang isip na baka sa ano mang oras ay hindi na kayanin ng katawan nito ang iniinda niyang karamdaman.

"Michael gusto kong parati na nandito sa tabi mo at gusto kong makasama ka hanggang sa huling sandali ng iyong buhay. Mangako ka Michael na hihintayin mo ako. Hihintayin mo ako."

"Angelo naman, huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Oo, hihintayin kita. Alam kong may sakit ang iyong inay kaya kailangan mo rin siyang alagaan."

Dumating sa isla ang Tatay ni Angelo ilang oras lang matapos ang hapunan upang sunduin ito, hinahanap daw siya ng kanyang Ina. Alam niyang mataas ang altapresyon ng kanyang Ina kaya kailangan din niya itong puntahan upang i-check ang blood pressure nito.

Hindi makalabas-labas ng pintuan si Angelo, hawak-hawak parin niya ang kamay ni Michael hanggang sa masambit niya ang mga katagang ito.

"Michael tandaan mong mahal na mahal kita at kailan ma'y hinding-hindi kita ipagpapalit."

"Angelo hinding-hindi ko hinahadlangan ang iyong kaligayahan. Hinding-hindi ko ipagkakait na magmahal kang muli."

"Hindi ko na siguro kayang magmahal pa ng iba..." sambit ni Angelo't hinalikan nito sa noo si Michael.

"Angelo... Puntahan mo na ang iyong inay at sabihin mo sa kanyang magpagaling siya..."

"Oo, Michael makakarating sa kanya. Paalam Michael at tandaan mong mahal na mahal kita."

"Mahal mahal din kita Angelo."



Bago lisanin ni Angelo ang tahahan nila Michael ay hindi napigilan ng binata na balikan sa kwarto si Michael at pinuno ng maiinit na halik ang mga labi ng kanyang mahal.....hanggang sa muli nilang angkinin ang init ng katawan ng isa't isa.

Kung Kaya Mo Akong LimutinWhere stories live. Discover now