2 - Kung Kaya Mo Akong Limutin

771 15 0
                                    

Year 1996, bisperas ng Pasko, palubog na ang araw. Natapos na ni Angelo ang ginawang sand castle na siyang surpresa ng binata para sa kanyang nobyo. 

Nagtanggal ng saplot at walang itinira ang lalaki saka lumusong sa dagat upang banlawan ang mga dumikit na buhangin sa katawan. Kitang-kita mo ang matipuno at kayumangging balat na siyang nabilad sa araw sa maghapong pagsisikap nitong matapos ang labing-walong sand castles.


Nadatnan naman ni Michael ang mga naiwang saplot nito sa may dalampasigan at nakita ang kanyang mga nilikha. Nagningning ang maamong mukha at nakitaan ng ngiti sa labi ang maysakit na binata. Naka-white linen pants at t-shirt, suot-suot ni Michael ang mga ginawang seashell necklace at bracelet ni Angelo na siyang paborito nito. Nasiyahan si Michael nang makita niyang nakagawa na rin si Angelo ng bonfire, at naayos na rin nito ang table para sa kanilang maagang Notche Buena mayamaya.


Iginala ni Michael ang mata sa buong paligid ngunit hindi niya matagpuan si Angelo dahil nakalublob itong naliligo sa dagat. Tinawag ng binata ang pangalan ng nobyo, at umahon ito sa dagat nang marinig siya nito.


"Narito ako...."


"Angelo... magbihis ka muna..." ang gulat na reaksyon ni Michael nang makita niya ang hubad na katawan ng kanyang nobyo sabay talikod nito.


"Michael ba't wala kang kasama, baka kung mapaano ka niyan sa paglabas mo...sabi ko sayo hintayin mo ako...." nag-aalalang bigkas ni Angelo habang naglalakad ito papalapit kay Michael.


"Kaya ko pa naman ang sarili ko, huwag kang mag-alala..."


"Susunduin na sana kita..."


Haharap na sana ang binata kay Michael ngunit pinigilan nito ang nobyo, "Magbihis ka na muna at hihintayin kita rito, mahal ko....."


"Nakita mo na ito ng ilang beses.... ba't pa ako mahihiya sa'yo mahal ko?" napangiti ito't niyakap muna si Michael mula sa kanyang likuran at saka nagtungo sa may shower area at nagbihis pagkatapos.


Kakaiba ang ngiti ni Michael nang iwan siya ni Angelo, kinikilig parin siya sa tuwing niyayakap siya nito...at nahihiya parin siyang pagmasdan ang magandang katawan ng kanyang nobyo ngunit sa loob-loob niya'y nagbibigay ito ng kakaibang kaba sa tuwing nasisilayan niya ito.

Kung Kaya Mo Akong LimutinWhere stories live. Discover now