B - 32

4.2K 176 16
                                    

Kea's P.O.V

Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan ay kabuwan ko na.

Kaya naman......

"Sonyaaaa........." sigaw ko sa asawa ko.

Nataranta naman ito ng makita akong namimilipit sa sakit.

"Manganganak kana?! Oh gosh! Manganganak na asawa ko. Dalian niyo Blake dalhin natin siya sa hospital." Bigla ko siyang binatukan. "Aray"! Reklamo nito na napapalabi.

Ang Oa kasi eh.

"Dadalhin mo ako sa hospital samantalang iyong isang room sa baba ay ginawa mo ng D.R." sinamaan ko siya ng tingin.

Paano ba naman iyong isang Doctor nito ay pina stay sa bahay para in case na manganak na daw ako ay may doctor at D.R. na.

Sa bilis din ng pangyayari ay nasa delivery room na ako.

"Aahhhhh......" sigaw ko. Dahil tagatak na ako ng pawis habang nasa tabi ko asawa ko na umaalalay sa akin.

"Kaya mo iyan my Belle para sa future!" Binatukan ko ulit dahil kanina pa siya puro kalukuhan. "Aray! Sadista mo talaga."

"Isang ere pa mrs. Conrad." Putol ng doctor sa amin. Si doc Cecile.

"Sige na mahal push pa ng push. Ere pa!" Pang iinganyo pa nito sa akin.

"Ahhhhhhhh......."

"Ahhmmmpppp......"

"Aahhhh..... ayaw ko na! Ayaw ko ng manganak!" Reklamo ko dahil mahirap pa lang manganak. "Aahhhh......."

"Naku mahal wag kang ganyan baka nakakalimutan mo masusundan pa ang babyboy natin." Sukat doon ay nainis ako sa kanya at napaere ako ng malakas.

Kaya naman.....

"Ngwaaa.... ngwaaa.... ngwaaa..."

Palahaw ng baby na ikinangiti ko.

"It's a baby boy." Sabi ng doctor at diko na naintindihan iba pa nitong sinasabi dahil biglang bumigat mga talukab ng aking mga mata. Ang tangi ko lang natatandaan bago ako nawalan ng malay ay ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa aking labi at ang malambing nitong boses.

"I love you so much my wife." At hinalikan pa ako sa noo na alam kong ikinalobo ng puso ko ito.




*****




Sonya's P.O.V

Ang saya saya ko lang dahil may baby na kami ng asawa ko.

Alam ko na nagustuhan niya din iyon. Kaso nga lang kakaiba siya maglihi at magbuntis. Ang dami dami kong ginawa ma satisfied lamang ito.

Minsan pinapasayaw niya ako ng mga walang katuturan na kanta. Or paakyatin ako ng mangga. Kulang na lang pati iyong tree of 40 fruit ay ipaakyat nito sa akin.

Di na din ako madalas nakakalabas ng bahay dahil biglang naninita.

Napakaselosa din nito. Tinatarayan ang mga babaeng client ko. Maganda or pangit man ito.

"My Belle" (COMPLETED)Where stories live. Discover now