B - 12

5.5K 211 6
                                    


A/N ~ thank you ulit sa mga readers ko na nagustuhan ang works ko.

Sa mga nag vote, add sa library list at nag comment. Salamat ng marami.

P.S ~ feel free po mag votes at mag comment para mas ma inspired si author. 😉😘

******

Kea's P.O.V

Kahit tinulugan ako ng isa noong isang gabi ay ok lang.

Dahil simula sa gabi na iyon sa akin na siya tumutuloy kaya ok lang.

Kahit tulog lang ginagawa niya doon kaya ok lang.

Dahil hatid sundo niya ako sa office kaya ok lang.

Kahit wala siyang sinasabi ano status ko sa puso niya ay ok lang.

Dahil ipinapakita naman niya sa kanyang kilos.

Nakatitig ako ngayon sa isang dyosa na natutulog ulit sa couch ng office ko.

Maya maya ay nag ring ang phone nito na hawak niya habang natutulog.

Hill ang name ng taong tumatawag.

"Di kaya iyan iyong babaeng kahalikan niya noon sa Greece?" Tanong ko sa isip.

Dali dali akong lumayo dahil baka akala niya tsimosa ako.

Sinagot niya ang tawag kahit dipa nakikita kung sino ang tumatawag.

"Hello." Nakakunot ang noo na bungad niya sa tumatawag.

Biglang nag iba ang aura niya ng makita kung sino ang caller. Iyong kunot noo nito ay biglang nawala at mabilis pa sa alas kuwatro na lumapad ang ngiti.

Tapos lumayo pa iyo sa akin at pumunta sa may glass wall ng office ko.

Diko marinig ang usapan nila pero makikita mo sa mga mata nito ang saya.

Alam ko iyon dahil nakatingin ako sa kanya at naga reflect ito sa glass wall.

Iyong saya ko na naman ay biglang nawala at nadurog ang puso ko ng pinong-pino.

"Sh*t!"

Bakit tumulo na naman ang luha ko?

Kaya dali dali akong tumalikod sa kanya at umalis ng office ko. Ayaw ko makita niya na mahina ako.

Bakit ang sakit?

Bakit ang ganda ng ngiti niya ng makausap niya ang tao na iyon?

Ang ngiti na iyon ay di pa niya naibibigay sa akin.

Oo, ngumingiti siya pero tipid. At nasa piling ko nga pero ang sigla ng mga ngiti niyo.

Tinatawag ako ng secretary ko pero diko man lang siya nilingon. Umalis ako sa gusali na iyon at tumungo kay kuya Youie.

Ayaw ko na kailangan mapasa akin si Sonya.

Kaya mabilis pa sa alas kuwatro dumating ako kay kuya Youie.

"Kea?" Gulat na gulat na bigkas ni kuya sa pangalan ko. "Ano ginagawa mo dito? Are you ok? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Bakit ang lungkot ng mga mata ng baby Kea namin?" Sunod-sunod niyang tanong.

Sinimangutan ko ito at.....

"Akala ko ba kuya ginagawaan mo ng paraan makasal kami ni Sonya? Bakit ang tagal ng process? Naiinip na ako at gusto ko mapa sa akin na siya!" Hysterical na sabi ko sa kanya.

Pakiramdam ko ang tagal ng oras.

Mas matagal pa ito kesa sa tatlong buwan na hindi ko siya nakita noon.

"Relax! Kaya nga di ako nakakadalaw sayo dahil inaasikaso ko nga iyan. Tumutulong na din sina Skylar at Lee. Nextweek na flight nating lahat." Sagot niya sa akin habang hinihimas ang likod ko. Kaya napahagulgol ako. "Don't worry baby matutuloy ang kasal niyo." Pag-aasure niya sa akin.

Diko kaya mawala siya at hagawin ko ang lahat mapasa akin siya.

Pakiramdam ko any moment mawawala siya sa akin hangga't di pa kami kasal.

"Ipakasal mo na kami bukas. Kahit simple lang basta importante asawa ko na siya. Baka maagaw pa siya sa akin ng iba kuya. Diko kaya." Desperada na kung desperada pero wala akong pakialam kung mas higit pa dito ang maramdaman kong sakit pag kasal na kami.

Ang importane asawa ko na siya at may pangahahawakan ako. May ipanlalaban ako sakaling may mahal siyang iba.

Ako ang pinakasalan!

Ako ang asawa!

Kahit pilit lang basta akin siya.

Dahil mas ikamamatay ko na mawawala siya sa akin ng tuluyan.

Napahagulgol na ako sa balikat ni kuya.

"Ok, i'll talk to her." Tanging nasabi sa akin ni kuya dahil patuloy pa din naglalandas ang mga luha ko sa aking pisngi.

I am a crying baby kapag kay kuya at diko ipinapakita ito sa iba.

Kaya naman napaka overprotective nito sa akin dahil alam niya kahinaan ko.

"No! Wag muna siyang kausapin! Baka tumakas pa iyon." Oa ko na sabi.

Basta desperada ako na mapa sa akin siya.

Mahirap na at magbago ang isip niya at takbuhan pa niya ako.

Napabuntong hininga at napapailing si kuya. "Better to talk to her kung ano man ang problema niyong dalawa."

Pag sa ganitong pagkakataon walang problema ang pwedeng masulosyunan kong ang selos ko ang nangingibabaw.

Oo....

Nag seselos ako sino man ang Hill na iyan.

Kung sino man ka man hindi mo maagaw sa akin si Sonya.

Akin lamang siya.....

*****



Nicolette0810

"My Belle" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon