B - 19

5.5K 188 7
                                    

Sonya's P.O.V

"Ayaw kong gawin dahil di din ako pumunta sa sinasabi mo na proper wedding na iyan. Kasal na nga kayo kaya ok na iyon." Sabi ni Hill sa kabilang linya.

"Pwede ba alam mo naman na maliban sayo at kay Amber ay wala na akong pinagkakatiwalaan." Naka simangot kong sagot kahit di niya ako nakikita.

"Si Amber na lang. At di iyon busy." Hirit pa nito. "At alam ko ano motibo mo Sonya. Iyang katusuhan mo ay di tatalab sa akin."

Tama nga siya. Kung tuso ako ay mas triple ang pagkatuso nito. "Alam mo naman na importante ka sa akin." Siya nga nagturo sa akin paano maging simple sa buhay. "What is your valid reason para hindi ka makarating? Hirit ko pa sa isa. Baka tubuan ng konsesnya. Pero alam ko naman na di niya ako matitiis "Alam mo naman na masyadong importante sa akin ito Hill."

"Ok, gagawin ko iyon pero di ako makakapangako na makakarating ako sa kasal mo." See? Hahaha tama ako. Kahit di naman siya marunong ngumiti ay mabait naman ito at maasahan. Pasaway nga lang kadalasan.

"Hahaha kahit di kana sumulpot. Basta iyong venue ay ok na. Tatawagan lang kita ulit para magkita tayo." Natatawa ko pa din na sabi.

"Nga pala..." Sabi niya bago ko pa maputol ang tawag. "Ikaw na muna bahala kay Amber dahil alam mo naman na mas may chance na magkita kayo." Natigilan ako. Dahil now ko lang siya narinig na nagbilin sa isang tao. Tama talaga ako na sa  kabila ng pagiging walang emotion nito ay may itinatago siyang kabutihan at pag-alala sa taong malapit sa kanya. Sabagay mas una sila nagkakilala ni Amber.

"Hahaha baka busy na naman iyon kay Yurice. Alam mo naman na patay na patay siya rito." Biro ko dahil biglang nag iba ambiance ng paligid.

"Oo, patay na patay siya. At literal na namamatay siya kaya iyon ang dapat mong bantayan." Grabe! Naiimagine ko na magkasalubong kilay ng isa.

May sasabihin pa sana ako ng may mag doorbell kaya nag paalam na ako sa kanya.

Alam ko na pareho kami ni Amber na itinuturing kaibigan na ni Hill.

Di lang niya iyon masabi ng direct. Di nga ngumingiti eh.
Magsabi pa kaya.

Sana mahanap niya ang taong magpapangiti sa kanya. Nakakatakot kasi minsan ang aura nito.

"Hey pretty." Dinig ko na sabi ng taong nasa pinto. "Kumusta na ang magandang kong sister-in-law?" Sabi nito sa asawa ko. Makayo pa ako sa pintuan kaya hindi ako ang makakabukas nun.

Boses pa lang alam ko na sino may-ari. "Saan ang pangit kong ate?" Dagdag at halatang mapang-asar na turan nito.

"Sinong pangit? Ikaw? Buti alam mo na pangit ka." Sabi ko kay Rajj dahil dipa nila ata namamalayan na palapit ako.

"My Belle" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon