B - 11

5.8K 191 8
                                    

Kea's P.O.V

"Iyan lang ho ang amount?"

Gulat na gulat niyang sabi na halos lumuwa ang mata.

Cute!

No.....beautiful!

No!

Goddess!

"Hala! Sigurado po kayo? Di po ba kayo nalulugi niyan? Bakit ang mumura?"

Nakamasid lang ako sa kanya ng may marealize ako.

Bigla akong pinamulahan dahil lahat ng nakapaligid sa amin ay sa kanya na nakatingin.

Ganun pa man mas nangingibabaw ang pagkakaaliw ko sa kanya dahil halatang halata na bago lang siya sa lugar na ito.

Siya ang tipo ng tao na paglumapit ka ay mangingimi kang lapitan dahil always nakakunot ang noo pero may itinatagong kainosentehan pala.

"Sige po ito po bayad ko." Sabay abot sa isang libo. "Sa inyo na din po ang sukli." Bigla siyang bumulong na naman. "Bayaran mo ako ng kiss..." Tapos hinalikan niya ako sa maraming tao "Dahil ako ang nagbayad na dapat ikaw. Kanina kapa kasi tulala jan. Gusto mo na ba akong kainin? Maya na ha? Kailangan muna natin ng extra energy." Damn!

Muntik na akong mawalan ng lakas dahil doon sa sinabi niya at buti maagap siya at nahawakan ako sa bewang.

"Di pa nga tayo nakakasimula nawawalan kana ng lakas. Paano na iyan kapag kumain na tayo? Baka matuluyan kang bumulagta jan. Pero sige lang sasaluhin naman din kita. Pag di kita masalo ako ang pupulot sayo upang gamutin ano man ang masakit sa pagkakahulog mo." Nakatanggap tuloy siya ng kurot. "Aray! Sadista pala misis ko." Sabi niya na mas ikinapula ng mukha ko.

Dahil doon sa word na "misis". Dipa kami kasal sa lagay na iyan pero ang sweet pa din niya.

Kaya nagpabebe ako at inisandal ko ng bahagya ang noo ko sa balikat niya.

Dipa ako na kuntento ay kinagat ko ng mariin pero may lambing ang balikat niya.

"I-ikaw kasi eh." Bulong ko na may lambing.

"Hhmmmm... bakit ako?" Malambing din na sabi niya. "Just hug me na lang while hinihintay natin niluluto nila." Dina ako nagpabebe dahil kanina ko pa ito gustong gustong gawin.

Minsan kundi ako ang naka hug sa kanya ay naka angklas naman ako sa braso nito.

Minsan siya gumagawa nun at sa wakas makakain na kami.

Kailangan kong kumain dahil bigla akong nawawalan ng lakas sa mga simpleng haplos nito.

"Ok ka lang?" Tanong niya sa akin ng makaupo kami sa isang bench.

Tapos na din kaming kumain kaya may lakas na ako para gawin ito.

Diko na kasing mapigilan ang aking sarili kaya siniil ko na siya ng halik.

Di naman ako napasubo dahil tumugon din siya at mas wild pa ang paghalik sa akin.

Parang gutom na gutom din samantalang kakatapos lang namin kumain dahil sa dami ng order niya.

"Thank you." Sabi niya ng putulin namin ang nakaka ubos hiningang halikan sa aming pagitan. "Thank you dahil nabusog ako sa foods. Thank you dahil dinala mo ako dito kundi diko alam ano tawag dun." Sabay turo sa isang stall na may kwek-kwek.

Itlog na orange ang itinawag niya doon.

"Nabusog tiyan ko pero gutom pa ako." Sabi niya habang ipinulupot ang kamay sa bewang ko.

"My Belle" (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin