Chapter 43: The Answer

Start from the beginning
                                    

Then andito si Angelo.. Umaamin na na siya nga yung naglalagay ng mga yun. 

"B-bakit?" Yumuko ako dahil ayoko na makita niya na disappointed ang itsura ko. 

"Anong bakit?" 

"B-bakit ka n-naglalagay ng mga r-roses and n-notes sa locker ko? D-diba mahal mo si K-kate? D-diba.. s-sinabi ko na d-dati s-sayo na w-wala akong gusto sayo? N-na wala tayong chance.." 

Narinig ko na tumawa naman bigla si Angelo. Kung di lang ako parang namatayan ngayon, binatukan ko na to ulit. 

"Wala.. Gusto ko lang ilagay yun sa locker mo.." 

Ano daw? 

"A-angelo.. B-bakit nga? S-sabihin mo na yung totoo please.." 

"Dahil may nagpapalagay saakin ng mga yun sa locker mo.." 

Nung sinabi niya yun, bigla kong inangat yung ulo ko at tiningnan siya. "W-what?" naramdaman ko na may luhang pumatak sa mata ko. Di ko alam kung bakit. 

Nagulat naman siya nung nakita niya ako. "H-hey!" then he cupped my face. "B-bat ka umiiyak? Oh sht. Baka suntukin ako nun!" then tinanggal niya yung pagkahawak niya sa mga pisngi ko at pinalo yung noo niya. 

"H-huh?" Hanggang ngayon, parang walang nag r-registered sa utak ko. 

May kinuha siya sa bulsa niya, which is panyo at pinunasan niya yung luha ko. Naalala ko si Shawn.. 

"Tsk. Wag mong sasabihin kay Clyde na pinaiyak kita ha? Lagot talaga ako dun. Baka suntukin niya ako eh." 

"C-clyde?" 

"Oo. Si Clyde salvador. Pinsan ko." 

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. "P-PINSAN MO SIYA?!" naibulalas ko bigla. 

Tumawa naman siya. "Oo. Hindi ba obvious na parehas kaming gwapo?" then kinindatan niya ako. 

Hinampas ko naman siya. "Ano namang connect nun?! Seryoso na kasi please! Pinsan mo talaga siya?" 

"Oo nga!" then hinimas niya yung braso niya kung san ko siya hinampas. 

"B-bakit di ko alam?" 

"Di ka naman nagtanong eh! Although, alam kong dati pa na malakas tama nun sayo." 

Her Love Story [Completed]Where stories live. Discover now