Chapter 36: Hindi lang ikaw

3.7K 28 1
                                    

-Chapter 36: Hindi lang ikaw-



Lumipas yung days na mas nakaka-adjust na ako sa mga nangyayari. Unting-unti ako nasanay na nakikita parating magkasama sina Paolo and Kate at sweet na sweet sila sa isa't isa. Kilala na nga sila sa buong highschool department for being the 'perfect couple' eh. Edi sila na!! Okay, wag nang bitter!! Sanay na ako! 

Mas nagiging close na din ako sa ibang guy classmates ko. Dati kasi si Paolo lang talaga naging close ko eh. Lol. Pero ngayon kina Lance eh nakikipagbiruan at kulitan na din ako. Meaning, hindi lang kay Paolo ako naging open sa pagkukulitan at pakikipagbiruan. That is a good thing. Si Angelo naman, ayun, we're friends. Katulad ng pakikitungo ko kina Lance. 

Ang di ko lang maintindihan sa nangyayari ngayon is sina Leo and Myka. They're MU. Pero recently, mukhang iniiwasan ni Myka si Leo. Tinanong namin si Myka kung anong meron pero sinabi niya wala lang daw. Siyempre, ayaw naman namin siyang pilitin kung ayaw niyang sabihin.

"Bye Sheila Sunget, Ingat. Baka madapa ka." then ngumiti siya. 

"Bye Shawn Panget! Salamat. Ingat ka din ah. Baka masagasaan ka!" then tumawa ako. 

"Aba! Nag w-wish ka pala ng ganun ah!" nagtatampong sabi niya saakin.

"Joke lang yun! Ingat ah.. Baka madapa ka din." nag tongue out ako sakanya at nag wave na. 

Nagsimula na din siya maglakad papunta dun sa kanto kung saan siya sasakay. Naglakad naman ako papasok sa school. 

Hindi naman maipagkakaila na mas friendship na kami ngayon ni Shawn. Wahahaha. Parati kaming nagkakasabay pag pumapasok ako sa school. Asaran lang kami parati. Pero you know, di na ako masyadong naiinis sakanya hindi katulad nung dati. I never expected na magiging friendship kami! Aba, ang yabang kaya nun! At tinawag pa akong 'tanga' nung unang pagkikita namin. Tsk. 

As usual, bago ako papasok sa classroom eh dumaan muna ako sa locker para kunin yung mga books ko. Andun na naman yung rose and note. Nilagay ko na sa bag ko. Isa na sa mga daily routine ko. 

Nung dumadaan ako sa corridor nakasalubong ko naman yung dalawang famous lovebirds. Normal na yun saakin. Sanay na eh. I was expecting na babatiin namin ang isa't isa ng Good Morning but it didn't happen. They we're busy cuddling with each other. Kaya parang hangin lang ako nung dumaan sila. 

Seriously? Ang hindi ko lang nagugustuhan na nangyayari ngayon is si Kate. Di na siya masyadong close saamin ng mga GFFs ko because SHE IS SO BUSY WITH PAOLO. Ganun din ba kaya ako dati nung 'naglokohan' kami ni Paolo? Nah. I don't wanna think and care about it.

Pagkapasok ko sa classroom eh sinalubong naman ako ni Lance at nag apir kame. 

"Good Morning Chelsea!" 

"Good Morning Lance!" then lumapit ako dun sa seat ko. "Ang saya mo ngayon ha?" 

"Wala lang!" then tumawa siya. 

Baliw talaga to si Lance. He's such a nice guy. 

Her Love Story [Completed]Where stories live. Discover now