Chapter 16: Mutual Understanding

4.5K 24 6
                                    

-Chapter 16: Mutual Understanding-

Bukas na yung sports competition. 

Pagkatapos nung surprise na ginawa saakin ni Paolo habang kumakanta ako, Ayun, medyo naging sikat ako correction, KAMI. ewan ko kung bakit.

Maraming kinilig saamin nun at marami din nag-asar nang nag-asar. Haaayy. Yung Paolo kasi na yun eh. Nakakagulat. Di ko alam na may trip pala siyang ganun.

Pero anyways, Kinilig pa rin ako... 



Lalo na yung mga GFFs ko, wagas ang tili nila nung pagkatapos namin kumanta ni Paolo. Waaa. Siyempre. Ganun talaga sila maka react since FIRST TIME na may gumaganito saaking lalake.

You know, yung nanliligaw at gumagawa ng special things and surprises para saakin.. Sa harap pa ng ibang tao ah... 

Simula nung araw na yun, mas naging close kami ni Paolo. Parati siya dikit nang dikit eh.. Tsk. Pero di naman ako naaasar. Tuwing may mga schoolmates na nakakakita samin na magkasama, Halata mo sakanila na kinikilig sila samin at inaasar pa kame. 


Sabi nila, sagutin ko na daw..

Eh pano ko sasagutin?

Mahal ko na ba siya? 

Hayyy. Mismo ako, di ako sure.. Ewan ko kung bakit..

Nandito ako ngayon sa school, Walang practice since kelangan namin mag rest dahil bukas na yung sports competition.

Di ko kasama si Paolo ngayon may meeting daw sila sa basketball team eh. Tapos yung mga GFFs ko di ko mahanap =_= 

Nag bbm ako sakanila at sinabi na magkita kaming lahat sa garden at may sasabihin ako. 

 [Sa Garden...]

"Oh GFF ano mahalagang sasabihin mo?" -Rhia.

"Wow, Himala ikaw nag imbita ngayon magkita kita tayo." -Myka. 

"Sorry ha. Naging busy kasi kame this past few weeks ng dahil sa sports competition."

"nako, okay lang samin yun noh! We understand." -Lorraine.

"We miss you!" sabay sabay nilang sinabi.

nag group hug kami. "Mas miss ko kayo!"  Pero Napansin ko na kulang kame.. "Si Kate? Asan?"

Her Love Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon