Chapter 31: Cloud

4K 38 3
                                    

-Chapter 31: Cloud-

Sunday, 7:15 pm

Andito kami ngayon sa bahay nina Shawn. Ayaw ko talaga sana sumama kaso pinilit ako ng mga dear parents ko. Oh Well, malapit lang din naman bahay nila saamin kaya pumayag nalang din ako sa huli.

WE’RE HERE AND I’M LIKE WHOAAAAAAA.  Napanganga nalang ako sa bahay nila. Seriously?! Bahay nila to? ANG LAKI! Ang ganda pa! Walang wala yung bahay namin sakanila!! Ang yaman pala nila Shawn? Di ko alam yun ah.

“Naku, Ang ganda talaga ng pagkadesign mo sa bahay nila honey!”

Napatingin naman ako kay dad. “Dad! Kayo po ang nag design nito?”

“Oo Nak. Pinadesign nila saakin to 3 years ago pa.”

Weh? 3 years ago? Ganun katagal? Eto ata yung ginagawang bahay dati pa sa subdivision namin nung 1st year ako. Ngayon lang pala natapos. At saka kakilala pala namin yung nakatira dito.

“Ang galing galing naman kasi ng asawa mo mag design ng bahay kumare eh.” –Tita Sonia

“Naku! Kaya mahal na mahal ko ito eh.” Sabay ngiti kay dad.

What the. Cheesy moments na ba to?

Napansin naman ata ng dad ni Shawn na si Tito Sonny na medyo na b-bored ako.

“Oh Chelsea iha.. puntahan mo nalang si Clyde dun sa kwarto niya andun din yung bunso namin na si Cloud. Kaso wala si Claudia eh. Ipapakilala sana kita sakanya. 2 taon lang ang tanda nun sayo. Sayang wala siya dito. Lumabas eh.”

“Okay lang po yun tito.” Then nag smile ako.

“Inday!” sigaw ni Tita Sonia.

 May dumating naman na babae na nakauniform na pang maid. “Yes po ma’am?”

“Pakisamahan mo naman si Chelsea sa kwarto ni Sir Clyde mo.”

“Sige po ma’am.”

Napatingin naman ako kina Tita Sonia at saka sa mom ko. “Okay lang po?”

“Naku baby girl! Okay lang saakin. Makipag bonding ka muna sa mga anak ni Kumare.”

“Oo nga naman iha. Para di ka masyado ma bored dito.”

Ngumiti ako sakanila at nag excuse. Sinamahan naman ako nung babae. Grabe. Buti nalang talaga pinasama siya saakin. Ang laki ng bahay nila Shawn! Mawawala talaga ako pag mag-isa lang ako pinapunta sa kwarto niya.

Pagkatapos ng mahabang paglalakad, tumigil kami sa harap ng isang door.

Her Love Story [Completed]Where stories live. Discover now