Chapter 40[Part 1]: 1:43

3.8K 35 4
                                    

-Chapter 40[Part 1]: 1:43-

"Here. Panyo mo. Salamat ulit." nakangiting inabot niya saakin yung panyo habang naglalakad kami papuntang school.

"No Prob." then kinuha ko na yung panyo at tinago sa bag ko. "Natuyo kaagad?" 

"Yeah. Ni Dryer ko eh." 

"Ohhh. Okay." 

Normal Day lang at sabay na naman kami naglalakad papuntang school. Himala nga eh. Di niya ako inaasar ngayon. Bakit kaya? At saka.. di siya masyadong umiimik. Ako naman, di nagsusungit. Hmm. 

"Tahimik mo ah.." 

Tiningnan naman niya ako. "Oh.. S-sorry.. May iniisip lang." then he smiled. 

Ewan ko kung anong nangyayari saakin ngayon pero nung ngumiti siya eh parang cute na cute siya sa paningin ko. 

Seriously? Si Shawn naging cute sa paningin ko? Psht. Shawn Panget kaya siya!

"Nga pala.. Ano yung ibig mong sabihin na 'Love is Blind'?" 

Pagkatanong ko nun sakanya eh tumawa siya kaagad. Tinaas ko naman yung kilay ko. 

"Di mo pala gets?" 

"Tatanungin ko ba kung gets ko?" 

He chuckled. "Wag mo na isipin yun." 

"Eh naiisip ko eh." 

"Tsk. Kalimutan mo na. Anyway, do you like stars?" 

"Hmm Yeah. Why?"


"Just asking.." 

Nakarating na din kami sa harap ng school at nagpaalam na ako sakanya. 

"Bye Shawn Panget. Ingat. Baka madapa." then nag tongue out ako sakanya. 

"Bye Sheila Sunget. Ingat din sa game mamaya. Good luck. Baka ma sprain ka." then tumawa siya at umalis na. 

Amp! Tumawa ba naman habang sinasabi baka ma sprain ako -.- Pang-asar talaga yun. 

Pero di ko namalayan na nakangiti pala ako ng wagas habang papasok ng school. 

Di na ako dumaan sa locker bago pumasok sa classroom since intrams namin at walang klase. 

Pagkalagay ko palang ng bag ko sa seat ko, sinalubong na kaagad ako ng mga GFFs ko. 

"Sino kalaban niyo ngayon Chels?" -Lorraine.

"Sophomores ata. Ikaw? Kamusta laban mo sa chess?" 

Her Love Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon