Chapter 43: The Answer

Start from the beginning
                                    

Si Angelo nakatayo at nakaakbay sa isang babae. Wow! Sa Harap yan nina Kate and Paolo ha? Okay na kaya sila? 

Narinig ko may sumigaw na lalaki dun. "Wow! Congrats Tol! May partner ka na sa prom." 

Nakita ko na ngumiti si Angelo. "Oo nga eh!" 

Then inasar siya ng lahat. Sina Kate and Paolo naman pangiti-ngiti lang. Then yung babae na katabi ni Angelo pinulupot ba naman yung arms niya sa bewang ni Angelo. 

SO SIYA BA YUNG SINASABI NILANG PARTNER NI ANGELO SA PROM?! Ang gulo na ha!! 

Lumapit na ako sa kanila at biglang hinila si Angelo. Yeah! I did that. 

Gulat na napatingin silang lahat saakin. Tiningnan ko ng seryoso si Angelo. "We need to talk." 

"Y-yo Chels. Tungkol saan?" 

Tiningnan ko siya ng masama. "Basta!" then tiningnan ko yung lahat ng mga kasama nila. "Pahiram muna si Angelo ha? Salamat!" tapos hinila ko na si Angelo. 

Narinig ko na inasar pa kami nung ibang lalake. Amp! Kanina lang sa ibang babae nila inaasar si Angelo tapos ngayon saakin na?! Mga ewan talaga. 

Lumabas kami sa cafeteria at dinala ko siya sa may gilid. Binitawan ko na yung mga kamay niya. 

"H-huy.. Anong meron?" tanong niya saakin. 

Tiningnan ko siya ng masama. "Who are you?" 

Natawa naman si Angelo sa tinanong ko sakanya. "Chels? May sakit ka ba? Bat mo tinatanong yan? Nakalimutan mo na kung sino ako?" 

Binatukan ko naman siya. "Hey! I'm serious here!" 

"I'm Angelo!" inosenteng sabi niya. 

Ughhhh!! =___= Paano ko ba itatanong to sakanya?! Tsk! Deretsuhin ko na nga siya. "I saw you a while ago sa harap ng locker ko.. at nakita ko na sinera mo yung locker ko. May nilagay ka ba dun?!" 

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Bigla nga nag-iba ang expression niya eh. "S-so nakita mo ako?" 

"Obvious ba? Kakasabi ko nga lang diba?"

Ngumiti siya at parang kinamot yung likod ng leeg niya. "I guess nahuli mo na ako." 

Biglang nag-iba yung pakiramdam ko nung sinabi niya yun. "W-what do you mean?" 

Hinawakan niya yung isang balikat ko. "Yeah.. May nilagay nga ako dun kanina.. Isang note at saka rose. Yun naman parati kong nilalagay sa locker mo hindi ba?" 

Naiiyak na ako sa sinabi niya. Alam niyo kung bakit? Kasi ayokong tanggapin na siya yung naglalagay ng mga yun sa locker ko..Cause deep inside, I was really hoping na si Shawn yun.. 

Her Love Story [Completed]Where stories live. Discover now