=Chapter 6=

9.8K 559 61
                                    

The Devil's Naughty Bride

            =Chapter 6=

Halos mahulog na ang panga ko sa bigla dahil sa narinig kong tinawag nila saakin.

Kamahalan?! Tinawag nila akong kamahalan?!

Tama ba ang pagkakadinig ko o nabibingi na ako at kung anu-ano ang naririnig ko?

"Kamahalan tara na po, malapit ng dumilim. Bilin saamin ng hari ay iuwi ka bago magdilim, kaya kailangan na po nating umalis ngayon din." magalang na sabi ng isa sa mga lalaking nakaitim.

Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinasabi nila dahil sa sobrang pagkabigla.

Pinilit kong alalahanin ang lahat ng nangyari na akala ko'y isang panaginip lang.

Biglang bumalik lahat saakin ang mga alala nung nakaraang gabi. Magsimula nung traydorin ako ni Nicole hanggang sa pagbugbog saakin. Bumalik lahat ng sakit na naranasan ko kaya hindi ko napigilan nang mangilid ng luha ang mga mata ko.

"Kamahalan?! Ano pong nangyayari sainyo?!" aligagang sabi ng katabi ko.

Nang hindi siya nakakuha ng sagot mula saakin binaling niya ang kanyang paningin sa dalawa pang kasama niya. "Ihanda niyo na ang mga sasakyan at aalis na tayo, bilisan niyo! May masakit sa ating reyna kaya kailangan natin siyang dalhin sa ospital ngayon din!" utos niya.

Habang ako naman e bumalik sa realidad nang marinig ang salitang 'ospital'. Ayoko sa ospital, maraming namamatay dun kaya naman siguradong marami ding multo dun.

Tangkang bubuhatin niya ako papasok sa sasakyan nang lumayo ako sa kanya.

"Subukan mong lumapit at lagot ka talaga saakin! Magkakamatayan muna tayong dalawa bago mo ako madala sa ospital!" banta ko sa kanya.

Tapos nag-asta akong si Bruce Lee at pinakita ang pamatay kong karate moves.

Nang ipinadyak ko ang paa ko pataas ay bigla akong na out of balance, kaya ang ending e nasubsob ang mukha ko sa sahig at nagkahalikan kami ng semento.

Naman oh! Ayaw makisama ang pagkaclumsy ko, tsk tsk. Ang sakit tuloy ng mukha ko, mukhang magkakapasa pa ako neto.

Nakita kong namutla siya. Ha! Dapat lang talaga siyang matakot saakin, matapos kong ipakita ang galing ko sa karate minus yung pagsubsob ko sa sahig siyempre.

Subukan niyang lumapit at talagang pupulbusin ko siya.

Nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko. Napanganga ako, alam ko namang natatakot siya dahil sa galing ko sa karate pero hindi naman siya dapat lumuhod 'no!

"Patawarin nyo ako kamahalan at hindi ko kayo naprotektahan, karapatdapat akong parusahan!" sabi pa niya.

Protektahan? Bakit mapoprotektahan ba niya ako mula sa clumsiness at katangahan ko? Kung oo, sige bibigyan ko siya ng award.

"Huy! Tumayo ka nga diyan! Hindi naman ako santo para luhuran mo 'no! Kahit na alam ko namang karapatdapat sambahin ang kagandahan ko, nakakaasiwa parin e."

Okay, ako na ang makapal ang mukha. Napanganga siya at nanlaki ang mga mata dahil sa narinig niya mula saakin.

Napatawa ako ng malakas dahil sa ekspresyon niya. "Joke lang haha, ikaw naman hindi na mabiro. Tara na alis na tayo, kailangan ko ng makauwi." pagkatapos sumakay na ako sa naghihintay na bukas na sasakyan.

Pagkapasok ko sa sasakyan para akong binuhusan ng malamig na tubig when i remember the issue I was in beforehand.

Hindi panaginip ang lahat... I was really the mate of the most dangerous and ruthless man! Ako ang mate ng Vampire King!

Daig ko pa ang natuklaw ng ahas dahil sa realization ko.

I'm doomed real bad.

Hindi ko na kailangan pang ituro ang daan papunta sa bahay ampunan dahil obviously nagresearch na sila at siguradong alam na nila lahat ang tungkol saakin.

Pagdating namin sa bahay ampunan nadatnan namin si Brenda na alalang-alala DAW saakin.

"Akala ko kung ano ng nangyari sa kanya, buti nalang at nasa mabuting kamay naman pala siya. Salamat sa paghahatid niyo sa kanya."

Isa lang ang masasabi ko, nakakasuka.

"Aaw! Nakakatouch naman, hindi ko alam na ganito mo pala ako kamahal Brenda. Dati kasi tuwing umuuwi ako ng disoras ng gabi hindi ka naman nag-aalala at wala kang pakealam. Pero tignan mo ngayon oh, parang nakasalalay ang buhay mo saakin." inis ko sakanya.

Binigyan niya ako ng palihim na nagbabantang tingin. I rolled my eyes, akala naman niya masisindak niya ako sa tingin niya.

Binalingan ko yung mga lalaking naghatid saakin. "Salamat sa paghatid, papasok na ako."

"Susunduin nalang po ulit namin kayo bukas ng umaga para ihatid sa school kamahalan."

Ano?! Ihahatid nila ako sa school? Hindi pwede, siguradong matsitsismis ako nun.

"Huwag na! Hindi na kailangan, mas gusto ko ang naglalakad papuntang school." palusot ko.

"Pasensya na kamahalan mahigpit na bilin saamin ng hari na ihatid at sunduin ka sa school. Sumusunod lang kami sa utos." paliwanag niya.

Ays, nakakainis naman! Siguradong bukas ako nalang ang pag-uusapan ng lahat ng tao sa school neto.

Padabog akong pumasok sa bahay at sa loob ng kwarto ko.

Napanganga ako sa nadatnan ko sa loob ng kwarto ko.

Simula paggising ko naging hobby ko na ang pagnganga sa gulat, buti nalang walang langaw kung hindi siguradong nakakain na ako ng marami.

But back to my room, nagulantang ako sa nakita ko. Parang isang mamahaling kwarto sa isang hotel.

My simple room was transformed into an elegant and expensive looking room suited for a queen.

May nakita akong kahon sa ibabaw ng queen size na kama, lumapit ako at tinignan kung ano. Pagbukas ko sa kahon, nakita ko ang isang napakagandang kwintas and no doubt the most expensive too.

Gawa ito sa platinum at may hugis pusong pendant na may blue diamond sa gitna. Sobrang ganda nito at kulay blue! Ang paborito kong kulay.

Nang iangat ko ito may nahulog na papel mula dito.

'Good evening my sweet Jhen, I hope you like your new room and my gifts to you. Please wear the necklace, gusto ko isuot mo yan araw-araw. With it on, no one will dare to touch you my sweet. Not long now, sandali nalang mahal ko at magsasama na tayo. I hope your anticipating the day just as I am.

Sincerely yours, William.'

Isa lang ang masasabi ko.

I'm in real trouble.

-------

Jhen's Note: Like it? Or not?

Sorry kung maikli.

Anyway guys, napagdesisyunan kong maglagay ng vote goal sa story na'to.

VOTE GOAL: 400 for the whole story.

Please don't be mad, here me out first.

Hindi ako naglagay ng vote goal PARA MAKAKUHA NG MARAMING VOTE, jusko kahit walang vote ang story na'to itutuloy ko parin siya. Gusto ko lang maging consistent ang pag-UD ko sa TNDB. Hindi ko po kayo pinepressure na mag-vote, sa totoo lang po pressure 'to sa part ko dahil kapag naabot ang vote goal e obligado akong mag-UD kahit na wala ako sa mood at busy ako.

Pero kung hindi ma-reach yung vote goal itutuloy ko parin ito, maga-UD parin po ako. Inuulit ko MAGA-UD PARIN AKO.

So huwag kayong magagalit kung magbigay ako ng vote goal, choice niyo naman niyan kung magvovote kayo. Okay lang naman saakin kung hindi maaabot yung goal, sa totoo lang pabor yun saakin dahil choice ko kung kailan ang UD.

Nagbigay lang ako para alam niyo kung kailan ang UD at mapilitan akong gumawa ng bagong chapter dahil kung hindi niyo pa alam ay tamad talaga akong tao. Kapag naabot na ang goal, give me a day or two at maga-UD nako.

Anyways thanks for reading everybody. See you on the next chapter :D

God Bless

The Devil's Naughty BrideWhere stories live. Discover now