=Chapter 4=

11.1K 436 32
                                    

The Devil's Naughty Bride

           =Chapter 4=

Nagising ako sa matinding sikat ng araw.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, at bumungad saakin ang pamilyar na kwarto. Ang kwarto ko sa bahay-ampunan.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Brenda, ang masungit at kinaiinisan kong tagapag-alaga namin sa bahay-ampunan.

"Gising ka na pala Jhen, bumaba ka na at handa na ang almusal." nakangiti niyang bungad saakin na parang nanlalambing.

Ano naman kaya ang nakain niya? Parang ang bait niya naman yata saakin ngayon? Datirati umaga palang sigaw na ang inaabot ko sa kanya, tapos ngayon biglang sweet na siya?

Hindi ko na napigilan ang curiosity ko kaya naman tinanong ko na siya gamit ang malambing kong boses at ang pinakamatatamis na salita sa mundo.

"Anong nangyari sa'yo? Mawawasak na ba ang mundo kaya naisipan mo ng magbago? At pwede ba huwag mong gagamitin saakin ang boses na yan? Nangingilabot ako eh."

Laking pagtataka ko ng ngumiti lang siya saakin, sa halip na sigawan ako.

Okay now I'm worried. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ang bait-bait ng witch na'to saakin?

"Tumayo ka na diyan Jhen at maghanda sa pagpasok mo sa school baka malate ka pa." nakangiti parin niyang sabi saakin habang kinukuha ang labahan ko.

Ngayon natatakot na ako sa inaasta niya. Kahit kailan hindi pa niya linabhan ang mga damit ko, madalas ako lahat ang naglalaba para sa lahat ng tao sa ampunan.

Ano kaya ang nangyayari sa kanya?

Hindi kaya? Oh well there's only one way to find out.

Tumayo ako sa kama sabay hablot sa rosary na nakasabit sa leeg ko at tumakbo papunta sa kanya. Hinarap ko sa kanya yung cross nung rosary.

"Masamang espirito! Inuutusan kita ngayon din sa ngalan ni Jesus umalis ka sa katawan ng masamang babaeng yan!" sigaw ko.

"Ano bang pinagsasabi mong bata ka?" nakangiti parin niyang sabi pero halata naman na naiinis na siya saakin.

Siguro natatakot na siya sa hawak kong rosary. Dahil doon nagkaroon ako ng lakas ng loob para gawin ang mga susunod na nangyari.

"Ah nagmamatigas ka pa ha? Maghintay ka at lagot ka saakin ngayon." banta ko pa.

Dali-dali akong pumunta sa likod ni Brenda at mabilis kong ipinulupot sa leeg niya ang rosary na hawak ko.

"Ano magmamatigas ka pa ha?! Umalis ka na ngayon din masamang espirito!"

Ngunit taliwas sa iniisip kong mangyari, hindi nasunog si Brenda gaya ng mga napapanood ko sa mga palabas.

Bakit ganun? Hindi ba mabisa yun? Kailangan ba ng holy water? Hala paano 'to wala akong holy water sa kwarto?

"Jhen Blue!!! Bitiwan mo ako ngayon din!" narindi ako sa napakalakas na sigaw ni Brenda. "Sira ulo ka talagang bata ka! Alisin mo nga yan sa leeg ko!"

Dahan-dahan kong inalis ang rosary sa leeg niya. Unti-unting humarap saakin si Brenda, at bumungad saakin ang pamilyar na ekspresyon niya. Nanggagalaiti na siya ngayon sa galit.

Ngumiti ako nung makita ko iyon pero biglang nawala iyon nang gumanti siya ng isang pekeng ngiti.

"Mag-ayos kana Jhen at kumain sa kusina." sabi pa niya bago lumabas ng kwarto ko.

The Devil's Naughty BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon