=Chapter 9=

6.1K 385 30
                                    

The Devil's Naughty Bride

          =Chapter 9=

Dahil maraming nakasaksi sa nangyari. Parang apoy na kumalat ang balita sa buong school.

Before I knew it, I am already the center of the gossip.

Gaya nang dati, hindi ko sila pinansin.

Sa totoo lang wala akong pakealam kahit na anong sabihin nila tungkol saakin.

They could talk sh*t about me and I wouldn't even care.

Dahil hindi naman mahalaga ang opinyon nila para sa akin. And I think I'm starting to get used to it. Ilang linggo narin naman na ako ang pinag-uusapan sa buong bayan.

What irritates me is that they keep looking at my direction.

Hindi ba sila pwedeng mag-chismis-an nang hindi ako tinitignan?

Chismis to the max na nga, gusto pa nila unlimited pa sa pagtingin?

Dukutin ko kaya ang mga mata nila? Grabe umagang-umaga pinapainit nila ang dugo ko.

Buti nalang nang dumating na ang teacher namin ay tumigil na sila.

"Good morning class!" masayang bati ng teacher namin.

Inilibot niya ang tingin sa buong klase, at nang dumako ang tingin niya saakin ay napalunok siya.

Bakit na naman? Ang tahimik ko na nga, e! Hindi na nga ako kumikibo para hindi na nila ako pansinin pero parang walang epekto ang ginagawa ko.

"Miss Jhen, may problema ba?" kinakabahan niyang tanong saakin.

Dahan-dahan akong umiling at ngumiti sa kanya. "Wala po." tipid ko nalang na sagot.

Baka himatayin pa siya kung susungitan ko siya.

Pakiramdam ko ang bait-bait ko ngayon, kalian ba ako naging ganito kabait? Grabe, they should give me a reward or something.

Nagsimula ang klase at nanatili parin akong tahimik.

I listened to the discussion, well...at least I pretended as if I am. Until I felt someone's eyes bore into me.

Nang tignan ko kung sino, hindi na ako nagulat nang makita ko si Nicole.

She's giving me the evil eye. I raised my brow at her.

Alam kong galit na galit siya ngayon sa akin pero wala lang siyang magawa dahil hindi niya ako pwedeng saktan.

Well, at least she's not that dumb. She knows that there will be hell to pay if she will dare to hurt me.

Siya rin ang unang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa.

Nakakalungkot man isipin pero siya ang nag-iisa kong kaibigan dito sa school. Apart from her, I have no one.

Sabi ko noon, okay lang kahit isa lang ang kaibigan ko basta ang importante ay isa siyang totoong kaibigan.

Now, look where it got me? Nganga tuloy ako ngayon.

The whole morning went by just like that.

Nicole kept looking at me, her stares never wavered. Pero hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy nalang ako sa pagpapanggap na nakikinig sa teacher.

Nang matapos ang klase, hinintay ko munang makalabas ang lahat bago ako lumabas ng classroom.

Nagulat ako nang paglabas ko bumungad saakin si Nicole at ang mga 'It girls' kuno na walang iba kung hindi sina Lacy, Anne at Ella.

The Devil's Naughty BrideМесто, где живут истории. Откройте их для себя