8. Training Ground

Start from the beginning
                                    

Nanlaki naman ang mata namin ni Misha. Ang alam kasi namin, eh dito sa pilipinas ito nag-aral. He was saying na sa La Salle siya nag-aral. So, ginuyo lang pala kami ng buwiset na ito? Humanda talaga ito mamaya. University of Philadelphia pala ah.

Tumayo naman si Jasper at nagpakilala ito. He also talked about his background pero hindi ko na yun napansin dahil shock pa ako sa impormasyon na nanggaling kay Reed.

"Masekreto talaga ang impaktong yan." Bulong naman sa akin ni Misha.

"Sinabi mo pa." Ganting bulong ko rito. So totoo talaga na anak mayaman ito. Hindi na chismis, confirmed na. Ang mahal kaya ng tuition doon sa University of Philadelphia around $22,000 ang semester.

A/N: Reality talk lang. $1000 is already very expensive for Americans since clients ko sila. Don't say na maliit lamang ang $22,000 kung wala ka naman nito and you don't know how Americans live their life.

Nangalumbaba naman ako pero biglang sinundot na lang ako ni Reed at sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Your turn." Saad nito sa akin at nginisihan pa ako.

Abnormal talaga kahit kailan! Kaya nakabusangot akong napatayo. "August White, 23 years old. Graduated from Philippine Military Academy." Pakilala ko na wala akong kangiti-ngiti.

"So you're a soldier?" Biglang tanong ni Marcus.

Tumango ako. "Member of Arm forces of the Philippines." Sagot ko.

"So local." Scarlet smirked. She is obviously making fun where I came from.

Local? Kung alam lang nito na nakapag-aral na ako sa ibang mundo, baka mahimatay pa ito! Buwiset!

"Where you from Scarlet?" Tanong ko rito. I wanna bit back.

"Fort Lauderdale?" Sagot nito na pinagtaasan kaagad ako nito ng kilay.

Ngumisi naman ako. "So local, your from that place, and you studied as well in your area. Isn't Keiser University is in Fort Lauderdale as well? Aren't you being too local as well?" Nang-uuyam na tanong ko rito. Wag talaga ako Scarlet dahil hindi ako takot sayo. Humarap na nga ako sa mga orcs, sa isang mangkukulam lang aatras ako? Ha! Nagkakamali ka ng kinalaban Scarlet. Sobrang laking pagkakamali.

"Stop both of you." Sita naman ni Draco. Napatiim-bagang naman ako. Kung si Cayden lang ito, malamang ay baka sinamaan ko na ito ng tingin at pinagsalitaan ng hindi maganda. I'm in a foul mood right now dahil kay Reed, and this is not the best time for someone to mess up with me. "Any problem August?" Tanong pa nito sa akin, his eyes are like hawks studying me.

I clenched my jaws and I tightly gripped my hands on the chair. "I'm good." Sagot ko rito kahit gusto ko ng sumugod. I don't know, umaalpas bigla ang galit ko. It only started with a small lie.

Umupo na ako and I already have dagger looks but aimless point. Galit ako sa hindi ko maintindihan na dahilan. Nagpakilala na rin si Misha pero hindi ko na napansin ang mga sinabi niya dahil mainit na mainit na ulo ko. Gusto kong manapak!

Napatayo ako bigla ng hindi ko na kinaya. "Reed, let's spar." Malamig na saad ko rito dahil baka kung hindi ko ito mailabas ay baka sumabog na lang ako bigla.

"Huh?" Nagtatakang napatingin naman ito sa akin.

Tinaliman ko naman ito ng tingin. "Stand up." Utos ko rito.

Biglang napatayo naman si Reed at walang paalam na lumabas ako ng silid na yun. Narinig ko pa ang tawag ni Misha sa akin at ni Marcus pero hindi ko na pinansin ang mga yun. Mainit ang ulo ko at nagdidilim ang paningin ko. Hindi ito mawawala kung hindi ko ito mailalabas. Naramdaman kong sumunod ang lahat. Lumabas ako ng masyon.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now