Chapter 19 FINALE

27 2 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang itinitiklop ang mga damit para sa pag-alis ko dito. Actually, ilalagay ko na lang yun at ready na ko para umuwi.

Masaya na ko ngayon dahil alam kong napagtagumpayan ko ang maliliit na problema na malaki ang naitulong nun sa personality ko.

Nauna nang umalis sa akin pauwi si Sean at di na kami nagsabay. May important pa daw siyang gagawin. Si Darren naman ay lumipad patungong America para mag culinary.

At si Yanna naman ay kahapon lang dinala sa Seoul para doon na rin mailibing. Di ko man siya tuluyan naging friend pero I appreciate her sacrifice for me to live instead of her.

Ayan na, tapos na ko maglagay ng mga damit. At isinara ko na ang zipper ng maleta ko saka tumayo na. Bigla naman akong napatingin sa salamin at sa tingin ko ako na si..

COLLEEN HAN VERSION 2.0

Haha! Nakakatawa ako no? Bumalik na rin ang mga di pilit kong ngiti. Lalabas na sana ako hila ang maleta nang marinig kong nag-ring ang phone ko.

Omo, malilimutan ko pa. Teka unregistered number na naman ba to? Ah no, si chief pala. Bakit kaya?

"Hello, chief?"

"Colleen, so pauwi ka na ngayon sa Seoul?"

"Opo, chief. Kayo po, di ko na kayo nakikita since that day."

"Nasa North Korea ako ngayon for a transaction."

"Ahh, ok po."

"Colleen? Andyan ka pa ba?"

"Ah opo. Bakit po?"

"Patawarin mo ko. Dahil kahit na alam kong mahirap para sayong magpanggap pero di ako naging mabuting chief at senior para sayo." awww, nakaka touch naman? Teka I'm crying na naman? ano ba yan!

"So I'll get going."

"Bye chief." paalam ko at ini-end ang call at saka tumungo na palabas ng hospital.

Nang tuluyan na akong makalabas ay hinarap at tiningnan ko muna ang hospital na yun. Saka ngumiti na nagpapahiwatig ng success para sa ngayon.

Alam kong teenager pa lang ako at marami pa kong pagdadaanan. Pero I think from my experience, mas mapagtatagumpayan ko na anumang bagong hamon ang dumating because of what happened to me.

--

Naka uniform na ko ngayon para pumasok sa school. Oo akala ko na baka magtaka ang students kung bakit ako nakapasok pero hindi. Dahil ang parents ko mismo ang nagsabi ng totoo sa kanila bago pa man ako makauwi.

I'm happy na they're supporting me now. Pero oo nga pala may sasabihin ako sa inyo. Kuwento ko muna habang nagba-byahe pa ako sakay ng kotse namin papuntang school.

Naalala niyo ba yung pumayag ako kay Sheena yung traydor kung friend? Ok yung anak na lang ng owner of the illegal company na si Sheena, siya yun.

Kaya ako pumayag kasi I have my weapon. Kasi dinukot ko sa bulsa ko non habang daldal siya ng daldal ang phone ko saka ini record. Tapos isinend ko yun sa Seoul Police.

So sabi nila magbigay ako ng update kung kailan sila puwedeng kumilos at papupuntahin nila ang Jeju Island police officers. Dahil sila ang mas malapit.

Kaya nang pabalik ako sa Yangdam Hospital tinawagan ko na sila at naka standby yung call na yun hanggang dun sa pinapaputukan na ako ni kuya, remember?

Kaya ayun madali silang nakakilos. Teka, andito na pala ako. Ok so bumaba na ko. At di naman ako pinag bulungan at parang normal na lang din.

--

My Different Teenage Life [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now