Chapter 6

28 2 0
                                    

Yanna's POV

"Hello, puwede ka bang pumunta sa bahay namin ngayon?"

"Para po saan?"

"Urgent matter." huling sagot nito sa akin at ini end ang call. Kaya ipinatawag ko si manong at nagpa drive papunta doon. Nasa bahay pa ako nun at kakarating ko lang ng tawagan niya ako.

Oo nga pala, ako si Yanna Lee. Anak ako ng isa sa board of directors of Han-Shin University Medical Hospital na pagma-may ari ng daddy ni Colleen.

Nang makarating ako sa bahay niya, pumunta na ako agad sa office niya dala ang yellow folder na matagal na niyang ipinapahanap sa akin. May sinabi siya sa akin na sobra kong ikinagulat.

Guys, kung alam niyo lang na kahit kailan I didn't felt happiness. Para sa iba, it's more than a word pero sa akin it's just nothing. Simula pagkabata, kontrolado ng iba ang buhay ko. Even sa pagpili ng damit, mommy ko pa ang pipili nyan.

At hanggang teenager ako, kontrolado pa rin nila ako? Buong buhay ko siguro, ganto na ako. Madali akong matakot at magpa go with the flow kaya hindi ako nagkakaroon ng kalayaan on deciding things. Oo, aaminin ko na kasalanan ko lahat. So titiisin ko to.

--

Ipinasa ko sa prof. namin ang ipinagawa niyang assignment. Yung akin at kay Colleen ang ipinasa ko. Nang papalapit ako sa kanya, nakita kong tulala siya.

Tama man ako o mali, siguro baka sa kuya niya. Kaya habang papalapit ako, naiisip ko na mas maganda kung lalayo na lang ako sa kanya dahil ayaw ko siyang masaktan.

Yes guys, lahat ng readers dyan. Ok lang kahit magalit kayo sa akin. Oo ako ang kausap ng kuya ni Colleen na nakita rin niya mismo. Oo alam ko na nakita kami ni Colleen. That's why pinatago niya ako under his office table.

Narinig ko ang pagsabat ng kuya ni Colleen sa kanya. Inisip ko rin na this is not a smart idea. Dahil baka mas mapansin ni Colleen na her kuya is acting weird. I'm sorry guys.

"Hi, Yanna!" napalingon ako at nakita kong si Colleen pala. Nasa school bench ako nun, nakaupo.

"Anong meron?" tanong niya at inabutan ako ng bottled juice. Kinuha ko naman yun at ininom na.

"Wala. Umm, Colleen may pupuntahan pa ako eh. 2 hours lang yung bonus break time natin kaya pupunta na ako agad para di ako ma late."

"Ok. Ingat." palusot ko lang yun guys, pero na touch pa rin ako sa sinabi niyang ingat. Pumunta na lang ako sa library dahil kami lang naman ang may bonus break time and sana di niya ako napansin. Pagdating sa library, pumunta ako sa pinakadulo para mapag-isa.

Colleen's POV

Nakakapagtaka naman tong si Yanna, saan kaya siya pupunta? Bahala na nga. Naglakad na lang ako patungo sa library para mag-aral dahil may 2 hour bonus break time naman kami.

At nakita ko na namang walang tao doon. Dahil siyempre, section lang namin ang may bonus break time. So the whole library is mine now. Habang naglilibot ako at pumipili ng book na babasahin ko, ewan ko ba parang may bumubulong sa akin na pumunta ako sa pinakadulo.

Sa tingin ko, magiging horror na tong story na to. Kasi una, nakita kong may babaeng kausap si kuya tapos pagtingin ko uli, wala naman pala. Ngayon naman, parang nararamdaman kong may bumubulong at kumakausap sa akin.

Bahala na nga, baka sa klima lang yun ng library. So lumabas na lang ako dahil medyo natakot rin ako at kinabahan. Teka saan na nga kaya pumunta yung Yanna na yun? Tinawagan ko siya dahil nahingi ko na rin ang number niya nang mag study kami.

Nang pinapa ring ko phone niya, bigla akong may narinig na tunog sa library. Dahil siyempre tahimik doon at di pa ako masyadong nakakalayo sa pintuan nun. Bakit may tumutunog doon e wala namang tao?

Mga classmates namin, nasa labas lahat. Hay naku, aalis na nga ako. Baka nga sa klima lang ng library. Makalayo na nga dyan.

Hindi sumagot si Yanna sa calls ko. And baka nga very important pinuntahan niya kaya umupo na lang ako sa garden habang ginagamit phone ko as time killer. At totoo nga na kapag busy ka sa paggamit ng phone mo as your time killer, parang ang bilis ng oras. Time na uli.

Grabe suspense yun ah. Nabitin ba kayo? Sorry, pero madami pa namang chapters to. Don't forget to vote and comment below. Thank you! Nakakaantok ang day na to. Kagagaling ko pa lang ng school. Hoy ano ba kayo, author na ang nababasa niyo ngayon. Hindi na to si Colleen. Baka si Colleen inaakala niyo. By the way thanks again for the support.

Vote, comment and share sa mga chinggus ang story na to if you like it. Sorry again kung bitin kayo, hehe. Marunong rin akong mag-sorry, sometimes.

My Different Teenage Life [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now