Chapter 5

24 2 0
                                    

"Kuya?" sabi ko habang binubuksan ang pinto ng kuwarto niya. Actually, parang office na lang niya yun and doon na lang siya nagpapahinga kapag tinatamad siyang umuwi sa sarili niyang bahay.

"Kuya may--" napatigil ako nang makita ko na may kausap si kuyang babae. Nakatalikod siya dahil magkaharapan sila ni kuya at di ko siya kilala pero she do not look like a doctor, kasi naka uniform siya. Wait, student siya? Pero she's with kuya?

Kinabahan ako at parang iba ang kutob ko sa nakita ko. Hindi sila nagtatawanan, seryoso silang mag-usap. Sa una, naisip ko baka pasyente pero bakit di sila sa hospital mag-usap? Saka bakit dito pa sa director's house, teka paano nga pala nakapasok yung babae na yun kung di siya kilala ng security?

Sa pagtataka ko at pag-aalala, bigla ko nang itinuloy na buksan ang pinto ni kuya at mas nakakagulat pa pala ang makikita ko. Tanggalin ang maruming mind, di ganon ang kuya ko. Nagulat ako dahil wala na ang babae na nakita ko kanina.

"Colleen, andyan ka pala." sabi nito at nginitian ako. Ginantihan ko naman siya ng pilit na ngiti.

"Kuya diba may--"

"So ano na nga palang final decision mo?" pinutol niya ako pero di ko na yun masyadong pinansin at sinagot na lang ang tanong niya.

"Umm, naisip ko na--"

"Maganda yan, so be good in Jeju Island. Sayo nakasalalay ang hospital." sabat na naman niya at tinapik ako sa balikat saka ngumiti at lumabas na hawak ang isang yellow folder.

Hindi ko alam kung, magagalit ako, magtataka o hahayaan na lang siya. 2 beses na niya akong sinabat at parang iba si kuya ngayon. Suppose to be kasi sa tuwing nagsasalita ako,nakikinig siya and he's always encouraging me. Pero ngayon iba.

Lumabas na lang din ako at tumungo na sa office ni daddy para nga sabihin na ang final decision ko. Pagpasok ko, nakita ko si daddy na may kung anong ginagawa sa laptop niya.

"Dad, I will tell you my final decision." tumingin si dad at umupo ako sa isang upuan doon.

"Papayag na po ako." ngumiti si daddy at tumango tango.

"Sabi ko na nga ba, my passion is also your passion." ngumiti na lang ako at tatayo na sana para lumabas nang may naalala kong may sasabihin pala ako.

"Dad, may I ask something?"

"Ano yun, iha?" sagot ni dad pero nakatuon ang mata sa laptop niya.

"Dad, before si mommy may iba po ba kayong nagustuhan?" nagulat si daddy at natagalan bago makasagot.

"Asawa ko na ang mommy mo nun at wala pa kaming planong magka anak. Pero ng makita ko ang mommy ng kuya mo, even though I don't want to but.."

"But?"

"But I just couldn't help it." napaluha ako sa sinabi ni dad. Kasi kahit na close ako kay kuya, tapos malalaman ko na half brother ko lang siya at anak pa siya ni daddy sa ***** alam niyo na. Ang sakit kaya nun.

--

"Ok ka lang ba, Colleen?" tanong ni Yanna pero nakatulala lang ako habang nakaupo sa school bench.

"Colleen, naipasa ko na yung assignment natin kay prof." sabi pa niya na tinanguan ko lang.

"I'm sorry." sabi sa akin ni Yanna na nakapagpatanggal ng pagkatulala ko. Natawa lang ako dahil wala akong naaalala na may ginawa siyang masama.

"For what?"

"Kasi feeling ko I want to be your friend pero I don't think it's right."

"Ha? Ano bang sinasabi mo, may sakit ka ba?"

"Alam ko na dati gaya ng sabi mo wala kang friend. And I would love to volunteer pero I can't. Sobra sobra na ang ginawa at gagawin ko sayo, Colleen."

"Sana patawarin mo ako." sabi pa niya saka umalis sa harapan ko habang umiiyak. I don't understand her. Pareho na sila ni kuya. They've acting weird nowadays.

What's happening into the world? Guys kung may naiisip kayo kung bakit ganon kuya ko at si Yanna, you can share it to me by leaving a comment before you proceed to the next chapter.

Grabe na ang happening ngayon, te! Sobrang nakakabaliw. Dumagdag pa ang mga katulong namin na nadatnan ko ah actually, narinig kong kumakanta pag uwi ko sa bahay.

Grabe mga boses, natatakot nga ako para sa house namin. Puro salamin pa naman gamit namin. Delikado talaga, gets niyo ba? Yung voice nila akala mo malapit ka nang mamatay o kaya naman iisipin mong ang lupit mo sa kanila para iparinig sayo yung boses na yun na parang gusto kang patayin.

Hay naku, kung naiinis kayo dahil sa sobrang bully ko, I don't care. Charrot, siyempre totoo naman, saka wala kayong magagawa dahil binabasa niyo lang ako. Kaya kung gusto niyo kong maglaho, just press remove from library. In that way, puwede na akong maglaho sa wattpad earth ng library niyo. Yun ang simplest way para patayin ako. Pero utang na loob, huwag naman. Haha, ang kulit ko sarap batukan. Pero di niyo magawa, haha.

Thank you again. Vote and comment below. Kamsamnida chinggu! ( Thank you friend/s )

My Different Teenage Life [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now