12 - Peter Pan

3.9K 119 13
                                    

Kabanata 12
Peter Pan
Temang Musika: For All Time (Albert Posis)

♡♡♡

Mahirap magmove-on. Ang bagal mo na ngang humakbang, nagagawa mo pa ring madapa at muling masugatan.

♡♡♡

The next day jumped in fast. Nagising ako sa init ng sinag ng araw. Naabutan ko pa ang sarili kong nakatulog sa balikat ni Dwain. At bakit kami na lang dalawa ang nandito? Hala!

Kinusot ko ang mga mata ko at naghikab. Nang makabalik ako sa akin sarili ay tumingin ako sa kaliwa ko sa pag-aakalang tulog pa siya. Gising na pala si Dwain. Nang maabutan siya ng tingin ko'y parang nakatulala siya. Bagong gising rin siguro? Tumingin siya sa'kin nang mapansing gising na ako. Nag-angat pa ako ng kilay bilang pagtataka pero hindi matinag ang titig niya sa'kin. Tulog pa yata ito, ah? Tulog na nakamulat.

"Goodmorning itik!" tsaka ko siya pinasadahan ng hyper na ngiti, pambuwag lang sa awkward silence.

Natagalan bago siya mag-react. "Good morning too, gansa." Tugon niyang may magaang ngiti. Nagkaroon ng kakaibang pitik sa dibdib ko. Parang 'yung ngiti at tono ng pananalita niya'y may ibig ipakahulugan. Hindi ko alam kung bakit.

"Aray. Sakit ng ulo ko. Hindi na talaga ko uulit sa pag-iinom."

"Ang dami mo kasing ininom.”

“Parang namamaga pa ‘yung mga mata ko. Iyakan portion kasi tayong lahat kagabi eh.!”

Matahimik siya nang makailang saglit tsaka lang nagsalita. “Mayroon akong gustong itanong Jase." Napalunok ako bigla. Hala! Pilit kong inalala kung anong mga pinagsasabi ko kagabi nang pasimple pero wala. Last thing I knew, nakatulog na ako pagkatapos ng huling bote.

"Oh?"

"Uhm... kung sasabihin ko ba, susundin mo?"

Naguluhan na ako. Ano bang sinasabi niya? "Ha? Lasing ka pa yata eh."

"Kaya mo ba talaga?"

Tuluyan na akong nabagabag. Did he know? "Ha? Ano ba 'yun?"

Nagbuntong-hininga ito. "Kaya mo ba Jase? Kakayanin mo nga ba?"

"Ha? Lasing ka pa 'no?"

"Sa way mo ng pag-iinom kagabi, tuloy-tuloy. 'Wag kang masanay mag-inom. Don't drink. Again. I won't be around to guard you." naging balakid lalo sa pagtugon ko ang agarang katahimikan. "Tell me, what you're gonna do when I'm gone?"

'Yung sakit ko ng ulo ay lalong nadagdagan ng sakit ng puso. Alam niya na ba? Nasabi ko nga ba kagabi? Alam niya na nga bang mahal ko siya?

Nang hindi ako makasagot ay pinitik niya 'yung ilong ko. "Ang slow!"

Kumunot ang noo ko. "That's a line from a song. Tss."

Inalala ko kung saang kanta 'yon. "Ay putres ka! Kay Hunter Hayes 'yon 'no? Tss. Korny!" nagtawa ako ng bahagya at napansin kong sumabay rin siya. At pailing-iling. Hooo. Akala ko alam na niya.

"Teka, asan sila? Ba't tayo na lang nandito?"

"Madaling araw na nun, tulog na tulog ka kaya nauna na sila kasi nahihirapang matulog dito."

"Eh ikaw?"

"I won't leave you."

Natigil ako bigla at napatanga lang sa kanya. Is it just me o nangungusap ang maaliliit niyang mga mata nang sinabi niya 'yon? Naah! Nagpaka-assumera nanaman ako. Nevermind na nga.

Brainless HeartWhere stories live. Discover now