Ala-ala 6

6.2K 124 13
                                    

Ika-anim na Ala-ala
So Bad
Temang musika: Got To Believe In Magic (Juris)

♡♡♡

Love matters.  It’s a matter of ‘love now’ or ‘love never’.

♡♡♡

October.

Naiinis ako sa sarili ko. Hinayaan kong humantong sa ganito. Dapat ba akong magpasalamat dahil naging kaibigan ko si Dwain? O magsisi dahil gusto ko na nga siya? Ang tanga kasi ng puso ko eh, pipili na nga lang, sa taong hindi pa masusuklian.

Teka, sa’n ba gamit ang puso? Sa pagmamahal ‘di ba? Gusto ko ba o mahal ko ba? Pwede ba kasi ‘yun? Mahal agad eh hindi ko pa nga nakikita sa personal. Pero nakakaramdam ako ng selos na hindi naman dapat. Lalo rin akong nalulungkot kapag minsan napapansin kong wala siyang paki. Ang gulo ng buhay ko ano? Buhol-buhol.

Pero isa pa ‘to. ‘Pag inaasar niya ako, natatawa na lang ako sa mga pinaggagagawa niya. Tulad nung Sunday o Monday ata, ‘yung sa picture sa Facebook na parody ng Diary ng Panget. ‘Yung ‘Diary ng Super Panget’ at t-in-ag pa talaga niya ako. Langhiya, trip kung trip. But the thing is... Parang immune na ako.

But still, I don’t like this feeling. Pipigilan ko hangga’t kaya ko. Lalo na’t hindi nga pwede. There’s no chance for the both of us. This isn’t right. I need a cure.

Am I falling for a wrong person?

Dati kasi, nung highschool syempre nagkaka-crush din naman ako. Hanggang sa lumalal rin yata, pero hindi ko alam kung love na bang matatawag. Pero ‘di ba sabi, ang love daw... Hindi ‘yan lumilipas. Ibig sabihin, hindi totoong pagmamahal. It’s just a mere attraction lang talaga.

Ito kayang kay Dwain? Lilipas rin pagdaan ng panahon?

For now, I won’t and I can’t accept the fact na mahal ko siya. Saka na, ‘pag sigurado na talaga ako. Gusto ko kasi, ‘pag mahal ko ang isang tao, siguradong-sigurado ako. Marami ng pwedeng magpatunay na pagmamahal nga ‘tong nararamdaman ko, pero isasagad ko na ang proofs. Parang I still need a sign. Ewan.

Babalik muna ako sa pagiging cheerful for the mean time. Dating gawi. Happy happy lang ang feeling na umiiral sa’kin whenever I’m with him. Tara’t mag-lie low muna sa dramas. Nakaka-stress, eh, at nakakasira ng kagandahan. Kung meron.

Natapos ang first sem kong masaya. Umuulan ng blessings sa grades! Nagbunga rin ang mga puyat at pagkapagod ko. May halo pang FB at Wattpad ‘yon. I guess balancing lang talaga. Siguro kasi inspired.

Inspirasyon ko si... ‘Yung pamilya ko syempre. Si God. Pati mga kaibigan... Pati si Dwain. ‘Yun.

SA PAGLIPAS NG ILANG ARAW, nagkaroon nga pala ulit kami ng bagong tawagan—Gansa at Itik.

Ang shunga ko naman kasi. Imbis na “Ang ganda ko” ang marereply ko sa convo namin, “Ang gansa ko” pala ang natype ko. Tuwang-tuwa tuloy siya sa epic fail na text ko. At simula nun, gansa na ang tawag niya sa’kin. Ganda ko namang gansa kung ganon. Joke!

At syempre, bilang ganti tinawag ko siyang itik. Goose ako para sa kanya, edi duck naman siya para sa’kin.

One time, nag-GM siya.

Kilala niyo ba si THE NAIL? ‘Yun ‘yung bida sa Got to Believe. Si THE NAIL Padilla.

Hahaha!

Hi. Goodevening. :)

-dwain

Ang corny, psh! Pero tawa naman ako nang tawa. Fuuuu.

Brainless HeartWhere stories live. Discover now