Sumayaw siya ng gentleman habang nakakagat labi. Feel na feel pa niya yung song habang nakapikit at nakatingala at tuluyan na ngang nagtawanan ang lahat.

"Grabe! Nakakahiya yung ginawa ko!" Wika ni Xiara habang naglalakad pabalik sa kaniyang upuan at nakatakip ang dalawang kamay sa kaniyang mukha.

"Ang galing mo nga Xiara eh! Pinagalak mo ako masyado haha!" Kumento ni Adrian.

"Mga loko kayo, sino kaya ang sunod na mapapahiya?" Wika niya sabay paikot sa bote.

"Mapapahiya talaga? Haha, tiyak na kinakabahan na yung hindi pa natatapatan." Wika ni Jerome.

"At isa ka na dun! Haha!" Pagsupla ni Ginny dito.

"Ayan na guys, pabagal na nang pabagal at apat na lang ang hindi pa natatapatan." Wika nito.

Tumigil na ang bote at ito'y tumapat kay...

"Ang swerte mo Jerome! Haha! Malas pala! Hehe!" Pangbubuska ni Xiara rito.

"Alam ko namang ako na ang tatapatan eh, nararamdaman ko na yun kaya huwag na tayong magpaliguy-liguy pa, dare na agad! At letter I ang akin." Wika nito na tila ba nagmamadali.

"Excited masyado? Haha, easy ka lang hehe!" Wika nito.

"Eto na nga! Dare word mo ay IMPERSONATE. Mag-impersonate ka ng tatlo sa mga naging professors natin. At dahil malakas ang sense of humor mo, alam naming mapapatawa mo kami kaya galingan mo." Wika ni Xiara.

"Ayun lang ba? Tsk, kadali pa." Wika ni Jerome habang binabaybay ang daan patungo sa gitna.

"Una kong gagayahin ay yung professor natin sa Calculus, si Sir Vic haha." Wika nito.

Um-acting siya na nagsusulat sa blackboard.

"Okay class, the integral of xdx is x+c." Wika nito habang nagsusulat at kinakausap ang blackboard habang mabagal na nagsasalita.

"Hahaha!" Tawa ng kaniyang mga kaklase.

"Pinagtatawanan niyo ba ako? Kung ayaw niyong matuto sige labas!" Sigaw ni Jerome na kuhang-kuha ang istilo ng kanilang prof.

"Okay, back to the lesson." Sabi nito sabay talikod at nagsulat sa board.

"Hahaha! Tae Jerome, kuhang-kuha mo!" Sigaw ni Karlo.

"Haha, pare! wala ka talagang kupas." Wika naman ni Kian.

"Okay okay, alam ko namang magaling ako eh hehe. Next naman si Sir CJ hehe." Wika nito.

"Go Jerome! Kaya mo iyan!" Birada ni Jake.

Biglang pumasok si Jerome na parang nasa classroom at kunwari ay late.

"Sorry class, it's so traffic kasi and my boyfie has a sakit kaya I take care of him muna sandali so that nalate ako." Wika ni Jerome na inaayos ang mga gamit kunwari sa lamesa habang nakapilantik pa ang kamay nito.

"Haha Jerome! Kuhang-kuha mo! Pwede ka ng maging Sir CJ the second hehe!" Wika ni Agatha.

"Excuse me, hindi ako bading!" Wika nito sabay irap kaya nagtawanan ang lahat.

"Okay okay, masyado ko kayong napapaligaya kaya last na hehe." Wika nito.

"Good molning crass, wolly tung abwent ato tahapon tawi naman, ang rayo-rayo ng buirding niyo wa tinuluan to eh. Iyan kuroy, mawyado tayong mawaya hehe." Wika nito na bulol-bulol kaya nagtawanan ang lahat.

"Magtigil ka nga! Para kang banu!" Wika ni Nikka.

"Aysus, haha!" Sambit ni Jerome.

"Masyado mo kaming pinasaya bro!" Sigaw ni Aaron.

"Ikaw na! Certified Kengkoy ka talaga!" Hirit ni Grace.

"Paano ba iyan? Tatlo na lang ang hindi pa natatapatan? Goodluck sa inyo." Wika ni Jerome habang naglalakad pabalik sa kaniyang upuan.

"Kung ako man ang tapatan, ade masaya hehe." Wika ni Arianne.

"Syempre, harapin dapat ang enjoyment." Wika naman ni Abi.

"Ako naman, kinakabahan." Wika ni Roxette.

"Let us begin!" Wika ni Jerome at pinaikot na ang bote.

"Ang malas mo Abi! Haha! Si Arianne pa naman ang gusto kong parusahan." Wika nito.

"At bakit naman ako aber?" Tanong nito.

"Syempre, para mapagtripan ko kayong dalawa ni Adrian haha!" Wika ni Jerome.

"Oh ano Abi? Truth or Dare?" Tanong nito.

"Gusto kong magdare kaso may bumabagabag sa isipan ko kaya Truth na lang." Wika ni Abi.

"Ano naman ang bumabagabag sa isipan mo? Na papahirapan kita? Haha! Depende iyon sa kung anong letra ang hawak mo." Wika nito.

"Letter R, ewan ko ba kung anong kalokohan ang iniisip mo kaya truth na lang talaga." Paliwanag ni Abi.

"Kung Dare ang pinili mo ROLL pa sana ang pagagawa ko sayo. Gugulong ka lang naman sa sahig habang magkayap tayo hehe." Wika ni Jerome.

"May pagnanasa ka pala kay Abi ah." Wika ni Ginny.

"Uy, joke lang yun kayo naman. Parang hindi niyo ko kilala haha!" Wika nito.

"Ok ito na, ang word ko para sayo ay RING. Tutal may suot kang sing-sing, ano ang ibig sabihin niyan? Galing kay Boyfriend? Ipaliwanag mo." Wika nito.

"Usisero ka talaga! Pati sing-sing ko napansin mo pa?" Wika ni Abi na nakakunot ang noo.

"Syempre, aminin mo ang totoo sa aming lahat." Sagot nito.

"Sa totoo niyan, ang sing-sing po na ito ay galing sa boyfriend ko na Electrical Engineering naman." Wika niya habang ipinapakita sa lahat ang suot-suot na sing-sing.

"Si Gerald noh? Sabi na nga ba eh!" Birada ni Joan.

"Oo siya nga, hihi! Sa totoo niyan, ang sing-sing na ito ay ibig sabihin ay engaged na kami." Wika ni Abi.

"ENGAGED NA KAYO?!" Tanong ng lahat na tila ba gulat na gulat.

"Oo, magpapakasal na kami sa after ng ating bakasyon dito. Gusto ko sana kayong sorpresahin kaso napaaga." Wika nito.

"Hindi naman siguri kayo nagmamadali niyan noh?" Tanong ni Roxette.

Hindi umiimik si Abi, maya-maya pa ay mayroong umagos na luha mula sa kaniyang mga mata.

"Guys, buntis kasi ako." Wika ni Abi na ikinagulat ng lahat.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon