6. Meeting the Alpha Team

En başından başla
                                    

Naalimpungatan na lang ako ng nakaramdam ako ng mahinang tapik sa kamay ko.

"Hhmmmm?" Ungol ko pa. Inaantok pa ako! 😪

"Were here August." Mahinang saad ni Reed sa akin.

Napaayos naman ako ng upo at humikab ako. Nag-unat pa ako. Hindi pa gaanong maliwag pero nag-aagawan na ang liwanag at dilim. Napatingin naman ako sa relo ko. It's past five o'clock in the morning. Mukhang mas napaaga kami. Baka wala talagang traffic kaya tuloy tuloy yung biyahe. Bumaba na kami ng service van at kinuha na namin ang mga maleta namin pero naunahan na ako ni Reed at binitbit na nito yung maleta ko. Hindi na ako pumalag pa kaya sumunod na ako sa kanila. Hindi na kami pumasok sa kiosk o check in area. Dumirecho na kami sa run way. I can already see planes at nandito kami mismo sa run way ng eroplano. Nakasunod lang kami sa nauna. Patungo kami sa isang hindi kalakihang eroplano kung ikukumpara sa karaniwang eroplano like Philippine Airlines. But because this is a private jet, not a regular public air transportation.

Nakabukas na ang pintuan ng eroplano at nakalabas din ang hagdanan. May nakikita din akong stewardess na nakatayo doon na nakapaskil ang mga ngiti nito. Pakiramdam ko ako yung nangangawit sa pagkakangiti niya.

"We'll wait here." Saad naman ng guide namin mula sa HQ.

Wala naman kaming nagawa kundi ang maghintay doon. Binuksan ko na lang yung cellphone ko at isinuot ko yung earphones ko. Makikinig na lang muna ako ng music. Random playlist lang ang pinili ko sa Deezer. Napatango tango lang ako habang naririnig ko ang kanta. It was the new songs na hindi ako masyadong makarelate. Naging maliwanag na ng tuluyan. The sun is rising. Then a familiar music played. I think this is a korean song.

A/N: I love the music of Goblin and I think this is perfect for this moment.

Napalingon ako ng niyugyog ako ni Misha. May itinuturo ito kaya sinundan ko naman ang itinuturo nito. The music is playing and a saw five people walking towards us. I could not see them clearly dahil nasisilaw ako sa liwanag ng papataas na araw. Their  pace is not that fast, like they are walking in a cat walk.

Until they reach us but I almost stopped breathing. Like my world did stop spinning. All I can hear right now is the song and the beating of my heart. I am staring of the man who is the tallest of them all. He has a clean cut hair and wearing a white v-neck shirt and faded jeans. He is wearing an aviator and he took it off and I almost dropped my bag. Napalunok ako. How come? How come Cayden is here? Napalingon ako sa kasama nito and I saw one familiar face and he is smiling to everyone. Lucas is here.

"Welcome to the Philippines, we are the Delta Team. Reed Montero, The Captain." Pakilala ni Reed sa kanila.

"Draco Sylveria. The Captain of Alpha Team." Pakilala nito na ikinagulat ko naman lalo. He is not Cayden? Is that mean he is just a person who happens to have the same face as his? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? But he said, he is Draco Sylveria.

"I'm Marcus Sol Wylium." Pakilala naman ng kamukha ni Lucas.

Hindi tumigil sa malakas na pagtambol ng puso ko. Gusto kong tumakbo at yakapin si Cayden, pero hindi ko magawa. A fact kept on hitting my head that he is not Cayden, na kamukha lang siya. But how come his voice as well and physique? Pangalan lang yung naiba.

"Scarlet Green." Pakilala ng babae na ngumiti naman but she looks like she is looking down to us. I can feel it and see it in her eyes.

"Frank Thompson." Pakilala naman ng kano na kasama nila.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin