43

2.5K 74 2
                                    

Nia's POV

Tumingin ako sa likod ko para makita na wala na doon sina Daryl at Railmer.

Ngumiti ako nang mapait ng malaman ko na ito na ang huli kong laban, kase, wala na namang silbi kung magpapatuloy ako sa pagiging ako, lalo na't ang daming nadadamay sa kagaguhang nangyayari sa paligid ko.

Umiwas ako sa naramdaman kong papalapit na bala. Tumingin ako kung saan nanggaling ang bala...napaka galing Harrie...napaka galing.

Tumakbo ako papunta sa kanya pero may mga tauhan na humarang.

Tch. Sagabal naman talaga 'tong mga taong to oh! Inilabas ko ang dagger ko at tsaka sumugod. Para saan pa't naging dagger princess ang tawag sa akin nung bata pa kami?

Hmmm...10...30...50...60. Anim na pu ang humarang saakin.

60 VS. 1, seriously? Makatarungan pa ba ang ginagawa sa akin ng Harrie na to?

Nakipag laban lang ako nang nakipaglaban hanggang sa madaplisan na ako sa kung saan saang parte.

Tch. Time na ata? Inilabas ko na ang natitira kong persyento sa pakikipag laban, 90%.

Yeah, all this time 10% lang ang inilalabas ko.

Nag bright blue and red ang mga mata ko at duon nakita ko ang pangangatog ng mga tao sa paligid ko.

"Empress...are you really gonna do it?" Tanong ng isang tauhan ko. Marami akong back up na dala nuh! Kala nyo kaming apat lang ang pumunta dito?

"Yeah, kelangan e." Sabi ko at gumalaw na ako ng mabilis. Mas mabilis pa kesa kanina, at sa isang iglap lahat ng kalaban ko ay naka higa na sa lapag. Duguan.

"You made me do this uncle." Sabi ko at mabilis na tumakbo papunta kay Harrie.

"Wala naman ganyanan pamangkin!" Sabi nya. Psh. Paawa.

"Ak I stupid to let you out of this place alive?" Sabi ko at tinutok ko sa kanya ang baril ko. Nagulat ako ng may tinutok din syang baril sa sentido ko.

"Isang galaw mo lang patay ka na dito sa baril na to pamangkin ko." Naka ngise nyang sabi.

"Tch. I know that gun like the back of my hand, I was the one who created it. And let me guess, you tried to change some things dyan sa baril na yan. And yet you failed." Sabi ko.

Ang baril na to ay designed as it is. Di pwedeng lagyan o bawasan.

Binaba nya ang baril nya at duon nag mukhang napahiya.

Ipuputok ko na sana yung baril nang naunahan ako, nabaril yung kamay ko dahilan para mabitawan ko ang baril.

Tch.

AYUN NA E! Ayun na e! Mapapatay ko na sya e. Bastos na bumaril na yun.

Tumingin ako sa pwesto kung saan nanggaling ang bala, at syempre isang goon ang nandoon. Pero he looks familiar.

"Drake?" Tawag ko, kase naman! Kamukha nya! Kamukhang kamukha nya!

Umiling ako at duon ko lang napagtanto, kamukha nya lang pala sa angulo na yun, ang pangit naman netong goon nato.

"At saan ka tumitingin? Ako kalaban mo! Ako ang tignan mo!!" Sigaw ni Harrie.

"Attention whore much?" Pang aasar ko. Gusto sa kanya lang naka tingin e.

"What?!" Galit na sabi nya. Denial pa.

Umirap na lang ako sa kanya at tsaka nagpaputok ng baril sa kung saang direksyon. Yea, kung saan na lang. E naasar ako sa pagmumukha nya e. Tch.

The Campus Nerds are the Legendary GangstersWhere stories live. Discover now