17

4.4K 144 3
                                    

Daryl's POV

Nanonood lang ako ng pag-aaway nina Daisy at Nia, dahil baka may malaman ako sa kanya.

Ang kaso nung lumabas na si Daisy ay biglang bumagsak si Nia at parang may kabog sa puso ko na ewan.

"Nia? NIA!" Sigaw nung mga kaibigan nya. Pero bago man sila makarating ay nakita ko na sina Railmer at Vince kasama si Ash (Adonis) na buhat buhat si Nia na walang malay.

Ako naman dito ay nakatayo habang nakatulala at di na napansin ang pag labas nila ng room.

What just happen?

Tumakbo ako at hinabol sila.

Nung maabutan ko ay nasa parking lot na sila at sinakay ni Railmer si Nia sa SUV nya. Sumakay na rin ako sa sasakyan ko at pinaharurot ito para masundan sila.

Habang nagda-drive ako ay parang may kumikirot na ewan sa puso ko.

Nung tumigil sila ay nasa may hospital sila. Ang pinaka mahal na ospital sa lahat ng ospital, pag senior citizen ka na, libre ang iyong check up, at gamot.

Ang TAF Hospital.

Pumasok na sila at sinundan ko naman.

Nung huminto sila ay kinalabit ko kaagad sina Vince.

"What happened?" Tanong ko.

"You'll know." Sabi ni Vince at parang galit saakin. Si Railmer naman ay di ako pinansin.

Do they know? That I have a solo mission?

"Guys, a—" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa dumating yung doktor na galingsa emergency room.

"Tito, ano pong nangyari?" Tanong ni Lyn sa tito nyang doktor.

"Mga hija, mga hijo, tara kayo sa office ko at ipapaliwanag ko ang lagay nya." Sabi nung doktor.

"Daryl, dito ka muna." Sabi ni Railmer at iniwan nila ako sa may waiting area.

"Okay..." sabi ko at umupo.

~~~~~~~~~

Third person's POV

Nang makarating sina Ance sa office ng daddy ni Hiroto ay kaagad silang umupo.

"Dedereretsohin ko na kayo, bumibigay na ang puso ni Nia at yung Pacemaker nya." Sabi ni Fred Ford.

"P-po? Pero bakit po ganun ganun na lang bibigay?" Tanong ni Lyn-lyn.

"Hayy...paano nga bang hindi e nilagay yun 4 years ago kaya no wonder na bibigay yun." Sabi naman ni Ance.

Bata pa lang si Nia ay nakikitaan na sya ng symptoms na meron syang heart failure, tapos nung 14 yrs old sila ay bumigay na ang puso nya at na isipan na lagyan ng pacemaker para ipang support iyon sa puso nya.

"Ang pagkaka alam ko ay tinigil ni Nia ang pag papatingin sa doktor simula nung nawala si Drake." Sabi naman ni Fred.

"Opo Tito, pinapaliwanag nga po namin na sinalo ni Drake yung bala kasi gusto nya na ipagpatuloy ang buhay ni Nia. At ayaw nyang mamatay si Nia sa simpleng bala lang." Sabi ni Railmer.

~~~~~~~~~

Vince' POV

"Bakit kaya kelangan mangyari to kay Nia?" Tanong ko at napansin kong natahimik sila.

The Campus Nerds are the Legendary GangstersWhere stories live. Discover now