16

4.9K 125 29
                                    

Nia's POV

It's been one week since na ospital ako at alagang alaga sila.

Di naman ako nabaldado. Masyado silang nag-aalala.

Naglalakad ako ngayon sa hallway at mukhang walang magawa nanaman ang mga tao dito at nagchichismisan na naman.

Paano nga naman bang di ako pag chichismisan eh naka-alalay saakin si Daryl at si Ken na katatapos lang ng klase nya.

"*Ehem* I can walk Ken, Daryl, don't worry too much." Sabi ko at mukha namang natauhan sila. Pati ba naman ba ikaw? Ken?

"But Mommy, nag-aalala pa rin ako sayo, na baka mamaya e mangyari nanaman po yung nangyari. Ayaw ko na nun." Nag-aalalang sabi ni Ken.

"Ken is right." Pag sangayon ni Daryl sa sinabi ni Ken.

Bumuntong hininga na lang ako kasi ang kulit netong dalawang to.

"Fine, I'll let you, but look around you first." Sabi ko at sila naman at ay sabay na tumingin sa paligid at nag pout.

*chuckle*

"Did you just laugh?" Tanong ni Daryl.

"Nope." Poker face kong sagot

~~~~~~~~~
Daryl's POV

*chuckle*

"Did you just laugh?" Tanong ko kay Nia.

"Nope." At bumalik na sya sa pagiging poker face.

Bumitaw na kami ni Ken kasi nga pinag titinginan kami dito at mukha na kaming tanga.

"Are you hungry?" Tanong ko at tumango silang dalawa.

"Okay, let's go...to the cafeteria, my treat." Sabi ko at hinatak sila. Sa totoo lang ako yung gutom.

Kung tinatanong nyo kung bakit ko niyaya na maging girlfriend si Nia? Well, she's too mysterious for me kaya niyaya ko sya na maging girlfriend.

Sorry Nia pero kailangan ko lang talagang malaman kung sino ka.

Nung dumating na kami sa cafeteria ay pumila agad ako tapos nilapitan ako ni Nia at sinabi ang order nilang pareho ni Ken.

What the fuck? Ilang halimaw ba ang nasa loob ng mga to? Ang dami nun, as in madami.

Nakakahiya naman sabihin to...

Pero...

Nung ako na...

"Umm...2 carbonara, 3 burger, 6 na mineral water sa bote, 3 large fries, 3 large coke float, 1bucket of chicken 8 pieces, also 2 sandwhich. That's all." Sabi ko at nakaka nganga lang si ateng staff ng cafeteria.

"T-that'll be ₱1560 sir." Sabi nya mukhang natameme.

This is the first time na umorder ko ng marami.

Kung di lang talaga kailangan na kilalanin sya ng mabuti edi sana di ko gagawin to.

May nag-utos saakin na gawin tong mga to...isa sa mga higher ranking namin sa Mafia World.

Yes, may mafia dito at ang pangalan ng mafia namin ay ang the White Byakou ang fierce tiger sa lahat ng mafia. At rank two ang mafia group na ito sa mga mafia world.

Ang nangunguna ay ang Red Suzaku ang hot Phoenix sa lahat ng mafia.

Back to story...

Nagpatulong ako sa isa sa mga staff dito at dinala sa table namin.

Umupo na ako at nag pasalamat dun sa staff.

Wow...

"You're not that hungry, right?" Tanong ko sa kanila.

"Daddy, treat mo e. Di dapat tumanggi sa grasya diba? Kaya sinulit na namin ni mommy." sabi ni Ken at sumubo ng carbonara.

"He's right Daryl, don't waste your blessings, that's what my father told me." Sabi ni Nia ng naka british accent at kumagat duon sa burger nya.

Ang arte naman neto, may pa british-british accent pang nalalaman.

Ay, oo nga pala sa England nga pala galing yan.

"Okay..." sabi ko at nag mukhang susuko na.

Bakit kaya naging interesado to para kay Master? I mean, wala namang special sa kanya kung di nerd na mayaman. Tsk tsk.

Kumain lang kami hanggang sa maubos na nila ang pagkain nila at tsaka kami bumalik sa room pero bago yun ay hinatid muna namin si Ken sa classroom nya.

Kailan kaya matatapos tong solo mission ko?

~~~~~~~~~

Nia's POV

You are too naive Daryl.

He's being too obvious with both his words and actions. 

He thinks I'm stupid to agree easily (in dating him). He is wrong. Sa ginagawa nilang yan maaari kong patumbahin ang mafia nila.

Ako ang Phoenix Empress ng Red Suzaku, ang rank one sa mafia world,

Walang makaka talo saakin, kahit na mga magulang ko pa ang lumaban saakin.

Walang wala.

Back to story...

Nandito ako ngayon naka upo sa klase at nag babasa lang ng libro.

Hanggang sa may bumato saakin ng isang bola ng volleyball. At sa ulo pa mismo.

"Hmp! We made banta to you nerd! I told you na layuan mo si Daryl my darling! Ang kulit mo! Pangit ka na nga malandi ka pa!"

And a wild bobo appeared.

Yes, eto kasi ang nangyari nun...

FLASHBACK

Nag lalakad lang ako sa may hallway nang may biglang humablot sa akin at idinikit ako sa pader at sinimulan na akong sampal sampalin... at hinawakan pa ni Rose at Lily ang mga kamay ko...

"Ang landi mo nerd, ginayuma mo ata si Daryl my Darling para maging kayo nuh?" Pagkatapos sabihin ni Daisy yun ay sinampal ako ng akala nya ay malakas at malutong pero para saakin ay parang nadampian lang ako ng hangin.

"I don't know what you're talking about." Simpling sabi ko at tsaka kumawala sa hawak ng dalawa.

"Binabantaan kita Nerd, layuan mo si Daryl kung hindi mananagot ka saakin." Sabi nya at umalis.

END OF FLASHBACK

"Nia!" Sigaw nina Ance, Lhy-lhy, Lyn-lyn at Icka.

Si Adonis naman ay lumapit sa kanilang apat at pinigilan at tinignan na wag lumapat at tinuro ako.

Siguro nararamdaman na nila ang dark aura ko.

"Pfft...is this all you can do?" Tanong ko at nag smirk,

Tumingin ako kay Daryl na mukhang malalaman nya na ata yung sagot. Sorry to tell you Daryl you're not going to find it out that easily.

Lumapit ako sa kanya at kinuha yung bote ng tubig sa katabing table ko,

"You are nothing but a speck of dust." Ani ko at binuhusan sya ng tubig na nanggaling sa boteng hawak ko.

"Urgh! You'll pay for this Nerd!!" Sigaw nya at umalis na.

Tsk! Ang lakas ng loob nya na batuhin ako ng bola sa ulo.

Pero pagkatapos ng scene na yun at bigla lumakas tibok ng puso ko at bigla na lang ng black out.

~~~~~~~~~
Revision finished:
July 17, 2023
18:06pm

Read.Vote.Comment.

Love lots,
RhginueRea

The Campus Nerds are the Legendary GangstersWhere stories live. Discover now