13

5.1K 150 10
                                    

Hi guys! Thank you sa nag comment na si @MaryJoyceBaoas sa last chapter. Dedicated to sayo dahil sa suggestion mo.  (╹◡╹)♡

~~~~~~~~~
Daryl's POV

*Monday*

*RING~~~~*

Napabalikwas ako sa kama ko nang marinig ko ang alarm clock ko.

Tsk. Monday na nga pala ngayon.

Bumangon na ako at tsaka dumeretso sa CR para maligo.

Pagkatapos ko maligo ay nag suot lang ako ng simpleng T-shirt na binili namin kahapon ni Nia, sya pa nga ang pumili e. Sabi nya na ito daw ang suotin ko ngayon, kaya pagdating na pag dating ko sa bahay ay pinalabhan at pinapalantsa kay Nay Flor. Ang mayordoma na nag alaga saakin simula pagka bata.

Tapos naman ay nag suot ako ng ripped pants na kakabili lang din kahapon, pagpasensyahan nyo na. Madami kaming napamili kahapon para kay Ken at saaming dalawa ni Nia.

Tapos ay rubber shoes na dinampot ko lang mula sa shoe rack.

Pagkatapos kong mag bihis ay bumaba na ako para kumain.

"Good morning Hijo, kain ka na bago pa lumamig yan. Tatawagin ko lang ang kapatid mo." Sabi ni Nay Flor at umalis.

Ang kapatid ko, si Shaine Thompson. 15 yrs old pero accelerated dahil matalino, yun ang sinabi saamin ng principal. Pero nag salamin sya at pinalitan nya ang apilyido nya. Ginamit nya ang apilyido ni Mommy. Which is ang Hernandez. Tho wala pang nakaka alam na mag kapatid kami.

"Good morning Kuya!" Sabi ni Shaine.

"Morning." Sabi ko at patuloy sa pag kain.

Umupo sya sa harap ko at kumain na din sya. Kwento lang sya ng kwento hanggang sa...

"Kuya, alam mo ba? May friends na ako sa school, yung tropa ni Nia. Ahehehe ang cool ni Nia..."

"What? You're friends with Nia?" Tanong ko at muntikan ko nag maibuga ang kapeng iniinom ko.

"Yup, bakit kuya? May problema ba dun? Tutol ka ba? Ayoko mawalan ng friends kuya! Wag mo akong ilayo! Wag mo silang patayin! Para mo nang awa! Ayoko nang nag-iisa!!" Naluluhang sabi ni Shaine.

"What the heck are you saying? It's just that I'm shock that my girlfriend is your friend." Sabi ko.

"Ano kuya? Ulitin mo nga yung sa huli!?" Sabi ni Shaine at umakto na parang di narinig.

"Walang ulitan sa bingi." Sabi ko at tumayo na.

"Waaaah! Nag bibinata na si Kuya! Waaah! Magandang balita ito kina Mommy at Daddy." Sabi nya at kinuha ang phone nya pero pinigilan ko.

"Don't, it was supposed to be a surprise." Sabi ko at lumabas na. Anong oras na kaya. Baka malate pa ako no. Kahit na gangster ako at walang hiya (joke) ay pumapasok ako ng maaga. Kasi saktong 8:10 ng umaga ay mag sasara ang gates ng school.

Sumakay ako sa race car ko at pina andar ang makina. Pinaharurot ko ito ng mabilis.

After 20 min.

The Campus Nerds are the Legendary GangstersWhere stories live. Discover now