“L wag ka munang lalabas hangga’t hindi pa nila nalalabas ang mga droga.” Tugon ng kasama ko sa mission na ito.
“Get it.” Sagot ko.
Nandito ako sa abandonadong building kung saan napag-usapan ng dadakpin namin na magtagpo dito para bumili ng mga droga.
Nasa may itaas ako kung saan di nila ako makikita pero kitang kita ko sila. May dala rin akong sniper upang di na sila makatakbo kung sakaling mahimigan nila kami. Marami kaming nakabantay at ang iba nasa labas kung saan nakasakay sila sa isang van at may maliit silang camera na insektong robot kung saan nila nakikita kung ano ang mga ginagawa ng kalaban at sila din ang taga hudyat samin kung kailangan na naming kumilos. Ang iba nasa paligid lamang nagtatago.
“Linabas na nila ang droga. Humanda ka ng kumilos.” Hudyat nila sakin, kaya nagready na ko para patamaan sila kung tumakbo sila. Napapangiti talaga ako kapag bakbakan na.
“Walang kikilos!” sigaw ng kasama ko.
Nagsilabasan na rin ang mga kasama ko at tinutukan sila ng baril. Nagsipag mura ang mga huhulihin namin at nagsikilos sila na lalaban samin, dun sila nagkakamali sa pagkilos kasi hindi nila alam kami ang pinaka matinik dumakip ng mga masasamang tao.
Tinutukan din nila kami ng dala nilang mahahabang baril pinoprotektahan nila ang nakakataas sa kanila. Malas sila kasi kitang-kita ko sila at isang click ko lang tumba na yang lider nila.
Nagsimula na silang magpaputok kaya umatras ang aming mga kasama at pinagbabaril sila halos mga dalawampo silang mga kalaban namin, na patumba na ang anim sa kanila at tumatakbo na ang dalawang lider nila kaya tinutukan ko na ang isang lider nila sa paa ng sniper ko kaya di na naka takbo ang isa at biglang natumba.
Ang isa na lang ang problema ko malapit na siya makalabas sa sirang gate kaya ang ginawa ko kahit nasa mataas ako kumapit ako sa isang kadena at lumipad na ko papunta sa kanya at tinalunan ko siya bago makalabas kaya napatumba siya habang nasa itaas ako ng katawan niyang nakatalikod sakin at kinuha ko agad ang dalawa niyang kamay at pinusasan.
“Nahuli ka rin namin Gonzalo. Ang tindi mo rin magbenta ng droga ha, na
kulong ka na nga noong isang taon at nakatakas di ka pa rin nadadala. Sana inigihan mo nalang ang pagtatago.” Sabi ko sa kanya habang tinatayo ko siya.
“HAH! Humanda ka din sa paghihiganti ko sayo. Lintek lang ang walang ganti.” Nanggagalaiting niyang sagot at nagpumiglas pa talaga. Natawa na lang ako sa kanya.
“Takot naman ako! Ang dami niyo ng nagsabi sakin niyan pero ito pa rin ako at buhay na buhay na dumadakip sa inyo.”
Lumapit ang mga kasamahan ko sakin para kunin ang nahuli ko nagpupumiglas pa siya kahit wala na siyang takas. Tumingin ako sa paligid nahuli na pala sila lahat di man lang ako masyadong pinagpawisan.
Umalis na kami sa abandonadong gusaling yun at dinala na namin sa awtoridad ang mga na huli namin. Habang sa biyahe ang iingay ng kasamahan ko para puriin ako.
“Wow! Grabe ka L lumipad ka pa talaga para mahuli si Gonzalo.”
“Oo nga! Ang astig mo talaga.”
“Idol na idol ka talaga namin.”
“Pwede magpa-autograph?” sabay tawa nila.
“Mga sira! Ano ako artista? Magsitahimik nga kayo at matutulog ako.” nagtawanan lang sila. Di ko na lang pinansin at umidlip na lang muna ako.
Nasa office na kami ni Mr. Velez ang nakakataas sa amin sa SAF(Special Agent Forces) kung saan kami nagtatrabahaho dalawang taon na rin akong nagtatrabahodito bilang isang secret agent.
“Congratulations! Nahuli niyo na rin ang pinakamataas na lider ng taga benta ng droga. Specially you L.” Sabi niya na tuwang-tuwa.
“Wooooh! Manglilibre na yan ng dinner si boss!” sabay nilang sabi.
“HAHAHA! Sige libre ko na kayong lahat.” Nakakatakot talaga itong tawa ni boss kung magsalita din parang kapre ang boses.
“Ikaw L bawal kang umuwi sasabay ka samin.” Tugon niya sakin.
“Syempre naman boss! Libre po yan, di ako tumatanggi sa libre.” Tatawa-tawa kong sagot.
“May ipapasubaybayan sana ako sa inyo sa probinsiya ng samar pero sa susunod na araw ko na lang idedetalye ang lahat. Kumain muna tayo.”
“WOOOHH! Go kami diyan.” Sagot naming lahat.
Pumunta na kami sa restaurant na pinareserve ni boss. Ganang-gana kami habang kumakain, ang sarap kasi paglibre. Laging nanglilibre ang boss namin kapag nagtatagumpay kami sa mga mission namin.
Pagkatapos namin kumain at kwentohan nagsiuwian na rin kami.
May motor ako kaya madali lang akong nakauwi sa apartment ko. Maliit lang naman na apartment kasi nag-iisa lang ako at ang pamilya ko nasa ibang bansa, mabuti na lang din yun kasi delikado ang trabaho ko para sa kanila.
May maliit na din kaming negosyo doon isang spaghetti house pinangalan sa amin ng nakakabatang kapatid ko.
Naligo muna ako at nagbihis. Nanood na rin muna ako ng tv at binalita nga na nadakip na ulit si Gonzalo “the number one drug dealer”. Tuwang-tuwa ako habang nanonood dalawang beses ko na rin kasi siyang na dakip at di pa rin na tututo sa leksyon niya kaya sinecure na ang kulongan niya para di na siya makawala ulit nakatakas kasi yan noon.
Isang taon na naming hinanap ang galing din kasi magtago mabuti na lang at may nakapagreport samin na sa isang liblib na probinsiya nagtatago kaya sinubaybayan namin at dun nga naisipan nilang magdeal ng droga sa isang abandonang gusali sa maynila.
Pagkatapos kung manood na tulog na rin ako.
YOU ARE READING
My Love My Agent ^^^ON-GOING^^^
General FictionA girl agent becomes a bodyguard to a son of a billionaire man. A serious agent meets a happy go lucky man and a hard headed one. How can she protect a happy go lucky man that doesn't like to have a bodyguard specially a girl one? How will she tame...
