Hunter’s POV
“Alam ko naman na kailangan din ng skills pero mas maganda pa rin kung magaganda at sexy ang waitress para mas maraming makaattract na customer. Tingnan mo naman yung kinuha mong isa mukhang mas lalaki pa ata kumilos sa atin at ang pangalan ang ganda sana di nga lang bagay sa kanya.” rekolamo ko.
“Ang customer ba talaga ang iniisip mo ang sarili mo? Dahil kung puro sexy at magaganda syempre favor yun sayo para landiin mo. Meron naman tayong nakuhang mga gusto mo pero ang laki ng reklamo mo sa isang ito. May gusto ka ba dun kay Miss Perez?” pang-asar na tanong ni Nick. Umakyat yata ang dugo niya sa ulo pagkarinig niya sa tanong ni Nick.
“Ano? Wow! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo naman kung anong mga type kong babae ni kalahati di nga umabot sa level ng mga gusto ko at kadiri ka brad, di ako pumapatol sa tomboy.” Nasusuka kong sabi kaya napahagalpak ng tawa si Nick.
“Woooh! Easy di ka na mabiro. Alam kong mga type mo iyong pang FHM na mga babae. Kaya relax kalang di ka naman mamamatay kung kahit isa o dalawa sa mga waitress ay hindi tipo mo, hayaan mo na yun sayang naman kung tatanggalin ko siya qualified siya sa hinahanap natin.” Nakangising sabi ni Nick, di nalang ako tumutol at baka maiinis pa ako lalo.
“Fine! Makaalis na nga lang muna.” Paalam ko.
“Saan ka pupunta? May meeting pa tayo.”
“Magbabar lang ikaw ng bahala sa meeting. Alam kong kaya mo na yan.” di ko na siya hinayaang sumagot at umalis agad at dumiretso sa aking sasakyan.
Dumaan muna ako sa condo ko para makaligo at makapagpalit. Alas singko pa naman, tinawagan ko rin ang iba kong barkada para makasama kong magbar. Pagkatapos kong magbihis diretso na agad ako sa isang Vip Bar kung saan mga mayayaman lang ang pwedeng makapasok.
Ipinark ko na agad ang aking sasakyan at lumakad na papasok. Di pa nga ako tuloyang nakakapasok may bigla agad pumulopot sa aking leeg kaya napahinto na lang ako sa paglalakad at tumingin sa mgandang babae sa harap ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
“Hey, baby I missed your smell. Kailan mo ba ako ulit yayain sa condo mo?” bulong niya sa aking tenga sabay halik doon nakiliti tuloy ako ng kunti.
“Ohh! I missed you too Iya, sama ka na lang sakin dun sa table namin.” Sabi ko.
“I hate you Hunt! I’m not Iya, I’m Amber.” Pagkukunwari niya tampo kaya napakunot ako ng noo.
“Oww! I’m sorry, you know I’m not good in remembering names Amber.” Sagot ko at iginiya na siya sa aming table.
“Yeah! Right but still I want you baby.” Sabi nito na nagpapula sa pisngi nito.
“Okay, later in my condo...babe” bulong ko sa kanya na maslalong inilapit ang katawan niya sakin.
“Wooooh! Get a room, Hunt!” kantyaw ng mga barkada ko at umupo na agad kami sa bakanting upuan.
“Nag-order na kayo?” tanong ko.
“Hindi pa, hinintay ka namin eh. Bakit nga pala ang aga mong nagyaya ngayon magbar?” tanong ni Gon, tinawag ko agad ang waiter at agad namang lumapit kaya umorder na ko bago ko sinagot ang tanong ni Gon.
“1 bottle of Heaven Hill and Old Buck please.” Agad namang tumango ang waiter at kinuha ang order ko.
“Nababagot kasi ako at medyo badtrip.” Sagot ko sa tanong ni Gon.
“Lage ka namang badtrip Hunt.” Sagot din ni Gon kaya napatawa ako.
“Is it about your dad nanaman?” tatawa-tawang tanong ni Coby habang umiinon ng order naming alak, barkada ko rin.
“Don’t mind me.” Sagot ko para di maparami ang tanong kung bakit ako badtrip at naalala ko lang ang mukhang lalaking babaeng yun. “Asan nga pala si Jason?” tanong ko kulang kasi kami ng isa.
“Ewan ko dun, may kinahuhumalingan atang babae at ayaw sumama.” Sagot ni Coby kaya tumango na lang ako.
Nag-inuman na lang kami at nagkwentuhan habang gumagabi na dumadami na rin ang mga tao nagsisimula na rin tumugtog ang Dj ng pangsayaw na kanta kaya ang iba ay napapasayaw na rin. Kahit nga ako ay napapasayaw na rin kaya tumayo na rin kami at nagsimula ng pumunta sa gitna para sumayaw. Si Coby kanina pa nawala at sumasayaw na kasama ang dalawang seksing babae.
Bigla na lang naggrind sa akin si Amber kaya mas lalo akong ginanahan sumayaw. Sa lapit naming dalawa iisipin talaga ng ibang tao na may ginagawa kami but I fucking care kaya mas hinapit ko pa ang bewang niya sa akin para mas lalo siya mapalapit sa kin. Habang nagsasayaw kami may bigla na lang nagdirty dance sa likod ko kaya napalingon ako sa kanya at ngumiti rin hinayaan ko lang siya nag-eenjoy din naman ako at ang ganda may lahi ata tong babaeng to at ang katawan sobrang seksi din niya hapit na hapit ang kulay pulang mini dress na suot niya sa kanya.
Napapahiyaw na ang mga tao sa ganda ng tugtog. May ibinulong ang mukhang foreigner na babae sa akin kaya binitawan ko muna si Amber at mas inilapit ang mukha ko sa foreigner na babae.
“Ano?” bulong ko sa kanya dahil hindi ko masyadong narinig ang tanong niya dahil sa lakas ng music. Bumulong di naman siya sakin.
“Can I have your number?” mapang-aakit niyang bulong sakin.
“Sure.” Binigay niya ang cellphone niya at sabay type at save ng number ko sa cellphone niya.
“Thanks!” tuwang-tuwang sabi nito. “Can we dance?” bulong niya ulit sakin hindi pa nga ako nakakasagot ay bigla akong hinila ni Amber.
“Wait! What areyou doing?” naiirita kong tanong.
“Can we go back to our table? I’m kinda tired na kasi sa kakasayaw.” Maarteng sabi nito.
“Mauna ka na.” Matigas kong sabi kita nitong nag-eejoy pa akong makipag-usap sa kaninang babae. I’m not into one woman and I can change them anytime that I want.
Di na ito nagsalita at umalis na lang bigla at lumipat sa ibang lalaki at nakipagsayaw.
“What a waste...tsk” nasabi ko na lang at tumingon ulit sa dancefloor para hanapin ang kaninang babaeng kausap ko pero di ko na siya makita.
Nagdesisyon na lang akong umalis sa bar at hating gabi na rin naman papasok na ko sa pulang Dodge Dart ko ng may biglang tumawag sa akin na nagpakilabot sakin.
“HUNTER COJUANGCO!” tawag niya sa buo kung pangalan at napamura na lang ako sa sarili ko at lumingon sa tumawag sakin.
YOU ARE READING
My Love My Agent ^^^ON-GOING^^^
General FictionA girl agent becomes a bodyguard to a son of a billionaire man. A serious agent meets a happy go lucky man and a hard headed one. How can she protect a happy go lucky man that doesn't like to have a bodyguard specially a girl one? How will she tame...
