“HUNTER COJUANGCO.” Ulit nito sa buo kong pangalan kaya tamad ko itong liningon.
“Yes Dad.” Sagot ko para matago ang kaba ko dito. Papagalitan nanaman ako nito.
“Nandito ka lang pala at kanina pa ako hanap ng hanap sayo. Kailan ka ba talaga magtitino? Ang tigas tigas ng ulo mo!” Sermon nito sa akin.
“I kow Dad, pwede na ba akong umuwi?” tamad kong sagot para matapos na ang pangsesermon nito.
“Sa bahay ka uuwi ngayon.” Seryoso nitong tono.
“What? Dad, may condo naman ako.” reklamo ko.
“Kung sinabi kong sa bahay ka uuwi sa bahay ka uuwi. Your mom missing you, di ka man lang marunong bumisita.” Pagtataas nito ng tono. Wala na talaga akong magagawa kung yan ang gusto ni dad.
“I missed Mom too. I’m just too busy this day.” Sagot ko na lang.
“Busy? Huh! Yes, you are busy going out with your girls.” Napatiim bagang na lang ako sa inis.
“Stop it Dad! You’re making a scene.” Sasakay na sana ako sa kotse ko ng pigilan ako ni dad.
“Sa sasakyan kita sasakay.” Sabi nito.
“Dad pati ba naman sa pagdadrive bawal.”
Nagpapadyak na lang ako papauntang kotse ni dad na may mga kasamang tatlong bodyguard. Medyo hilo na rin ako ng kunti dahil siguro ito sa na inom ko kanina. Ibingay ko na rin ang susi ko sa isa sa bodyguard ni dad at pumasok na sa loob ng sasakyan ni dad.
May bodyguard din naman ako noon pero tinanggal ko na dahil sa inis ko. Sunod ng sunod at inirereport agad ang mga kilos ko kay dad kaya puro ako sermon. Napapatingin na lang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe pauwi sa aming bahay.
Namimiss ko naman talagang umuwi kaso ngalang tuwing umuuwi ako puro sermon lang ang natatanggap ko mula kay dad. Nanapabuntong hininga na lang ako tuwing naaalala ang mga sermon ni dad.
Flasback~~~
“Mabuti at naisipan mong umuwi ngayon.” Bungad ni dad ng madadnan ako sa sala hindi na lang ako sumagot.
“Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa pagrerebelde mo? Maraming bisis ko ng binayaran ang mga publishing news para hindi lumabas sa diyaryo yang mga kalokohan mo. Alam mo namang makakasira sa kompanya yang pinaggagagawa mo. Kung sana ay pumasok ka sa kompanya at para makatulong ka naman. Alam mo namang ikaw lang ang magmamana ng kompanya ko kung magreretiro na ako. Kailan mo ba ito maiintidihan Hunter?”mahaba nitong sermon.
“I know Dad, I’m just.... not ready to handle the company.”
“Not ready? For God sake! You’re 25 already and pinagbigyan na kita ng dalawang taon para sa mga kalokohan mo kung hindi ka lang sana muntik patayin noong isang taon. Hunter na baril ka mabuti na lang at daplis lang.” Napahilot pa ito sa sentido pagkatapos magsalita.
Tama last year habang pauwi ako sa condo ko ay may biglang nakamotor at binaril na lang bigla ang sasakyan ko. Mabuti na lang at daplis lang sa braso ang natamo ko. Umalis na din naman ito pagkatapos ng tatlong putok ng baril nito. Last year din ako nagpapalit-palit ng ng mga bodyguard kung hindi ko naman kasundo o mas sinusunod pa nila ang utos ni dad at naboboring lang talaga ako sa kanila ay tinatanggal ko na agad.
Isang linggo na rin akong walang bodyguard ngayon kaya siguro pinahanap agad ako ni dad dahil na laman nito na wala ng nagbabantay sa akin.
“Hunter gising na nandito na tayo sa bahay.” Gising ni dad sa akin kaya napatingin ako sa labas nasa bahay nanga ako tiningnan ko rin ang aking relo mag-aalas dos na pala ng madaling araw.
Hindi ko man lang namalayan nakatulog na pala ako. Nag-inat muna ako pagkababa ko at napahikab parang inaantok pa ako. Tatlong buwan na rin akong hindi nakakauwi dito sa mansyon namin namiss ko to. Sigurado akong matutuwa si mommy pagnakita niya ako kaya pumasok agad ako sa bahay para puntahan si mommy ng biglang magsalita si daddy.
“Bukas mo na lang puntahan ang mommy mo at siguradong tulog na yon. Dumiretso ka na lang sa kuwarto mo at matulog ka na mag-uusap pa tayo bukas.” Utos nito sakin.
Umakyat na lang ako papuntang kwarto ko na hindi man lang nilingon si daddy naiirita lang kasi ako. Tama nga naman madaling araw na at sigurado akong tulog na nga si mommy. Pagpasok ko sa kwarto ko ay wala pa rin itong pinagbago kaya pumasok na ko ng banyo para maligo muna bago matulog.
Pagkatapos kong maligo ay tiningnan ko ang mini ref na nasa kwarto ko at nauhaw ako bigla mabuti at may laman pa ito. Nakakatamad din kasing bumaba para pumunta lang ng kusina para uminom lang ng tubig. Kumuha agad ako ng mineral bottled water at isang tsokolate na rin at nakaramdam ako ng kunting gutom.
Pumwesto agad ako sa kama ko ng matapos na akong kumain. Namiss ko tong kama ko kaya nagpagulong-gulong muna ako.
“Waahh~~ ang sarap talagang bumalik dito kung hindi ngalang puro sermon ang makukuha mo.” Nasabi ko na lang.
Papayag naman talaga akong pamahalaan ang kompanya hindi pa ngalang ako handa sa ngayon kasi hindi pa naman uugod-ugod ang tatay ko. Kayang-kayang pa nitong pamahalaan ang kompanya hindi ko nga lang maintindihan kung bakit pilit ito ng pilit na magtrabaho agad ako sa kompanya.
Ang gusto ko lang talaga ngayon ay mag-enjoy ng mag-enjoy. May nabasa kaya ako sa isang magazine na ito ang nakasulat by Charles Spurgeon, "It is not how much we have, but how much we enjoy, that makes happiness." Di ba? Tama naman, aanhin mo ang kayamanan mo kung hindi ka naman mag-eenjoy sa buhay mo. Nakaka-stress kaya sa opisina ayaw ko namang biglang tumanda ang mukha ko sa kakatrabaho ko sa kompanya. Syempre naman my face and my body are my assets kaya hinahabol ako ng mga babae sa gwapo at ganda ng katawan ko.
Hanggang sa nakatulogan ko na lang ang pag-iisip ko.
YOU ARE READING
My Love My Agent ^^^ON-GOING^^^
General FictionA girl agent becomes a bodyguard to a son of a billionaire man. A serious agent meets a happy go lucky man and a hard headed one. How can she protect a happy go lucky man that doesn't like to have a bodyguard specially a girl one? How will she tame...
