HI!!! LIBRAMHALDITA^_____^
ANG PAGPRONOUNCE PO NG “ELIZA” AY E-LAY-SA PO. MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA^___^
-----AIRE
L’s POV
Pagdating ko sa SAF ay dumiretso agad ako sa office ni Mr. Velez at kumatok sa pintoan, pagkarinig ko ng pasok ay pumasok agad ako at nagulat na kami lang dalawa. Hindi pa siguro dumadating ang iba kong kasamahan maaga pa naman. Dumiretso lang din naman ako dito pagkatapos ng interview ko kanina.
“Good Morning Boss.” Pagbati ko at tumango lang ito ang seryoso talaga ni boss. “Asan nga po pala ang iba?” tanong ko pagkaupo ko.
“Ang totoo niyan Eliza, ikaw lang talaga ang pinatawag ko. Actually this is very important.” Sabi nito. Eliza ang tawag ni boss sakin kapag napaimportante talaga ng ipapagawa niya sakin.
“Ho? Tungkol po ba ito yung sa samar?” tanong ko.
“Hindi.” Simpleng tugon nito napakunot tuloy ang noo ko nalilito ako kung hindi ito tungkol sa samar. Tungkol naman kaya saan ito?
“Alam mo namang ikaw ang pinakamagaling kong tauhan dito kaya gusto ko itong ipaubaya sayo.” Simula nito ng hindi na ako umimik.
“Ano po ba ang ipapaubaya niyo sakin boss?” tanong ko.
“Importanteng kliyente kasi ito, ang kumpare ng kapatid ko humingi ng favor sakanya kung pwede sakin na lang kumuha ng tauhan. Pumayag naman ako kasi matagal ko na ring kilala ang kliyente natin at marami na ring naitulong, kaya napapayag agad ako at ikaw ang napili ko para sa mission na ito.” Mahaba nitong paliwanag sakin napatango tango naman ako.
“Ano po bang dapat kong gawin boss?”
“Simple lang naman maging isa kang---” biglang nagring ang telepeno kaya naputol ang sasabihin nito at sinagot nito ang telepono. “Sagutin ko lang ito.” Sabi ni boss at tumango lang ako.
Nakakabitin naman ang sasabihin ni boss may tumawag pa kasi. Nakakaba tuloy ang misyong ito parang hindi maganda sa pakiramdam. Pagkatapos ng tawag ay tumingin uli si boss sa akin at itinuloy na ang naputol na sasabihin ni boss.
“Bodyguard.” Sabi nito.
“Ano pong bodyguard?” tanong ko na nagpakunot lalo sa noo ko.
“You will be a bodyguard sa anak ng napakayamang tao.” Napabuga na lang ako ng hininga, hindi ko to inaasahan maging isang bodyguard?
“Pero boss gusto ko po ay dumakip ng mga masasamang tao at magmatiyag, hindi magbantay ng isang anak ng mayamang tao.” Reklamo ko.
“Wala ng pero pero Eliza, mahalaga ito kaya ikaw ang napili ko.” Seryoso nitong tugon na mala kapre ang boses sa baba nito kaya wala na akong nagawa kundi pumayag sa gusto ni boss kahit labag sa loob ko. Haisst! KAINIS!
“Sino po ba ang babantayan ko lalake po ba o babae?” tanong ko na lang. Kung magiging babae ito sigurado akong maarte ito dahil anak mayaman, kung lalake naman sana hindi matigas ang ulo.
“Lalake ang babantayan mo magkasing edad siguro kayo or mas matanda sayo ng dalawang taon. Anak ito ni Mr. Cojuangco at dapat 24/7 ang pagbabantay mo sakanya dahil natatakot si Mr. Cojuangco marami kasi silang natatanggap na mga death threat. Noong isang taon kasi nabaril ang anak niya mabuti na nga lang at daplis lang ang natamo.” Paliwanag nito.
YOU ARE READING
My Love My Agent ^^^ON-GOING^^^
General FictionA girl agent becomes a bodyguard to a son of a billionaire man. A serious agent meets a happy go lucky man and a hard headed one. How can she protect a happy go lucky man that doesn't like to have a bodyguard specially a girl one? How will she tame...
