"Ay Maan. Ikaw pala yan. Akala ko kung sino na. Hehe" sabi ko kay Maan.

" bakit parang ang lalim ng iniisip mo ha? May problema ka ba?" Sabi ni Maan sakin.

"Ha? Ah eh wala. Anu ka ba? Kala ko ba kilalang kilala mo na ko. Ganito naman ako palagi pag papasok sa school diba. Always groggy. Gusto ko pa kasi matulog eh. Haha" sabi ko.

"Antukin ka talaga. Bagu bago din aba. More energy mas happy. Nga pala nabalitaan ko nag rent ka raw ng dorm sabi ni Lloyd ah. Nabalitaan nya raw sa nanay mo. San dorm mo rito? Punta kami mamaya. Movie trip tayo." Sabi ni Maan.

Oh Sheep. Hindi nila pwedeng mabisto mga ginagawa ko ngayon. Mahirap pag nabulilyaso ako. Malaking problema.

"Ha!! Ah eh.. hindi maan. Ang totoo nyan eh humanap lang ako ng paupahang bahay. Namahalan kasi ako sa Dorm eh. Kailangan ko kasi. hindi pwedeng pauwi uwi ako sa cavite dahil may thesis nga kami. Dapat always present kapag gagawa kami ng mga kaklase ko kaya naisipan naming lahat na mag dorm malapit sa school. Nagpaka praktikal lang ako kaya paupahang bahay na lang ako. Wag nyong sasabihin kay ermat ah. Please." Dahilan ko kay Maan.

"Ah ganun ba. Oo sige walang problema. Hehe to naman oh. Sige papa aalalahanan ko na rin si Lloyd na wag sabihin sa nanay mo." Sabi sakin ni Maan.

"Hehe salamat Maan. Bestfriend talaga kita." Sabi ko na may segwey na yakap. Papuntos lang.

"Hehe malakas ka sakin eh. Eh teka san ba dito yung inupahan mong bahay? Punta kami mamaya. Tambay muna kami dun bago umuwi." Sabi ni Maan.

"Ay naku anung oras na? Magsisimula na klase ko. Sige Maan kitakits na lang ulit. See you when I see you. Hehe bye" sabi ko kay Maan sabay takbo.

Wala ako sa kundisyon mag isip ng alibi at hindi pwedeng malaman ni Maan na may kasama akong babae sa inuupahan kong bahay. Ayokong magbago tingin nya sakin and the same time, ayoko talagang malaman ng ibang nakakakilala sakin kung anu mga pinag gagagawa ko nitong mga nagdaang araw. Apat na oras din akong nagklase sa tatlong sunod sunod na subjects ko. Maganda kasi walang vacant at sulit ang oras. Ayoko rin kasi tumambay. Inaantok lang ako pag ganun. Pagkatapos ng huli kong klase, nag decide na kong umuwi. Habang naglalakad ako, eh nakasalubong ko pa ang isang tropa ko. Si Lloyd. Patay ako nito.

"Oh pre. Uuwi ka na? Its not like you men. Tara Dota muna." Sabi ni Lloyd.

"Ah eh pre wala akong bakanteng oras ngayon. Gagawa pa kasi kami ng thesis ng grupo namin eh. Sige mauna na ko ah. Next time na lang tayo magdota brad." Sabi ko sa kanya.

"Huh? Teka may sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo? Himala tinanggihan mo ang Dota" sabi ni Lloyd.

Napansin agad ni Lloyd na may parang kakaiba sakin. Hindi kasi ako tumatanggi pag nagyayaya sila ng mga tropa ko na mag dota kami since high school. Parte na rin kasi talaga ng buhay ko ang Dota eversince. Isa na rin kasi to sa mga way namin para mag bonding kaya laking pagtataka na lang nitong mokong na to nung tumanggi ako.

"Busy talaga kasi tol. Napepeste nga ako eh. Gustong gusto ko maglaro pero di talaga pwede. Di bale next time talaga rak tayo whole day dota. Sige tol sibat na ko." Sabi ko kay Lloyd.

Nagmadali na ko. Hindi ko na sya hinayaang magtanong pa tungkol sa inuupahan ko. Baka mangulit at sumama pa sakin. Mabisto pa ko. Pag uwi ko, naabutan ko si Liza na naglilinis ng bahay. Parang gusto ko maiyak sa tuwa. Kulang na lang sumigaw ako ng "Honey im Home". Napaka linis bigla nung bahay. House wife material bigla ang naging tingin ko sa kanya. Swerte magiging asawa nito sa future kung wala lang sapak sa utak to eh.

"Oh nandito ka na pala. Wala kasi ako magawa kanina pa eh. Kaya naglinis na lang muna ako ng bahay." Sabi ni Liza.

"Pansin ko nga. In fairness ah. Naging bahay talaga ng tao tong inu upahan natin. Hehe nice one Liz. Oh eto bumili na ko ng lutong ulam at kanin. Pasensya ka na ito lang kakainin natin ah. Wala na kasi akong oras para magluto pa eh." Sabi ko.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now