Chapter XVI : Welcome back

3.7K 159 7
                                    


Dedicated to : SungKingPluma





Nicah's POV




"Nicah! Gumising ka na. Ikaw na naman ang mahuhuli sa atin. Bilisan mo." Nakakainis, ako nanaman ang mahuhuli. Bakit kasi ako ganito? Magbagong buhay ka na Nicah.





Sumulyap ako sa bintana at nakita kong nasa labas na sila. Ang grupo namin at grupo ni Drylle. Bilisan mo Nicah. Kinuha ko na ang aking mga gamit at bumaba na. Pagkababa ko ay nakita ko si Drylle na nasa sala na nagbabasa ng libro. Ayaw talaga niyang tumulong, hayaan na lang natin yan. Sumulyap siya sakin kaya inirapan ko siya. 


Lumabas na ako pero huminto muna ako sa puno kung saan ako nagatulog para suminghap muna ako ng fresh air bago umalis.






"Ginawa mo rito?" Tinignan ko ang nagsalita. Ang lalaking gumising sakin

"Uy, Mr. Disappear nagappear ka ulit ngayon," sabi ko sa kaniya at tumawa ako

"I see, aalis na kayo?" Tanong niya

"Yeah. Our friend really needs us now," sabi ko

"Why? What happened?"

"Napoison siya. Kaya ang mga galing sa Kingdom of Darke lang ang makakagamot sa kaniya," sagot ko sa kaniya

"Then the group of Prince Drylle will do," sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Yung group niya, oo. Pero siya? Tsk, he doesn't have any mercy at all. Hindi nga nagbago isip niya. Kung nagbago sana isip niya sana sumama na siya sa amin pero hindi eh nasa loob nakaupo at walang pake," sabi ko sa kaniya at tumawa siya.

"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kaniya

"Ganyan talaga si kuya, I mean, Prince Drylle. Masungit siya pero mabait yan deep inside kaya I'm sure baka magbago isip niya," sabi niya kaya nagtaka ako.

"Paano mo nasabi yan? Bakit close kayo?" Tanong ko sakanya.

"Hindi, pero nararamdaman ko."

"Nicah!"   Rinig kong tawag nila sa akin

"Sige, una na ako tinatawag na nila ako," paalam ko sa kaniya.

"Sure. Have a safe trip," sabi niya at kumaway ako kaya naiwan ulit siya roon Tumakbo na ako sa kung saan sina Denise






Napansin kong galit ang mga mukha nila kaya itinaas ko ang dalawa kong kilay kaya napabuntong-hininga na lang sila.




"Oh, wala ka nang naiwan?" tanong ni Denise sa akin kaya tinignan ko ulit ang aking mga gamit. Wala na akong naiwan kaya umiling ako at nakuha naman nila agad.






[ 1 hour later ]






Hindi ko na kayang maglakad. Kanina pa kami naglalakad dahil ayaw ni Jerome na gamitin ang abilidad niya kaya naiinis ako sa kaniya.



"Uy Jerome! I-teleport mo na lang kasi kami. Hirap na hirap na kami." Reklamo ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig kaya binato ko siya ng bato.

"Aray! Gusto kong maglakad, bakit ba?!"

"Sabihin mo, gusto mong maglakad dahil kung hindi na kaya ni Clara ay bubuhatin mo siya at magkakaroon kayo ng moments. Hoy! Kailangan na tayo ni Riza!" sigaw ko sa kaniya  kaya nagstop kami. Bwisit tong lalaking to. Kung anu-ano iniisip.

"Tama nga naman. Jerome, your friend really needs our help," pagsang-ayon ni Ylla sa akin. Phew. Buti pa siya, kahit hindi pa kami masyadong close, nag-aalala siya kay Riza. Grrrrr Jerome.

"Fine. F-I-N-E." sabi ni Jerome kaya tineleport na kami pabalik sa academy.





Nakita namin na naghihintay si tita sa labas kaya kumaway siya sa amin kaya kumaway rin kami pabalik.






"Welcome back to Mystique Academie."





"Headmistress, paano niyo nalaman na darating kami ngayon?" tanong ni Denise kay tita.

"King Damien told me," sagot ni tita kaya tumingin siya sa mga kaibigan ni Drylle.

"Welcome to Mystique Academie," bati ni tita sa kanila at nakipagkamay. Napawi ang ngiti sa mukha ni tita nang may hindi siya napansin.

"Where's Drylle?"

"Ayaw po niyang sumama. Mas pinili niyang manatili roon," paliwanag ni Leo kay tita kaya tumango nalang si tita.

"Magpahinga muna kayo. Tatawagin ko na lang kayo kung magsisimula na kayo," sabi ni tita at umalis na siya kaya sinundan namin siya.

"So, kayong mga lalaki sumama kayo sa amin. Malamang lalaki kayo kaya hindi kayo sasama sa mga babae," sabi ni Jerome at inakbayan sina Leo kaya naghiwalay na ng landas ang grupo naming mga babae at grupo nina Jerome.


"Let's go girls."








Roommate ni Ylla si Clara kasi bago lang sila at wala pang kasama si Clara. Nakarating na kami sa room namin. Dumiretso ako agad sa kwarto ko at tumalon ako papunta sa aking kama.



Bumangon ako at umupo ako sa study table ko habang nakatitig sa family picture namin. Namimiss ko na sila. Sila Mom at Dad. Ang twins especially ang mga pranks nila. I hope they're doing well at safe sila.






It is my first to separate with them pero I will do my best just for them. Huminga ako ng malalim at napatingin ako sa kisame. I need to know my ability. Tatayo na sana ako nang napansin kong umilaw ang crystal na ibinigay ni lola. Hinawakan ko ito at biglang sumakit ang aking ulo .







[Blaire's dream]

"Paano mo yan nagagawa?"

"Ma'am, she is a monster"

"Hindi, hindi ako monster. Mabait ako."

"W-what are y-you doing?" tanong ng teacher nila habang nilalayo ang mga estudyante sa kaniya

"Students get out of this classroom," tumakbo lahat ang mga bata palabas sa classroom pero umiiyak pa ang bata.

"I said I am NOT a MONSTER!!" Sigaw ng bata at biglang yumanig ang classroom nila kaya nagsigawan ulit ang mga bata.

Patuloy pa rin at pagyanig, sumigaw ang bata at nasira ang mga bintana at nagkaroon ng crack ang blackboard, walls at ang sahig. At inihahagis ng mga upuan at gamit

Hindi pa rin siya iniiwan ng guro nila. Pinapakalma siya ng guro nila pero patuloy parin ang paghagis niya ng mga gamit.

"Now, because of you---"

"----I've become a MONSTER"

"Nicah! Nicah!Nicah"






"Nicah, wake up."




Huh? May tumatawag sa akin? Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Denise sa tabi ko kaya nagising ako.



"Nakatulog ka na naman. Pinagpapawisan ka pa, binangungot ka ba?" tanong ni Denise at hindi ako makasagot.

"Anyway, pinapatawag na tayo ni headmistress kaya tara na." Lumabas na si Denise kaya sinandal ko agad ang aking ulo sa sandalan ng upuan.








Who's that child? Again? I have a similar dream. It is haunting me.









Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]Where stories live. Discover now