Chapter X : Mission

4.4K 214 56
                                    

Nicah's POV



[Next Day]



Hindi ako mapakali dahil ngayon na magsisimula ang misyon namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nakaayos na lahat ng gamit naming tatlo sa sala.

"Ready na ba kayo?" Tanong ni Riza

"Yep/Yes," sagot namin ni Denise.





Kailangan naming gumising ng maaga para maaga rin naming mahanap ang nawawalang princessa. Malamig ang simoy ng hangin ngayon kaya napahalukipkip na lang ako. Nandatnan naming nakatayo ang mga lalaki at nang marinig nila ang aming mga yapak ay bumaling sila sa amin.



"Students. Mag-ingat kayo ha? It is quite dangerous out there. Sana umuwi pa kayo na buo," sabi ni tita. Pinatawa muna kami ni tita para siguro mapawi kaunti ang kaba namin 


"Ofcourse headmistress," sabi ni Riza 

"I will only give you three days, okay? Kung hindi niyo pa siya nahahanap pagktapos ng tatlong araw ay bumalik kayo agad dito para ituloy na lang ng mga forces," sabi ni tita at tumango kami

"Tara na?" tanong ni Jerome

"Sige po headmistress, mauna na kami," sabi ni Clark at kumaway kami kay tita

"Nicah. Be careful. Just believe in yourself," sabi ni tita at ngumiti siya kaya tinignan ko si tita ng sure-I-can-do-it look.

"Oh. Walang hihiwalay. Hindi kayo ang hahanapin namin," babala ni Jerome sa amin

"Better be not," sabi ni Zhen na parang nagagalit.




Sumulyap siya sa akin. Ano akala niya sa akin ha? As if namin na magsosolo ako, natatakot din kaya ako. Hindi ko na lang siya pinansin at nilapitan sina Riza.




"Dito tayo magset-up ng tent natin." Nandito kami sa malapit sa lake. Ang ganda ng view. Hindi naman siya masyadong delikado pero alam kong delikado pa rin kahit gaano pa kaganda.


"Boys dito. Doon kayong mga girls," sabi ni Jerome sabay turo sa isang pwesto na masikip dahil maraming punong nakatayo habang ang pwesto nila ay malawak dahil tabi lang ng lawa. Ang daya naman. Napaawang ang mga bibig namin kulang na lang ay suntukin ni Riza si Jerome.

"No, dito rin kami," sabi ni Riza at naghalukipkip. Lumapit naman si Jerome sa kaniya.

"Oh really? Royals kami at kami ang masusunod. Kaya huwag ka," sabi ni Jerome kaya lumaki ang mga mata ko nang marinig ito kay Jerome. Kahit isa akong royal, hindi ko kayang sabihin iyan sa iba. Ako ata ang susuntok sa kaniya eh.







Hindi ganyan ang maging isang royal, Jerome. Don't look down on people na hindi royal. Napansin kong napaawang ang bibig ni Riza at hindi ko masisisi si Riza kung masusuntok niya ng napakalakas si Jerome.





"What the hell? So gagamitin mo ang pagkaroyal mo, niyo? Well sorry ha kung hindi kami royals. Sorry kung ordinaryong tao lang kami." nagagalit na sabi ni Riza at in-emphasize niya ang "ordinaryong tao".




Nagwalk-out si Riza pero ni isa sa amin ay walang humabol sa kaniya. Hindi pa rin nawala ang gulat namin sa mga nasabi ni Jerome. I can feel na hindi naman niya iyon sinadya, I know that he is not that type of a royal na ipagmamayabang ang pagkaroyal niya



Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя