2. Knight In Shining Armor

13.7K 243 0
                                    

"LET'S get a room, Babe," Eric murmured while kissing Karen. At gusto niyang mapangisi nang marinig niya ang sinabing iyon ng bagong playmate niya. Iyon na kasi ang ine-expect niya na sasabihin nito sa kanya kapag natapos ang mainit na paghahalikan nilang dalawa.

Itinigil niya ang paghalik dito saka itinuloy na ang kagustuhan niyang ngumisi sa harap nito. "You want?"

Napakagat-labi ito na tila ba takam na takam sa isang pagkain sa harap nito. Nakaramdam siya ng kaunting kaba dahil sa ginawa nito pero dahil sanay na siya sa mga ganoong klase ng lalaki, inalis niya iyon. She could handle Eric. Katulad lang din ito ng mga lalaking madalas na nakikipaglaro sa kanya na once na mahalikan siya ay nagle-level-up ang klase ng larong gustong gawin. "Definitely,"

Sandaling kunwaring nag-isip siya at tumingin sa labas ng bar kung saan nandoon sila saka tumingin sa wrist watch niya. "It's late,"

"I know. But I promise you, it would be perfect and wild," ngumisi pa ito ng nakakaloko.

Kanina pa sila sa bar na iyon at dahil ang primary na drinks na sine-serve doon ay mga hard drinks, malakas ang suspetya niya na lasing na ito. Eric was a newly acquired playmate. Isang linggo pa lamang silang nagkakilala at alam niyang nahumaling na ito nang husto sa kanya. They date today in the bar dahil sinabi niyang gusto niyang makipag-date rito doon. He willingly obliged kahit kakagaling pa nito sa trabaho bilang doctor ng isa sa mga pinakamalaking ospital sa Pilipinas. Ngayon na kasi ang plano niyang pakikipagkalas dito dahil pakiramdam niya ay malakas na ang tama nito sa kanya. Pero ngayong araw ay mukhang hindi lang sa kanya ang malakas ang tama nito, pati na rin sa alcohol na ininom nito. Nakakatatlong baso pa lamang ito ay namumula na agad ang mukha nito. Samantalang siya ay naka-anim na yata pero wala pa rin bakas ng pagkalasing na makikita sa mukha niya. Thank God for giving her a gift of being an alocohol tolerant dahil nakakaya niya pang h-um-andle ng mga ganoong sitwasyon kahit marami na siyang nainom.

Nakakilala niya si Eric dahil sa isang kaibigan. Na-tip nito na isa rin ito sa mga malalarong lalaki kaya naman agad na nilapitan niya ito. At mukhang na-hook agad ito sa charms niya. Well, hindi na niya ipagtataka iyon dahil conceit aside, she knew she had an enchanting beauty and she had a sugary effect on men kahit sa kabila ng mga kalokohang ginawa niya kay Eric bago pa man nangyari ang araw na iyon. Dahil kung hindi, hindi siguro siya babansagan ng mga tao bilang the man-killer. But of course, she was just a killer to them emotionally and sometimes...physically.

She became a man killer physically on the times that she had to refuse what they want from her. At mukhang isa na naman ito sa mga times na mangyayari iyon.

"I'm sorry, Eric, hindi ko napansin ang oras. Nakalimutan kong kailangan ko nga palang umuwi bago mag-twelve o'clock."

What an alibi, Karen? Napaka-common, ha? Sigaw ng isang bahagi ng isip niya.

Well, wala akong maisip na magandang alibi. Saka mukhang kakagat naman agad itong si Eric dito. He's like a puppy. Madaling utuin,

Or so you thought...

"Girls like you don't have curfews. Don't go, Karen. Or you'll kill me," he said and pressed his body against her. And she could feel a part of him that as hard as a stone.

Ito talaga ang sinasabi kong physically killing a man.

She wants to puke right at that moment. Eric is so gross!

Lumayo siya dito bago pa niya masukahan ito. "I really am going, Eric. Thanks for the night,"

Pero bago pa siya tuluyang makalayo dito ay nahawakan na nito ang braso niya dahilan para makaharap na naman niya ito at nahapit pa lalo ang katawan niya dito. "I'll prove to you that I am a very good lover. You'll enjoy the night if you'll be with me," pangungumbinsi pa nito sa kanya.

Napapikit siya sandali dahil sa pagiging makulit nito. Kinalma niya muna ang sarili niya bago muling magsalita dito pero bago pa siya makapag-isip ng susunod na sasabihin ay napamulat siya dahil sa kapangahasang ginawa nito sa kanya. Her Chinese eyes widened as the man squeezed one of her boobs! She immediately slapped him on the face.

"What the---" kung ang akala niya nang una niya itong makita ay para lamang itong tuta na madaling utuin, nang makita niya ang galit na anyo nito ay para na itong hari ng mga leon at siya naman ay ang langgam na kayang-kayang tapakan nito.

Hinawakan nito nang mahigpit ang kamay niya at bago pa siya makapiyok ay kinaladkad na siya nito palabas ng bar. Ilang beses niyang sinubukang makalaya sa mala-bakal sa lakas na kamay nito pero kahit yata anong kurot at kalmot niya dito ay manhid ito. Ilang beses rin siyang sumigaw para humingi ng tulong pero dahil malakas ang ingay sa loob ng bar at busy ang mga tao sa mga ginagawa ng mga ito ay walang nakapansin sa nangyayari sa kanilang dalawa.

Kinakabahan na talaga siya lalo na at nang hindi makapa ng isang kamay niya ang pepper spray sa loob ng bag niya. What will happen to her now? Ito na ba ang consequence niya sa ilang buwang pagiging malaro niya sa mga kabaro ni Eric?

No! I won't let anything happen to me. I may love playing with their kind but I know my limits.

Hinahanda na niya ang sarili niya para sa technique na huling naiisip niya para makawala dito. Hindi niya sigurado kung magiging effective ba iyon but she was hoping it would. Iyon na lang ang huling alas niya.

Inilagay niya ang dalawang daliri niya sa gilid ng leeg nito. Nabitawan siya nito ay bumagsak sa lupa.

Napangisi siya nang makita ang itsura nitong nakahandusay sa sahig. Iyon ang isa sa mga natutunan niya noong minsang maligaw siya sa Japan at mag-aral ng self-defense. She got Eric paralyzed...for a minute.

Pero napakunot noo siya nang makitang gumagalaw pa ang ulo nito at mga kamay na tila hindi naman naparalisa sa ginawa niya. Dapat ay hindi ito makakagalaw dahil sa ginawa niya pero bakit...?

Napataas siya ng tingin nang makitang mukhang hindi yata siya ang may kagagawan ng pagbagsak ni Eric kundi ang isang lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon.

Oh, a knight in shining armor. Nasa fairytale na ba ako? 

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockWhere stories live. Discover now