“Alam ko naman hindi mo kayang ibalik sakin ang nararamdaman ko para sa’yo” hinawi ko ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko
“I’ve had enough 4 years. 4 damn years sa’yo lang umikot ang mundo ko siguro ngayon tama na ang pag papantasya ko na pwede mo kong mahalin alam ko naman na hindi talaga dahil dito sa itsura ko sino ba naman ang magkakagusto sa panget na tulad ko diba?” tumawa lang ako ng pilit at di pa umabot sa mga mata ko
Ayoko na maging MARTYR
TAMA NA!
Hindi na dapat umikot ang mundo ko sa kaniya
4 years…
Mahaba na masiyado yun para sa one sided love na ‘to
Kailangan ko ng mag move on
Kailangan kong umalis..
Para hanapin ang mga piraso ng sarili ko
Na unti unting nabasag dahil sa
Pag-ibig ko sa kaniya
Siguro ngayon dapat isipin ko muna ang sarili ko…