Chapter 2 BLAST FROM THE PAST

414 16 1
                                    

“wow! Ang ganda naman” sa wakas nakuha ko na din yung gown ko na gagamitin para sa kasal ni kuya grabe malapit na 1 week nalang excited na kami hahaha

“alex nga pala mag ayos ka na ng gamit mo ah kasi bukas pupunta na tayo sa beach”

“ah! Oo ate celine (naks ate na hahaha) nakapag ayos na ko ng mga gamit ko”

“ay oo nga pala alex iba na nga pala yung partner mo kasi yung pinsan ko naaksidente eh nagka fracture yung paa niya kaya yun di na siya makakpunta sa wedding kasi kailangan din siya operahan para lagyan ng bakal yung paa niya, pero yung magiging bago mong partner pinsan ko din yun galing sa states kaya mga 3 days before the wedding pa siya makakasunod sa beach”

grabe ang malas naman yung isa niyang pinsan mabait pa naman yun pero hmm dami niyang pinsan ah pogi kaya yun? Siguro naman kasi maganda din siya eh ahahaha

“ahh kawawa naman pala si joseph sana maging okay na siya”

“oo nga eh, ay teka lang ah natawag si franco eh”

Si kuya naman andun lang sa kwarto niya tumawag pa ang arte talaga nun

_____________________________________________________________________________________

“wow! Ang ganda naman dito” ano ba tong si Isabelle parang ngayon lang nakapunta sa beach hahaha

“minsan kasi bumaba ka sa bundok di yung laging asa taas ka ng puno” nako eto nananaman tong si kuya JI naghahanap nanaman ng away tarantado talaga to eh

“aba, ayos ah nagsalita si kiko matsing!” ayan na away nanaman yan bahala na nga sila jan maka alis na sa tabi ng dalawang to maiwan ko muna sila mas maigi pa

“chloe! Come let’s walk” laruin ko na muna tong pamangkin ko mas maganda pa

“okay tita!” ang cute niya talaga 3 years old palang si chloe at sobrang straight niya magsalita di bulol yung iba kasing bata 3 na di pa marunong magsalita ng diretso

Sarap talaga sa tabi ng beach sarap ng simoy ng hangin hmmmmmmm…….

“tita can I run?”

“okay, but don’t go too far and just go where the water touches your ankle”

“okay tita” ang cute talaga ng pamangkin ko nag smile pa siya

Takbo dito takbo dun dib a napapagod yung batang yun hahahaha pano sa higpit ba naman ng nanay niya eh baka di niya nagagawa yun grabe kasi yung si ate dati naalala ko

“ahh…. Kala mo ha maaabutan mo ko? Hahahaha asa ka B1!” (kuya JI) kala netong mokong na to matatalo niya ko hahahaha walang makakatalo sakin pagdating sa racing hustler ako dito

“aaaaaarrrrrrrrggggghhh hoy alex! Nandadaya ka lang eh” sus! Makaakusa to eh sadyang bano lang naman talaga

“AAANNNDDD NO. 1!!! Hahaaha in your face” kala mo mananalo ka sakin eh hustler ko dito

“hoy! Bayad na, ako nanalo eh” lulusot pa eh kala mo naman di niya ko maiisahan matalino man ang matsing naiisahan parin hahaha

“magbabayad lang ako pag natalo mo si JE” nandamay ka pa ah asa naman kayong bananas in pajamas na manalo laban sakin

“Sa tingin niyo ba matatalo niyong dalwa tong si Alex eh ako nag training diyan hahaha” oo tama ang kuya naming si kuya dom ang nagturo sakin pano kasi yung bananas in pajamas di nila ko dati tinuturuan kasi silang dalawa gusto nilang sulohin ang playstation

“sus! Isama mo pa yan si B2 pag ako nanalo ulit doble na bayad niyan ah!” tignan natin ang mga galing niyo mga mokong

“sige si JI magbabayad basta maglalaro lang ako” kuripot talaga to kahit kelan

“oo na basta talunin mo yang si alex ako na bahala sayo” ha bahala ah sige simulan na ang laban

“ALEX! JE! JI! Kakain na tama nay an” putek di pa pwede baka matalo ko neto wrong timing naman tumawag to si ate

“yes yes yes malapit na! magbabayad kayo mga kumag! Hahahaha” wala kayong ligtas bananas in pajamas magsama pa kayo hahaha

“ALEX! JE! JI! DOM!! Kakain na tama nay an” takte talaga di pwede eto na eh

“TEKA ATE! MATATAPOS NA KAMI!” sabay sabay pa kami nagsalita niyan pano dikit ang laban

“ANO BA!! DI TALAGA KAYO BABA DIYAN? SIGE! PAG DI PA KAYO BUMABA DIYAN NGAYON DI KAYO KAKAIN NGAYONG GABI” ahh putek ayan na nagalit na ang dragon hahahah

Grabe sa takot naming tatlo di na naming tinapos yung game bahala na si batman kung sino dapat ang nanalo mas nakakatakot magalit si ate kesa kay mama eh hahaha tawag nga naming diya dragonesa unahan pa kami papunta sa dining table

“akala ko di pa kayo bababa eh, (angelic smile pa sows) hala kain na tayo” wow! Grabe kanina lang galit nag alit ngayon naman maka ngiti wagas na wagas kala mo anghel

“hehehehehehehe” sabay sabay naming sabi di na kami nagsalitang tatlo baka kung ano pa mangyari samin eh

____________________________________________________________________________________

“alex! Ano na?? lalim ng iniisip ah, yung alaga mo oh tignan mo” ay onga pala lagot kay ate pag may nangyari dito

“ah oo nga pala, wala naisip ko lang yung dati yung mga bata pa kami grabe tapos ngayon di ko maisip ikakasal na si kuya” parang kelan lang. grabe nawala ang 6 years na dapat kasama ko sila

“tama na emote mo diyan, ayoko ng maalala ang ibang parte ng kabataan natin dahil diyan sa bwisit mong kuya” eh pano ba naman simula bata para na silang aso’t pusa ewan ko ba diyan sa dalawang yan pero nako mukha namang may gusto sila sa isa’t isa ayaw lang aminin nako mga to talaga kala mo teenager mga indenial nako gusto ko nang malaman magiging reaksyon nila pag narealize na nilang pareho nilang gusto ang isa’t isa.

“oh? Bakit tumatawa ka?” kung alam mo lang ang naiisip ko hahaha

“wala may naisip lang ako”

“ano ba alex, para kang tanga diyan kanina emote emote tapos ngayon naman tatawa tawa parang ewan lang”

“sus! Wala wag mo na nga ko pansinin tara kain na muna tayo nagugutom na ko” ay yung pamangkin ko nga pala

“Chloe!! Baby! Let’s go we’re gonna eat!” layo na ng narating niya parang batang nakawala sa hawla eh ahahhahah

“okay, tita! Coming”

One Sided LoveWhere stories live. Discover now