Chapter 5 THE WEDDING

496 16 7
                                    

“Alex! Ano ba napakatagal mo bumangon ka na diyan the wedding will start in 2 hours at natutulog ka pa ikaw nalang ang hindi busy tumayo ka na diyan!” Inaantok pa ako ano ba yan. Makatayo na nga ah! Inat, Inat Eto na ang araw na pinakahihintayy ni kuya saw akas ikakasal na siya, pero ito din ang araw na hinding hindi ko na naimagina sa tanang buhay ko si Raf sa tinagal tagal ngayon pa ngayong araw ko pa talaga siya makakapartner at sa kasal pa  ng kuya ko nakaka bwisit lang talaga. Naligo na ko ng napakabilis dahil baka mamaya mag alburoto nanaman yung nanay kong dragonesa at baka mamaya eh bumuga pa ng apoy mahirap na.

“MA! San ba mag papa make up?”

“Dito, Pumasok ka dito” Kumaliwa ako sa napaka laking kwarto lahat ng mga babae nandun mga pinsan, parents at sister ni ate celine nandun na nakita ko na din dun ang bestfriend kong si Isabelle na nakaupo at mine-make-up-an. Ang ganda niya talaga yung mahaba niyang buhok kulot na yung big waves ah. Malamang mamaya mag aasaran nanaman sila ni JE, gusto ko Makita magiging reaction niya pag nakita niya si Isabelle! Hahahahaha partner niya kasi si JE mamaya eh. Sigurado babagay sa kanya yung teal na dress niya. Kasi nga beach wedding kaya teal ang cute ng kulay.

“Hi Ikaw ba yung next na ma-make-up-an?” tanong ng baklang mag mamake up sakin natawa ko sa ichura niya kasi may Malaking bulaklak sa tenga niya eh alam mo yung ichura niya yung maton na mga bading

“Oo teh, ikaw ba si marimar? At ang laki niyang bulaklak diyan sa tenga mob aka habulin ka ng bubuyog niyan”

“hahahaha oo teh ako si marimar at nakita ko na nga si Sergio kanina. Oh My Gosh as in Oh My Gosh ang gwapo gwapo niya lang laglag ang panty ko day” aba tignan mo to si atey kumikerengkeng

“hoy teh makareact wagas na wagas? Asan ba yang Sergio na sinasabi mo? Pakita mo sakin malay mo kilala ko papakilala ko sayo”

“Hoy! Bambi ayusan mo na yang anak ko anong oras na marami ka pang aayusan ang kasal hindi kayo aantayin ha!” tumirada nanaman tong nanay kong napaka KJ kitang nag chichikahan pa kami neton new found friend ko eh

“Opo Madir” “basta teh pakilala mo sakin ah ituturo ko sayo mamaya OMG!!” sabay bulong sakin netong si bambi

“oo sige sagot kita. Ano bang gusto mong gawin ko pipikit na ba ko?”

“Oo teh pikit na matulog ka muna kung gusto mo lalagyan muna kita ng foundation”

Ayan mabuti maka idlip muna di naman kasi ako mahilig sa make up naaasiwa nga ko eh kaya lang syempre pag minsan kailangan mo din kasi para presentable kaya lipstick lang blush on at konting mascara keri bambam na.

“Teh buka ang bibig”

“teka, tapos na ba?” tapos na ba? Hindi ko napansin ah nakaidlip nga talaga ko

“oo teh tapos na kanina pa lipstick nalang ang kulang.” Aba magaling mag make-up si bambi ah hindi dark at makapal ang make-up

“bambi, galling mo ah hindi makapal ang nilagay mo sakin”

“teh sa ganda mong yan hindi na dapat kinakapalan ano carry na light make-up para I highlight lang ang features mong maganda. Infairness ha ang ganda ng lahi niyo. Carry na ba ko maging kapatid mo nakita ko yung kapatid mo kanina OMG ang gwapo”

“hep akala ko ba nakita mo na si Sergio? Wag mo na kanain yung kapatid ko mas mukha kapang maton dun eh. Hahaha”

“hay nako teh, ay wait ayun si Sergio sa may puno nakikita mob a yung puno na yun?”

Puno? Ah dun sa labas teka parang familiar yun ah. The guy was wearing a white long sleeve kamiso chino rolled up until his elbows; he was talking to my brother JI, ah! Who wouldn’t fall with this guy? With his brown locks, chiseled jaw, almond shape eyes, pointed nose. His Moreno looks, masasabi mo talagang literal na depenisyon ng tall, dark and handsome. Shemay! Parang Richard Gomez lang diba. Kaya nga pati ako nagging biktima. Ah! Erase! Erase! Erase! Wag ng balikan ang nakaraan Itago nalang natin sa pinaka sulok sulukan ng puso at isip.

“ano na teh? Kilala mo ba?”

“ah, hi—hindi eh? Hindi ko kilala bambi pero wag ka mag alala hahanapan kita ng mas gwapo pa dun” No, hindi pwede ayoko pang kausapin yung kutong lupa nay un kailangan ko muna ihanda ang isip at puso ko para sa gagawin kong pag ganti. Sigurado na ba ko dito? What if mag back fire ang plano ko at ako nanaman ang mahulog at di na makaahon? Pero kailangan ko tong gawin, kailangan maramdaman niya kung pano ko naghirap ng pina mukha niya sakin kung ano lang ako.

I would turn my heart into stone para lang makaganti sa kaniya and after this wedding, Maghanda ka Eduardo Rafael Murguia dahil sisiguraduhin mata lang ang walang latay sa pag hihiganti ko. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Sided LoveWhere stories live. Discover now